Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 61

YUNIT 4

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT


INTERNASYUNAL
Ipakita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng
wikang Filipino sa konteksto ng mga napapanahong usapin sa
loob at labas ng bansa katulad ng korapsyon sa gobyerno,
kahirapan, kalusugan at iba pa. Sa ganitong paraan, ang aklat na
ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan
na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.
Korapsyon at iba pang mga Katiwalian sa
Pamahalaan
Pangarap ng bawat Juan dela Cruz ang magkaroon ng
isang maayos na lipunang ginagalawan hindi lamang para sa
kanilang kinabukasan kundi maging para sa kinabukasan na rin
ng kanilang mga magiging anak at iba pang salinglahi. Subalit
ang mga pangarap na ito ni Juan dela Cruz ay nananatili lamang
mga pangarap bunsod ng maraming katiwalian sa pamahalaang
kanilang pinagkakatiwalaan at sinasandalan.
Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa
itinuturing nating kakampi sa buhay- ang pag-asa. Ang mga mukha na
matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga
sumusunod:
Pag-abuso sa kapangyarihan;
Pakikipagsabwatan;
Pandaraya sa halalan;
Pagnanakaw sa kaban ng bayan;
Sistemang padrino o palakasan;
Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
1. Pang- aabuso sa Kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na
magampanan ng isang lider ang tungkulin na inaasahan
sa kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala
ito, walang pwersang makapagbibigay ng pangil para sa
mabuting pagtatanggap ng lipunan sa maayos na
implementasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan
ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan,
ministreyal na pagpapatupad at diskresyunal na
pagpapatupad.
Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang tungkulin ay
ministreyal kung ang isang namumuno ay walang ibang
nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya.
Halimbawa:
Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos na
transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino;
Ang mekanikong pagpro- proseso ng income tax return;
Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula sa orihinal na
may-ari tungo sa bumili nito;
Pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng
mamamayan;
Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa
paggamit ng opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng
pamahalaan na ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-
alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay
kailangang gamitin nang ayon sa katwiran, walang kinikilingan, at hindi
mapang-api o nakapananakit ng iba. Halimbawa:
Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga magiging kasapi ng gabinete ng
ehekutibo;
Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa isang pribadong
kumpanya;
Pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa pagpapatupad ng isang
polisiya;
2. Pakikipagsab’watan

Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o


higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na isakatuparan nang
palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba
upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawain. Ito ay
isang krimen ng pandaraya, panloloko, sa iba para sa kanilang
mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa
batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o
paggamit ng hindi patas na kalamangan.
Halimbawa:
Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng
kasunduan ng parihong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang
presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan;
Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin
ang hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa
basikong karapatan katulad ng magpahayag (expression) at karampatang proseso na
malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili (due process).
Paggawad ng kontrata sa isang ahensya na may kaugnayan sa proyektong
pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding. (ang
bidding ay isang Sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa
lahat na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan. Mahalaga ito
upang iwaksi ang maraming katiwalian sa pamimili o purchasing).
(3) Pandaraya sa Halalan

Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang


kinabukasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng kanyang
boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay
sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at
pananalig na ang suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan
nito ay makabulohan at kailanman ay hindi pagsisihan.
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan
bilang mga botante ay kinikilala n gating Saligang Batas sa
ilalim ng Artikulo V.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at
mandato sa Komisyon ng Eleksyon na pangasiwaan ang malinis
at maayos na halalan ay lantaranan ang mga pandaraya at
anomalya na ginagawa ng mga pulitiko at mga kasabwat na
nagbubunga ng paghalal sa mga taong hindi totoong
napupusuan ng higit na nakararami. Bunga nito ay ang
maraming kilos protesta at kawalan ng tiwala sa isang
pamamahala.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon:
Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa ilegal na
panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdagdag ng boto sa
pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho.
Anumang akto na makaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto
sa nararapat na resulta ay maituturing din na pandaraya sa eleksyon, bagamat ang
bawat bansa ay may kanya-kanyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng
pandaraya ang mga karahasang katulad ng pagsupil ay pagpaslang sa mga katunggali
sa halalan, ang pananabotahe ng mga balota, at ang pagpili o panunuhol ng mga
botante kapalit ng isang boto.
Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation). Ito ay isang uri ng pandaraya
na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga maghahalal ay
nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya.
Mahalaga ring matutunan ng mga mag-aaral ang konsepto ng
disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na
bumoto. Isinagawa ang metodong ito kung ang kandidato ay naniniwala
na ang isang botante o grupo ng mga botante ay sumusuporta sa kalabang
panig o partido. Maaari itong Makita sa anyo ng panghihina ng loob ng
iba na mangrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay ang
tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa pamamagitan ng animo ba ay
legal na pagtanggal sa proseso ng korte.
Manipulasyon ng demograpiya. Maraming mga pagkakataon na
kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang komposisyon ng mga
manghahalalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusuportahang pulitiko.
(4) Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan
Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa
mga pulitiko na kanilang inuluklok sa pwesto upang
mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa
pagkasilaw sa mga kayamanang dapat sana ay ilalaan
upang mapagsilbihan nang wasto ang taong bayan. Ang
suliraning ito ay matagal nang kinakaharap ng maraming
bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat ng
pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.
Ang Punong Ministro ng Thailand na si Yingluck
Shinawatra ay napatalsik din sa pwesto noong 2014 dahil
sa mga alegasyong ng korapsyon. Si Park Geun Hye ng
South Korea ay na-impeach ng Pambansang Asembleya
noong 2016 dahil sa usapin ng pag-abuso sa
kapangyarihan at pagtanggap ng suhol. Sinusugan ng
Constitutional Court noong 2017 ang naging desisyon ng
Pambansang Asemblea. Si Park Geun Hye ay nahatulan
ng dalawampu’t apat na taong pagkakakulong.
Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. Maraming
isyu o usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang
ipinukol sa mga pulitikong pinagkatiwalaan ng bawat Juan. Ang dating
Pangulong Ferdinand E. Marcos ay pinukol ng maraming alegasyon ng
korapsyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taong bayan
ay nagsawa na at natutong makipaglaban noong 1986. Hindi natupad ni
dating Bise Presidente Jejomar Binay ang kaniyang pangarap na mahalal
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2016 dahil sa naging mainit
ang mga lumabas na isyu ng katiwalian (sa Makati noong siya ay Mayor
pa lamang) ilang buwan bago maganap ang Pambansang Halalan.
Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno
(Corruption of Public Officer)
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
ang direktang panunuhol (direct bribery) ay maaaring isampa sa
kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa
paggawa ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng
kaniyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit na
anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang
opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba.
Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng
gobyerno ay maaaring makasuhan ng idirektang panunuhol ng
regalo dahil sa tanggapan na kanyang hinahawakan
(inamiyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng
Hunyo, 1985).
Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling
inaatang sa lahat, maging sa mga pribadong indibidwal.
Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng
gobyerno (corruption of pubic official) ayon sa Artikulo 212.
Ang krimen na ito ay maaaring ihain sa kahit na sinong tao na
magbibigay ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa
opisyal ng gobyerno.
Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan
Sa ilalim ng Artikulo 217 mga Kodigo Penal ng Pilipinas ay
binigyan ng depenisyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-
arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang pagpapalagay
(presumption) sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit
sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kanyang tungkulin sa
tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publiko
kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa
pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao
na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o
bahagdan. Ang halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay
esensyal sa pagtukoy ng angkop na parusa sa taong mapapatunayang
gumawa ng krimeng ito.
Pandarambong (Plunder)
Ang pandarambong o plunder ay maaaring kinukundina sa sistema
ng pamamahala sa Pilipinas. Sa bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang
krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan ng
pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga
nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng
kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunod-sunod na
hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa
tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung
milyong piso (P50,000,000.00). Reclusion perpetua hanggang kamatayan
ang parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang magkakasala sa
krimeng ito. Ang mga sumusunod ay mga espesipikong akto na may
kaugnayan sa pandarambong o plunder:
1. Paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko o
mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;
2. Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga
kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may
kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng
pinagtutungkulang opisyal ng publiko;
3. Ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o
anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumalidad o mga pag-aari ng pamahalaaan o
kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyaryo nito;
4. Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock, ekwided o
anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa
anumang negosyo o isinisagawa;
5. Paglikha ng agricultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopoly o iba pang kombinasyon
at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga particular na tao
o mga espesyal na interes; o
6. Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o
impluwensya upang hindi makatarungang payamanin ang mga sarili nito na may pagsasawalang-
bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at Republika ng Pilipinas.
