Mitra, Diana Jene Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongretong ibinunga at mga Paglalahad ng natuklasan sa pag-aaral batay sa mga impormasyon o datos na Resulta ng nakalap sa pananaliksik nang sa ganoon ay makapagmungkahi at Pananaliksik makagawa pa ng mas malalim na pag-aaral. Halimbawa: Ang mga mag-aaral, bagamat wala sa hilig nila ang pagbabasa ng mga aklat pampanitikan, ay napipilitan silang magbasa sapagkat ito ay kung bakit hindi mahihilig ang mga mag-aaral na pahalagahan ang mga pampanitikang akda sa Filipino ay dahil sa mga sumusunod:
1. Gurong nagtuturo
2. Pamamaraang ginagamit sa pagtuturo
3. Kagamitang angkop sa level ng mga tinuturuan
4. Iba pang salik
Ilalahad sa bahaging ito ng pag- aaral ang mga napatunayan sa pananaliksik; ang buod ng pag- Lagom, aaral. Ang mga paglalahat sa pormat sa pormang konglusyon; at Kongklusyon, at ang mga rekomendasyon para sa kalutasan at kabutihan ng mga Rekomendasyon suliranin. LA G O M
Ang lagom ay ang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral.
Ito ay ang pinagsama-samang idea mula sa mga natuklasayan sa pag-aaral na hindi na nangangailangan pa ng anumang paliwanag. Presentasyon ito ng kabuutan ng naging pag-aaral na inilalahad sa parang payak at tiyak.
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang lagom:
• Gumamit ng mga payak na pagpapahayag tungkol sa layunin ng pag-aaral, mga kalahok o respondent, panahon ng pag-aaral, paraan ng pananaliksik, instrument at disenyong ginagamit Halimbawa: Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga kadahilanan kung bakit kulang ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Panitikang Pilipino. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng mga guro at mag-aaral sa unang taon sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng ibinibigay na mga tanong sa mga respondent at isinagawang intervyu, natuklasan ang mga sumusunod:
1. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang itinuturo ay nakasalalay sa
katangiang taglay ng mga guro.
2. Ang paggamit ng ibat’ibang estratehiya sa pagtuturo ay nakatutulong para
mapahalagahan ng mga mag-aaral ang Panitikang Pilipino.
3. Higit na pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang mga akdang makabago subalit
may temang Makabayan. KONGKLUSYON
Ang kongkulusyon ay mga hinuha, implikasyon, o mga paglalahat
batay sa mga napatunayan.
Panuntunan sa pagsulat ng kongkulsusyon:
1. Kailangang angkop ang ibibigay sa sagit sa mga inilahat na tiyak na mga tanong. 2. Kailangang makita sa kongkulusyon ang mga natutuhang patotoo sap ag-aaral. 3. Kailangang ilahad ito sa isang maikli ngunit tiyak na paglalahad ng mga kailangang impormasyon. 4. Kailangang ipahayag sa isang daang bahagdan (100%) ng pagkamakatotohanan at kawastuhan. Halimbawa: Batay sa natuklasan sa pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na kongkulusyon:
1. Mabisang-mabisa ang mga hakbang na isinasagawa sa pagsubok sa pag-
unlad ng pagkatuto sa Filipino.
2. Ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan/istratehiya ay angkop na
angkop at mabisang mabisa sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan sa komunikasyon. REKOMENDASYON Ilahad sa bahaging ito ang mungkahing maaaring makatulong sa iniharap na suliranin, o tagubilin ng mananaliksik upang lalong maging kapakipakinabang ang isinagawang pag-aaral.
Panuntunan sa Pagsulat ng Rekomendasyon
1. Kailangang kaugnay lamang ng mga natuklasan at tinalakay sa pagsisiyasat. 2. Kailangang magkaroon ng modelo na maisasagawa sa paraang praktikal at kapanipaniwala. 3. Kailangang nakatuon sa tao, ahensiya o taggapang may kakayahang maisagawa ang inirerekomenda. 4. Ang paggkalohikal at balidado ng rekomendasyon ay dapat isaalan-alang. Halimbawa: Ang mga sumusunod ay mga rekomendasyon bunga ng mga natuklasan sa pag-aaral;
1. Gamitin ang ibat’ibang pamamaraan/istratehiya sa pagkatututo ng Filipino
upang hindi sawaan ang mga mag-aaral sa talakayan.
2. Gawing malawakan ang pagpapatupad ng mga repormang pangkurikulum ng
edukasyon ukol sa pagbabago,pagpapayaman, at pagpaparami ng mga mabisang pamamaraan/istratehiya sa pagtuturo ng Filipino.
3. Hikayatin ang mga guro ng maraming pamamaran/istratehiya sa pagtuturo upang ang
mga kakayahan at kasanayan ay lubusang malinang sa mga mag-aaral.
4. Magkaraon ng iba pang panaliksing tungo sa makabagong pamamaraan