Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

TEKSTO AT MGA

URI NITO
FILIPINO SA PILING LARANGAN
Ano ang Teksto?
Tinatawag na teksto ang mga
pangunahing salita sa anumang
babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang
impormasyon.
Maaari din itong nagbibigay ng mensahe
o damdamin ng sinuman sa paraang
pasulat o nakalimbag.
IBA’T IBANG URI NG
TEKSTO
Tekstong Impormatibo
 Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon
tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
 Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib
dahil walang halong anumang opinyon ang
pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito.
 Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong
nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga
babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga
teksbuk o batayang aklat.
Tekstong Deskriptibo

 Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong


deskriptiv o deskriptibo.
 Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa
katangian ng mga tao, hayos, bagay, lugar, at mga
pangyayari.
 Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib, mayaman
ang mga ito sa mga pang-uri at pang-abay.
 Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang
paraan ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang
bagay.
Tekstong Naratibo
 Isanguri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng
mga pangyayari ay ang tekstong narativ o naratibo.
 Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng
tekstong naratibo ay magbigay ng impormasyon.
 Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa kung paano
nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon,
tagpuan, at mga tauhan.
 Ilansa mga halimbawa nito ay ang mga talambuhay,
anekdota, o epiko. Maaari din itong piksyon at di
piskyon.
Tekstong Prosidyural

 May uri naman ng teksto na nakatuon sa


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga
hakbang sa paggawa ng mga bagay.
 Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod,
sumasagot ito sa mga tanong na paano—paano
nabubuo ang isang bagay, paano iluto, paano
isinasagawa ang isang proseso, o paano naganap
ang isang pangyayari.
Tekstong Persweysib
 Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong
naglalayong manghikayat ng mga mambabasa.
 Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at
radyo. Karaniwang ginagawa ang tekstong
persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao
at maniwala sa sinasabi nito.
 Nagagamit ito sa mga advertisements o mga
patalastas sa TV o radyo.
 Maaari din itong gamitin sa mga kampanya o pag-
aalok ng mga serbisyo.
Tekstong Argumentatibo
 Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga
opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o
iba pang bagay.
 Katulad ng tekstong Persweysib, layunin din nito na
manghikayat ng mga mambabasa.
 Gayunman, gumagamit ito ng mga argumento at mga
pangangatuwiran.
 Karaniwang sinasagot ng mga tekstong argumentativ ang tanong
na ‘bakit?’ Bagaman nais nitong makapaglahad ng damdamin,
kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o facts.
Tekstong Humanidades

 Kapag sinabing humanidades, tumatalakay ito


sa disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga
sining na biswal kabilang ang mga pinta, awitin,
arkitektura, dula, sayaw, o anumang akdang
pampanitikan.
 Samadaling sabi, ang tekstong humanidades ay
isang uri ng teksto na tumatalakay sa opinyon,
nadarama, adhikain, o pangamba ng isang tao
sa mga akdang nabanggit.
Mga Katangian ng Teksto
 Binubuoang katangian ng teksto ng mahahalagang
elemento.
 Kabilang
dito ang pagtataglay ng mga mahahalagang
impormasyon o datos.
 Katangiandin nito ang maayos na pagkakasulat ng
mga impormasyon kabilang ang pagkakasunod-sunod
nito.
 Mayroong diwa o kaisipan din ang mga teksto at
mayroong nais ipahiwatig.
TAKDANG ARALIN
Pumili ng isang Uri ng Teksto at
magbigay ng halimbawa. Isulat ito
sa isang buong papel.

You might also like