Ang Graft at Korapsyon
Ang konsepto ng graft at korapsyon ay mga usaping
paulit-ulit na nagpapasakit sa bawat Juan Dela Cruz. Ang
usaping ito ay matagal ng hinahanapan ng solusyon subalit
hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa ring napaglalabanan. Ang
graft at korapsyon ay dalawang magkaibang konsepto ng
pagkuha ng personal na benepisyo mula sa mga transaksyong
pampamahalaan. Ang korapsyon ay tumutukoy sa maling gamit
ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na
benepisyo. Sa kabilang dako, ang graft ay tumutukoy sa maling
gamit ng impluwensya para sa personal na benepisyo.
Sa ilalim ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices
Act) ay inisa-isa ang mga kasanayang may kaugnayan sa korapsyon ng
mga opisyal ng gobyerno at idineklara na labag sa batas. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang sa enumerasyon ng mga espisipikong akto ng
paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito:
A. Himukin, ibuyo o impluwensiyahan ang ibang opisyal ng gobyerno na
magsagawa ng isang akto na lumalabag sa patakaran at regulasyong
binigyan ng promolgasyon ng maaasahang awtoridad o isang paglabag na
may kaugnayan sa opisyal na tungkulin ng opisyal ng gobyerno, o ang
pahintulutan ang sarili na mahimok, mabuyo, o maimpluwensiyahan na
gumawa ng paglabag sa batas.
B. Direka o di- direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi,
bahagdan, o benepisyo para sa kaniya o para sa ibang tao, kaugnay ng
kahit anong kontrata o transaksyon sa bagitan ng gobyerno at iba, na
kung saan ang opisyal ng gobyerno sa kaniyang opisyal na kapasidad ay
kailangang pumagitna sa ilalim ng batas.
C. Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo o ibang may
kaugnayan sa salapi o materyal na benepisyo para sa kaniya o para sa
ibang tao, mula sa kahit sinong tao na kung saan ang opisyal ng
gobyerno, sa anumang paraan o kapasidad, ay nakakuha o makakukuha,
ng kahit na anong permiso o lesensiya sa gobyerno, bilang konsiderasyon
sa tulong na ibinigay o ibibigay.
D. Pagtanggap o pagkakaroon ng kasapi ng pamilya na tumanggap ng
trabaho sa pribadong kompanya na nakabimbing kalakalan sa kaniya sa
mga panahon ng pagluluwat o sa loob ng isang taon pagkatapos nito.
Sistemang Padrino o Palakasan
Ang isang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng
pamamahala ay ang sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga
nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging saksing bulag at
bingi sa hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan lamang ang
mga taong pinagkakautangan nila ng loob.
Masasabi na ang nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism) ay
kasama rin sa mga ugat ng padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating
Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o ang
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal
samantalang walang tiyak na batas na makapagpaparusa sa kronyismo o
pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagamat matindi itong
kinukondina. Ang nepotismo at kronyismo ay hindi pinapaboran upang
maiwasan ang mga sabwatan sa mga transakyong kinasasangkutan ng
dalawang panig na kasangkot.
Mga Halimbawa ng Korapsyon sa Iba’t Ibang
Sangay ng Pamahalaan
Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa
isang magandang sistema ng pamamahala hindi lamang
sa mga pangunahing mga sangay ng pamahalaan kundi
maging sa mga maliliit na yunit nito. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang pagtataya sa mga suliraning
may kaugnayan dito.
Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
Hindi ligtas ang mga kapulisan at ang Hukbong Sandatahan sa
usapin ng korapsyon. Nababalot din sa kontrobersiya ang kanilang mga
pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang
tungkulin. Kung matatandaan ay naging laman ng maraming balita sa
telebisyon at pahayagan ang mga akusasyon ng katiwalian ng dating hepe
ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa pagkasira ng
kaniyang pangalan na matagal niyang inigatan ay pinagpasyahan niyang
kitilin ang kaniyang buhay sa harap ng libingan ng kaniyang namayapang
ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan ang kaniyang buhay noong
Peberero 2011 na hindi siya nagsimula ng maraming ireguralidad sa AFP.
Aniya, ito ay isang tradisyon. Ang tanging kasalanan niya ay ang
pagtanggap dito bilang ordinaryong bagay sa AFP.
Korapsyon sa Hudikatura
 Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno,
kasama ng Ehekutibo o (Executive), at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang
pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na may kapantay na kapangyarihan sa
Ehekutibo at Lehislatibo. Ang Hudikatura ay sangay ng gobyerno na siyang
nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng Lehislatibo at pinatutupad ng
Ehekutibo.
 Ang Hudikatura ay hindi ligtas sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa
kaban ng bayan. May mga kurakot din na hukom o Judge na tumatanggap ng suhol
upang magbaba ng desisyong pumapanig sa nagbigay ng suhol. May ilang mga
hukom na pinatatagal ang pagdedesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustiya
sa mga taong walang kasalanan. Kaakibat ng maling gawi o akto ng mga hukom sa
paglabag sa kanilang koda ng etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga
kasong administratibo o maaari rin na mangpagtanggal sa kanila ng lisensiya bilang
mga abogado.
Naging mainit ang mga usapin na ipinukol kay dating Supreme
Court Justice Renato Corona dahil sa maling deklarasyon ng kaniyang
mga pagmamay-ari at mga pagkakautang batay sa deklarasyon ng mga
SALN na sinasabing lumabag sa RA 6713. Siya ang kauna-unahang
Supreme Court Justice sa kasaysayan ng Pilipinas na pinatalsik sa pwesto
sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. Pinatalsik siya sa pwesto
noong May 29, 2012.
Korapsyon sa Pamamahayag
Ang pamamahayag ang isa sa mga basikong karapatang
pantao na bibigyan ng proteksyon n gating Saligang Batas,
espisipiko sa Artikulo III. Seksyon 4. Isinasaad dito na walang
makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao ng
magsalita, magpahayag, o ang karapatan ng tao na magtitipon-
tipon sa mapapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang
mga karaingan laban sa gobyerno.
Sa kabila ng mga karapatang ito ay may mga pagkakataon na ito ay
nababahiran din ng usapain ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya
ng mga sumusunod na sitwasyon:
Pananahimik o pagpapasya na huwag ilantad ang katotohanan kapalit ng
pagtanggap ng suhol. May mga pagkakataon din na ang isang
mamamahayag ay may mga ilalantad na mga kwentong hindi totoo kung
kaya malaki posibilidad na makasira sa isang indibidwal o samahan
kapalit ito ay pabor na manggagaling sa manunuhol.
May mga pagkakataon din na kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga
kwentong mapakikinabangan ng indibidwal o kumpanyang nagbibigay
ng suhol.
Korapsyon sa Lehislatibo
Ang lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala
sa pagbuo at pagbabalangkas ng batas na nararapat namang
ipatupad ng Ehikutibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang
sangay na ito ng Lehislatibo sapagkat maaaring makapaglagay
ng isang probisyon sa panukalang batas na maaaring pumabor
sa may-akda nito mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral
ang ilang prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa
pamahalaan:
Hindi tugmang tanggapan (incompatible office).
Ipinagbabawal ng prinsipyong ito sa mga mambabatas na
humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng
pamahalaan kasama ang GOCC o Government Owned
Corporations liban lamang kung iiwanan niya ang kaniyang
tungkulin bilang mambabatas. Mariing ipinagbabawal ng
prinsipyong ito ang paghawak ng dalawang tanggapam upang
maiwasan at maiwasan ang pagbibigay ng katapatan sa isang
tanggapanan habang ang indipendinsya ng lehislatura at ang
doktrina ng hiwalay na kapangyarihan (separation of power) ay
nasisira. Halimbawa: Hindi maaaring tanggapin ng isang
senador bilang kalihim ng DILG kung hindi niya babakantihan
ang kaniyang puwesto bilang senador.
Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office).
Ipinagbabawal sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng m ga
kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o
ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay
nanunungkulan pa bilang kongresista. Layunin ng prinsipyong
ito na maiwasan ang mga anumalya na kung saan ang
kongresista ay makikinabang sa batas na siya mismo ang
nagbigay ng inisyatibo.
Iba pang Korapsyon sa Pilipinas
Ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga korapsyon na
palasak sa Pilipinas:
Pagtanggi sa Pagbabayad ng Buwis. Ang pagbabayad ng
buwis ay isang tungkuling iniaatang sa bawat mamamayang
Pilipino kapalit ng seguridad at serbisyong ibinibigay sa kanila
ng pamahalaan. Walang pamahalaan na makatatayo nang mag-
isa kung wala ang buwis na kinukuha sa bawat mamamayan.
Ghost Projects at Payroll. Kadalasan itong ginagawa ng
mga matataas na opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pondo sa mga hindi umiiral na proyekto ng
pamahalaan habang ang mga hindi umiiral na tauhan ng
pamahalaan ay sinasahuran at binibigyan ng allowance.
Lantaran ang katiwaliang ito sa mga ahensya ng pamahalaan na
may kaugnayan sa mga pormulasyon o pagpapatupad ng mga
programa sa imprastruktura at nagbibigay ng mga pasahod.
Pag-iwas sa Subasta sa Publiko ng Pagkakaloob ng mga
Kontrata. Mahalaga ang pagsusubasta sa publiko ng
pagkakaloob ng kontrata upang maiwasan ang paggawad ng
kontrata sa mga negosyante o mga personalidad na
makapagbibigay sa kanila ng personal benepisyo.
Pagpasa ng mga Kontrata mula sa isang Kontraktor
tungo sa iba pa (subcontracting). Ang pagpapasa ng mga
trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa iba pang kontraktor
ay maaaring magdulot ng paggamit mababang uri ng materyales
o hindi matapos-tapos na mga proyekto.
Pangingikil. Ang pangingikil at tumutukoy sa isang akto
ng panghihingi ng salapi, mahalagang bagay o serbisyo mula sa
mga transaksyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kanilang
mga tanggapan o opisina. Talamak ang ganitong uri ng
korapsyon sa mga tanggapan na nagbibigay ng clearance at mga
kauganay na dokumento, o mga serbisyong direktang kailangan
ng mga mamamayan.
Pagbibigay ng suhol. Ito ay aktong makikita sa isang
pribado o ordinaryong mamamayan na karaniwang napipilitang
maglagay sa opisyal ng pamahalaan resulta marahil ng matagal
na pag-aksyon ng taong gobyerno sa transakyon na kailangan
ng pribadong indibidwal ng isang agarang aksyon.
Kabayanihan at ang Konsepto Nito
Pinaniniwalaaan ng may-akda na ang konsepto ng kabayanihan
ay nagbabago batay sa panahon at pagtanaw at sirkumtansya ng
taong tumitingin dito.
Sa artikulo ni Le Breton (2018), kanyang sinabi na ang mga
mahuhusay na iskolar- mga indibidwal na natamo ang
pinakamahalagang kontribusyon sa kaalaman at pag-unawa ay
maituturing na mga bayani. Binigyan nkiya ng depinisyon ang mga
bayaning iskolar bilang scientist o hindi scientist na ang
pagpapahalaga sa paghahanap ng katotohanan ay napakataas, ang
mga natamo ay napakahalaga, nakahandang harapin ang kahirapang
pangpropesyon, handing isakripisyo ang kita, seguridad, estado,
upang maging totoo sa sarili at mga panawagan.
Ang kabayanihan ay inilalarawan ng kagitingan at
katapangan sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa mga
mitolohiya at mga kwentong bayan ay ipinakikita ng mga
pangunahing tauhan ang kanilang pagsasakripisyo at paglalagay
ng sariling buhay para isalba ang higit na nakararami. Ang
kabayanihan ay nagpapakita ng katapangan na harapin ang
panganib at kagipitan para sa kapakanan ng sangkatauhan. Sa
paglipas ng panahon ay higit na naging malawak ang konsepto
nito sa punto na hindi lamang ito nakapokus sa pakikidigma
bagkus ay ang pagsasama sa mas panlahat na kahusayang
pangmoralidad.
