Lesson 6 Katitikan NG Pulong

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KATITIKANG

PULONG
KATITIKAN NG PULONG
• ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at
desisyon.
• ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng
lupon
• maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte
• maaaring maikli at tuwiran o detalyado
KAHALAGAHAN NG KATITIKAN
• naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong
• nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng
pinag-usapan o nangyari sa pulong
• maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan
sa paglipas ng panahon
• ito'y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na
pulong
• ito'y batayan ng kagalingan ng indibidwal
NAKATALA SA KATITIKAN ANG MGA
SUMUSUNOD:
• Paksa
• petsa
• oras
• pook na pagdarausan ng pulong
• mga taong dumalo at di dumalo
• oras ng pagsisimula
• oras ng pagtatapos (sa bandang huli)
MAHALAGANG IDEYA!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat


ng katitikan ng pulong. Kailangang pairalin ang talas ng
pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip.
GABAY SA PAGSULAT NG
KATITIKAN
● BAGO ANG PULONG
• Ihanda ang sarili bilang tagatala.
• Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
• Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamag
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong.
• Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin
ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa.
• Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape
recorder.
● HABANG NAGPUPULONG
• Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng
mga desisyon o rekomendasyon.
• Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi
pagkatapos.
TANDAAN:
Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito upang
ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng
kalahok.
● PAGKATAPOS NG PULONG
• Repasuhin ang isinulat.
• Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanunginagad pagkatapos ng
pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
• Kapag tapos nang isulat ang katitikan ipabasa sa mga namumuno sa pulong para sa
mga hindi wastong impormasyon.
• Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali
itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
• Respasuhin muli ang isinulat at tignan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at
iba pa
• Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi
ng konpya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.
MAHALAGANG IDEYA!
Katulad ng iba pang uri ng dokumento sa pagtatrabaho,
nakasalalay sa pagpaplano o paghahanda ang kahusayan ng
isinulat mong katitikan ng pulong.

You might also like