Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

BALANGKAS?

- Ang balangkas ay isang nakasulat na plano


ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing patnubay
sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng
isang sulatin.
Mga Uri ng Balangkas

Pamaksang Balangkas (topic


outline)
-Ito ay binubuo ng salita o parirala
lamang dahil matipid ito sa
pananalita o pahayag.
Pamaksang Balangkas (topic outline)
Halimbawa:
Edukasyon Ngayong Pandemya
I. Para upang pagpapatuloy ng eduksyon ngayong
pandemya
A. Modyul
B. Dep Ed TV
C. Online Support Class
II. Pag-aaral nang mabuti
A. Pag-aralan at sagutin ang mga Gawain sa modyul
B. Pagsunod sa mga guro
Mga Uri ng Balangkas

Pangungusap na Balangkas (sentence outline)


-Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na
naglalaman ng pangunahing ideya
Pangungusap na Balangkas (sentence
outline)
Halimbawa:
Edukasyon sa Pandemya
I. Maraming paraan upang maipagpapatuloy ng mga kabataan ang
edukasyon sa kani-kanilang tahanan ngayong panahon ng
pandemya.
A. May mga modyul na inihahanda ang Kagawaran ng
Edukasyon.
B. May DepEd TV din na nagpapalabas ng mga aralin sa ibat ibang
asignatura.
C. Nagsasagawa rin ng Online Support Class ang ilang mga
paaralan.
Mga Uri ng Balangkas
Patalatang Balangkas (paragraph outline)
-Ito ay binubuo ng mga pangungusap na
naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng
sulatin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng
Balangkas
 Basahing mabuti ang teksto
Alamin ang pangunahing ideya at mga
pansuportang detalye ng bawat talata.
Sundin ang pormat o anyo ng balangkas
Sa Pagbuo ng Balangkas nararapat na:
1. Piliin ang pangunahing diwa ng bawat talata.
Isipin kung anong uri ng balangkas ang
gagamitin.Gamitin ang Roman Numeral ( I,II,III ) sa
paglalagay ng pangunahing diwa o pinapaksa.
Lagyan ng tuldok pagkatapos ng Roman numeral.
Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
Sa Pagbuo ng Balangkas nararapat na:

2. Gamitin ang malalaking letra


( A, B,C ) sa bawat kaugnay ng paksa
( sub-topic ) lagyan ng tuldok
pagkatapos ng bawat letra.
Kahalagahan ng Paghahanda ng isang
Balangkas
1.) Higit na nabibigyang-diin ang isang Paksa
-ang paksa ang pinakasentro ng Sulatin, kaya naman sa
tulong ng Balangkas ay makatitiyak na ang lahat ng
impormasyong isasama sa sulatin ay sesentro o tutugon sa
Paksa.
2.) Nakapagpapadali sa proseso ng Pagsulat
-dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin ay
magiging madali na para sa manunulat ang magpokus sa
bawat bahagi ng kanyang balangkas.
Kahalagahan ng Paghahanda ng isang
Balangkas
3.)Nakatutukoy ng mga mahihinang argumento
-sa pagbuo ng Balangkas, natutukoy agad ng manunulat
ang mga mahihinang argumento sapagkat halos wala
siyang mailagay na detalyeng susuporta rito. Sa bahaging ito
ay maaari niyang rebisahin o ayusin ang mga argumento.
4.) Nakatutulong maiwasan ang Writer’s block
-magkakaroon na ang manunulat ng direksiyon kung paano
sisimulan at tatapusin ang kanyang Isusulat.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa
bawat bilang. Sagutan ito sa ¼.

1. Bilang isang mag-aaral gaano kahalaga


matutunan ang pagbuo ng balangkas?

You might also like