Si Dr. Zeus Salazar sa artikulo ni Lacuata na isinalin
ni Vibar (2013) ay naghain ng ibang depinisyon ng
kabayanihan. Kanyang sinabi na ang isang bayani ay
nakikipagtulungan nang walang anumang bayad sa
gawaing pangkomunidad.
Ang Kabayanihan ng mga Pilipino
Kung kabayanihan ang pag-uusapan, tiyak na mangunguna sa
talaan ng bawat Juan Dela Cruz ang pangalan ng pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal, bagamat ang katotohanan ay wala
namang batas na kumikilala sa kanya bilang pambansang bayani.
Si Dr. Rizal ay nakilala sa kanyang mga mapangahas na nobelang
naglalarawan sa kanser ng lipunan at ang kalunus-lunos na
kalagayan ng bansa sa kamay ng mapang-abusong prayle at
mahinang sistema ng gobyerno. Sinulat niya ang mga pamosong
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na may malaking
papel na ginampanan upang mapukaw ang damdaming makabayan
ng mga Pilipino. Pinatunayan niya na hindi kailangang gumamit ng
punglo at punyal upang maipagtanggol o maipaglaban ang bayan.
Sa kabilang dako, iba pang kabayanihang ipinakita ni
Andres Bonifacio na gumamit ng karahasan sa halip na panulat
upang makipaglaban sa mga kaaway ng mga Pilipino. Ang
kanyang kagitingan sa pagtatag ng Katipunan o ang Kataas-
taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan
ay isa sa mga instrument upang ganap na makamtan nating mga
Pilipino ang kalayaang matagal na ipinagkait sa atin ng mga
Kastila.
Pambihira rin ang kabayanihang ipinakita ni Melchora
Aquino o Tandang Sora na sa kabila ng kanyang edad ay hindi
ito naging hadlang upang siya ay makatulong sa mga
katipunero sa Panahon ng Himagsikan.
Sinamantala ng mga Amerikano ang tiwala na ibinibigay
sa kanila ng mga Pilipino matapos nilang tulungan ang mga ito
na makawala sa kamay ng mga Espanyol. Lumutang ang
kabayanihan ni Macario Sakay na hinadlangan ang paglakas ng
mga itinuturing na bagong mananakop.
Nagpakita rin ng kabayanihan sina dating Pangulong
Manuel Quezon, Sergio Osmena, at Manuel Roxas dahil
itinaguyod nila ang karapatan ng mga Pilipino kahit na
kailangan nilang sumunod sa mga Amerikano.
Hindi matatawaran ang katapangan ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon na kinilalang Ama ng Wikang Pambansa
dahil sa kanyang inisyatibo na magkaroon ng wikang Pambansa
sa kabila ng maraming mga pagtutol dito.
Lumutang din ang maraming bayani sa panahon ng
Martial Law na nakipaglaban sa diktaturya at maraming
karahasan. Nakilala si dating Senador Benigno Aquino Jr., na sa
kanila ng pagtapon sa kanya sa Estados Unidos ay nanindigan
sa kanyang pagtutol sa uri ng pamamalakad sa pamahalaan
noong panahong iyon.
Itinuring ding bayani ang maybahay ni Senador Benigno
Aquino Jr. na si dating Pangulong Corazon Aquino na kinilala
bilang Ina ng Demokrasya sa Asya.
Iba pang mga Kabayanihan
Hindi lahat ng kabayanihan ay kinasasangkutan ng pagbubuwis
ng buhay sa himagsikan sa literal nitong kabuluhan. May iba’t
ibang uri ng himagsikan na kinahaharap ang tao na kung
kanyang mapaglalabanan para sa kabutihan ng lahat ay
maituturing ding akto ng kabayanihan.
Ang pangingibang bayan ng mga OFW ay isang uri ng
pakikipagsapalaran ng mga Pilipino sa ibang bansa mabigyan
lamang ng magandang buhay ang kanyang mga mahal sa buhay
na nasa Pilipinas. Tinatawag silang mga bagong bayani ng
kasalukuyang panahon.
