Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

JOSE RIZAL:

KANIYANG KAPANGANAKAN AT PAMILYA

Ulat ng Group I
Sino nga ba
si
Gat Jose Rizal?
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda,o mas kilala bilang Dr. P. Rizal o Gat
Jose Rizal ay isang Pilipinong bayani at isa sa
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong pananakop ng mga Kastila. Siya
ang titnitignan bilang pinakamagaling na bayani at
tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng
Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani
KAPANGANAKAN
NI
RIZAL
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-
anak sa Calamba, Laguna, noong Hunyo
19,1861. At pampito sa labing-isang anak ng mag-
asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales
Alonzo Realonda y Quintos
Ang Pamilya
ni
Rizal
• Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) ] at ni
Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya
nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na
parehong masagang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa
isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano.
Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co
Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa
ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon. Mayroon
din lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo at
ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na
pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa
talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang
Hapones.
Si Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Si Francisco Rizal Mercado
José Rizal (1818–1897)
Ang mga
kapatid
ni
Rizal
Saturnina Rizal
Ang panganay sa labin-
isang anak ng mag-
asawang Rizal. At
ikinasal kay Manuel
Timoteo Hidalgo mula
sa Tanauan, Batangas.
Paciano Rizal
Ang ikalawang anak at ang
tanging kapatid na lalaki ni
Pepe. Nag-aral sa San Jose
College; naging magsasaka
at kalauna’y naging heneral
ng Philippine Revolution.
Narcisa Rizal
Ikatlong anak na
ikinasal kay Antonio
Lopes. Naging isang
guro at musikera.
Olympia Rizal
Ang ikaapat na anak.
Napangasawa si
Silvestre Ubaldo at
pumanaw noong 1887
dahil sa panganganak.
Lucia Rizal
Ikalimang anak
at ikinasal kay
Matriano
Herbosa .
Maria Rizal
Ika-anim na anak ng
mag-asawang Rizal at
ikinasal kay Daniel
Faustino Cruz mula sa
Binan, Laguna.
Concepcion
Rizal
Ang ikawalong
anak at pumanaw
sa gulang na 3.
JOSEFA RIZAL
Ikasiyam na anak, isang
epileptic, at dalaga nang
pumanaw.
Trinidad Rizal
Ang ikasampung
anak. Dalaga rin
nang siya’y
pumanaw. At ang
huling pumanaw sa
pamilya.
Soledad Rizal
Ang bunsong anak
ng mag-asawang
Rizal at
napangasawa si
Pantaleon Quintero.

You might also like