Ang paggawa ng kabutihan para sa iba sa kabila ng mga pasakit na
maidudulot nito para sa personal na sirkumtansya ay mga akto ng
kabayanihan. Hindi inalintana ni Efren Penaflorida ang sariling
kahirapan sa buhay para lamang sa kanyang natatanging pamamaraan
(kariton) ay makapagbabahagi siya ng karunungan sa mga bata sa
lansangan.
Ang kahusayan ni Senador Manny Pacquiao sa larangan ng boxing
ay itinuturing ng nakakarami na kabayanihan sapagkat napagbubuklod-
buklod niya ang mga Pilipino sa anumang lupalop ng mundo.
Ang mga katapatang ipinakikita ng mga Pilipino sa kanilang mga
gawi at ang hindi pagkasilaw sa salapi sa kabila ng kahirapan ay tanda
rin ng kabayanihan. Ibinalik ni Junjun Mendoza sa NAIA ang kanyang
natagpuang wallet na may lamang malaking halaga sa halip na ito ay
ibulsa o gamitin na lamang.
Likas na mga kadahilanan ng Kalamidad
Inilahad sa http://www.earthtimes.org/encyclopedia ang
tatlong mahalagang pangkat ng likas na mga kadalihanan ng
kalamidad. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Mga paggalaw ng mundo;
Kalamidad na may kaugnayan sa panahon;
Mga pagbaha, pagguho ng putik, pagguho ng lupa, at taggutom.
Ang mga kalamidad na kaakibat ng paggalaw ng mundo ay
maaaring alinman sa mga subalit hindi limitado sa mga
sumusunod na halimbawa: lindol, pagputok ng bulkan, at
tsunami.
Pagbabago sa Klima o Climate Change
Ang pababago sa klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na
siyang nagpapainit sa mundo. Sinasabing ito ay nakapagbubunga ng mga
sakuna katulad ng baha at tagtuyot na dahilan ng kamatayan at sakit ng tao.
Dalawa ang itinuturong dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo at
ito ay ang mga sumusunod:
Likas na Pagbabago. tinutukoy nito ang sama-samang epekto ng enerhiya
mula sa araw, pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa
na nagiging dahilan ng pagtaas ng temperature sa hangin na nakabalot sa
mundo;
Greenhouse Gases. Karaniwang sanhi nito ang paggamit ng mga kemikal
sa mga produktong ginagamit ng tao, pagbuga ng carbon dioxide buhat sa
mga sasakyan na gumagamit ng gasoline, paglapastangan sa mga puno na
siyang panangalang sa carbon dioxide, at iba pa.
Kahirapan
Isa sa mga sakit sa lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi
malulunasan ay ang kahirapan. Inilarawan nito ang kawalan ng
pag-aaring materyal o salapi na maaaring niyang gamitin upang
magkaroon ng maayos o kaiga-igayang pamumuhay.
Ang kahirapan ay maaaring tingnan sa dalawa nitong kategorya,
ang ganap na kahirapan at relatibong kahirapan.
Tinutukoy ng ganap na kahirapan ang mga sitwasyon na nag
isang indibidwal ay nagpagkakaitang ng mga payak at basikong
pangangailangan pantao katulad ng maiinom na tubig, maayos
na kasuotan, maginhawang tirahan, pangangalagang
pangkalusugan.
Sa kabilang dako, ang relatibong kahirapan ay inilarawan ng
sitwasyon o pagkakataong ang tao ay may di sapat na salapi
kung ihahambing sa ibang tao sa kapaligiran. Ang mga
mapagkukunan o suplay at naaapektuhan ng mga balakid
katulad ng lantarang pagnanakaw o korapsyon sa gobyerno, mga
hindi makatwirang kondisyon ng pagpapautang ng gobyerno, at
marami pang iba.
Indibidwalistikong pananaw. Ang kahirapan ay isinisisi sa
indibidwal na kakayahan na pagbangon sa kahirapan katulad ng:
Katamaran
Kawalan ng sapat na edukasyon
Kamangmangan
Mababang pagtingin sa sarili
Kung ganito ang pananaw sa kadahilan ng kahirapan ng isang
indibidwal, ng isang lipunan, at ng isang bansa, maaaring
ipagpalagay na walang magaganap na pagbabago sa antas ng
kanilang pamumuhay kahit bukas at sa mga darating pang
panahon.
Sa pananaw na ang kahirapan ay isang istrukturang panlipunan, nakikita ng
tao na ang kanilang pagkakasadlak sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang-
ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa kanilang kita. Dahil sa
pagiging dinamiko ng bawat indibidwal, hindi nila ipinagkakabit-balikat lamang
ang kahirapan, bagkus ay humahanap sila ng paraan upang makaahon sa
madilim na kinasasadlakan.
Sa artikulo ni Dr. Bartle Phil na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kaniyang
inisa-isa ang limang malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng
mga sumusunod:
Kawalan ng kaalaman
Sakit
Kawalang pagpapahalaga
Hindi mapagkakatiwalaan
Pagiging palaasa
Malnutrisyon
Isa pa sa mga suliraning kinahaharap ng bansa ay ang
malnutrisyon na bunga ng kawalan ng sapat na sustansya ng
pagkaing kinakain sa pang-araw-araw na pamumuhay at ang
kahirapan na maipamahagi ang mga nararapat na pagkain sa
buong populasyon. Dagdag dito ay ang kawalan ng sapat na
kaalaman ng tao sa kahalagahan ng nutrisyon sa kanila.
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga
inisyatibo upang mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa
tamng nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding
program ang pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng
kaso ng malnutrisyon.
Usaping Pangkalusugan
Ano ang HIV?
Isa sa mga pangunahing usapin sa larangan kalusugan ay ang
HIV o Human Immunodefeciency Virus. Ito ay isang espekto ng
kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human immunodefiency virus.
Walang makikitang simtomas ng sakit ang taong may inpeksyon nito
maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na kumakalat ang
inpeksyon, higit nitong sinasalakay ang immune system, na lalong
nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng karaniwang inpeksyon
katulad ng tuberculosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang
dumadapo sa isang tao na may maayos na immune system. Tinatawag
na AIDS (Acquired Immunodefiency Syndrome ang inpeksyon sa
pinakahuling estado nito na karaniwang kinasasangkutan ng hindi
inaasahang pagbaba ng timbang.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain:
Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal at oral);
Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo;
Hypodermic na karayom;
Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina;
Pagpapasuso
Ang mga sumusunod na likido na nanggagaling sa katawan ng tao ay
hindi makatutulong sa pagsasalin ng HIV tungo sa ibang indibidwal:
Laway;
Luha
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod sa pamamaraan:
Ligtas na pakikipagtalik;
Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
Paggagamot;
Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ito ay
ipinagbubuntis. Tandaaan na na ang antiretroviral na gamutan ay
makakatutulong lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang
magkaroon ng inaaasahang normal na pamumuhay ang bata.
Sakit ng dengue
Ang sakit na dengue ay nanggagaling sa virus na dengue
na dala ng kagat ng lamok sa isang tropikong bansa na katulad
ng Pilipinas. Ang simptomas nito na karaniwang makikita
simula tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang
inpeksyon ay ang mga sumusunod:
Mataas na lagnat;
Pananakit ng ulo;
Pagsusuka;
Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.
Mga Usapin ng Pabahay
Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang
suliraning matagal ng kinakaharap sa buong mundo. Sumasalamin ito sa
mukha ng kahirapan na hindi madaling solusyunan dahil sa maraming
kadahilanan katulad ng kawalan ng inisyatibo buhat sa pamahalaan, kawalan
ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totong kahirapan.
Bagamat may mga inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng libreng
pabahay sa mga walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi
naging ligtas sa kontrobersiya. Ang paliwanag ng nakararami, hindi sapat na
pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan ng mga maralita. Ang kanilang
kailangan ay disenteng tahanan na may naaangkop na mapagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay ng marangal
katulad ng malinis na tubig, kuryente at ang distansiya o lapit sa lugar kung
saan sila naghahanapbuhay.

You might also like