GR8-RENAISSANCE-1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

JUMBLED WORDS

1. NAISRESAECN

2. ONRYEPOMSAR

3. LWILAIM HSAEKSEAPER
1. NAISRESAECN

RENAISSANCE
2. ONRYEPOMSAR

REPORMASYON
3. LWILAIM HSAEKSEAPER

WILLIAM
SHAKESPEARE
RENAISSANCE
Bb. Dianne Louise F. Tolentino
02-16-2024
RENAISSANCE

• Ito ay nagmula sa
salitang Pranses
na “renaistie” na
ang ibig sabihin
ay muling
pagsilang o
rebirth.
RENAISSANCE
• Sa panahong ito muling ibinalik ang mga
sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at
Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan
ng Europa at nagbigay daan sa maraming
pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura
at eskultura.
• Binuhay rin ng panahong ito ang pagbibigay halaga sa
tao bilang isang indibidwal.
• Ito ang dahilan kung bakit sinabing ang Renaissance ay
panahon ng transisyon sa pagitan ng Gitnang panahon
patungo sa Makabagong panahon.
ARKITEKTURA ESKULTURA SINING
Sa larangan ng
eksplorasyon binigyang
sigla ang mga manlalakbay
na galugarin ang mundo na
kung saan naitatag ang
mga bagong imperyo ng
Europeong mananakop.
PAGLAGANAP NG HUMANISMONG
RENAISSANCE
• Humanismo ay naglalaman ng lahat ng aral na dapat matutunan
upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
• Ang paglaganap ng humanismong renaissance ay ang mga iskolar na
nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome
at sila ay tinawag na “Humanists” o “Humanista” o sa salitang Italian
na ang ibig sabihin ay “Guro ng Humanidades.”
• Ito ay tumutukoy sa kilusang intelektuwal na nagbibigay halaga sa
potensiyal at nagawa ng tao sa halip na pisikal na daigdig o kalikasan.
Pinag-aaralan sa Humanidades ang:
• Wikang Latin at Greek
• Komposisyon
• Retorika
• Kasaysayan
• Pilosopiya
• Matematika
• Musika
MGA TAONG NAG-AMBAG SA RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
MGA TAONG NAG-AMBAG SA RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN

• LEONARDO DA VINCI (1452-1519)


- Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang
"Huling Hapunan" (The Last Supper) na nagpakita
ng huling hapunan ni Kristo kasama ang kaniyang
labindalawang disipulo. Isang henyong maraming
nalalaman sa iba’t- ibang larangan.
- Kilala rin siya bilang isang arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper.
MONA LISA THE LAST SUPPER
MGA TAONG NAG-AMBAG SA RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN
• MICHAELANGELO (1472-1564)
- Ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni
David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya
si Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano.
- Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha
ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos
ng kanyang Krusipikasyon.
- Pinakasikat na iskultor sa Renaissance
LA PIETA SISTINE CHAPEL CEILING
MGA TAONG NAG-AMBAG SA RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN

• WILLIAM SHAKESPEARE (1564-1616)


- “Ang Makata ng mga Makata”
- Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang
Panahon ng England sa pamumuno ni
Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya
ang mga walang kamatayang dula gaya ng:
"Julius Ceasar," Romeo and Juliet," "Hamlet,"
"Anthony at Cleopatra," at " Scarlet“.
MGA TAONG NAG-AMBAG SA
RENAISSANCE SA IBA’T IBANG
LARANGAN

• FRANCESCO PETRARCH (1304-1374)


- Ang "Ama ng Humanismo".
- Pinakamahalagang sinulat niya sa
Italyano ang "Songbook" isang
koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig
sa pinakamamahal niyang si Laura.
MGA TAONG NAG-AMBAG
SA RENAISSANCE SA IBA’T
IBANG LARANGAN

• GIOVANNI BACCACIO (1313-


1375)
- Matalik na kaibigan ni Petrarch.
- Ang kaniyang pinakamahusay na
panitikang piyesa ay ang
"Decameron” na naglalaman ng
koleksyon ng isang daang
nakakatawang salaysay.
MGA TAONG NAG-AMBAG SA RENAISSANCE
SA IBA’T IBANG LARANGAN

• BALDASSARE CASTIGLIONE
(1478-1529)
- Isinulat niya ang aklat na pinamagatang “The
Courtier” noong 1528.
- Sa aklat na ito itinuro niya kung paano maging isang
Renaissance man at Renaissance woman.
Renaissance man – kinakailangang palabiro, may
kasiya siyang ngiti at edukado sa klasiko.
Renaissance woman – Kinakailangan may kasiya
siyang ngiti at may alam sa klasiko.
LARANGAN NG EKONOMIYA
• Sa larangan ng ekonomiya ay ang Italya ang naging
sentro ng kalakalan sa pagitan ng Europe at Gitnang
Silangang Asya o Middle East.
• Dahil dito ay nalaman ng mga taga Europeo ang istilo ng
pangangalakal ng mga taga Gitnang Asya.
LARANGAN NG SOSYO-KULTURAL
• Ang pagbabagong sosyo-kultural ay ang pinakamahalagang
pagbabagong naganap na kung saan umusbong ang mga kaalaman
mapa-sining man o siyensya na galing sa iba’t ibang personalidad na
naging tanyag dahil sa kanilang mga obra maestra.
• Ibig sabihin sa pag unlad ng iba’t ibang kaalamang ito ay sumabay na
rin ang pag unlad ng kultura ng mga estado sa panahon ng
Renaissance.
• Pinakamahalagang pagbabagong naganap ay ang pagbagsak ng
piyudalismo.
REPORMASYON
• Isang kilusang tinawag na repormasyon ang nagbunsod ng
malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon at naglalayon na
baguhin ang pamamalakad sa simbahan. Ito ang dahilan ng simula
ng paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko
Romano.
• Ito ay tumutukoy sa kilusan para sa pagrereporma sa
pagmamalabis ng simbahang Romano Katoliko noong ika-16 na
siglo.
MARTIN LUTHER
• Ipinanganak noong Nobyembre 10, 1483 sa
Eisleben, Germany.
• Si Luther ay isang mongheng Augustinian at naging
Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg.
• Hans Luther – ama ni Martin Luther na isang
magsasaka na nagging minero ng tanso.
• Margareth Linderman – ina ni Martin Luther na
kabilang sa pamilyang nasa gitnang uri.
MARTIN LUTHER
• Tinawag siyang isang erehe o heretic
• Ginawaran ng kaparusahang ekskomulgado

Erehe – taong tutol sa kautusan ng simbahan


Ekskomulgado – kalagayan kung saan
itinitiwalag o itinatakwil mula sa relihiyon.
Ang nagpasiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam suklam
na gawain ng simbahan, ang pagbebenta ng indulhensiya
na isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas
na ang grasya ng Panginoon ay maaring ipagbili o bilhin
para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.

Indulhensiya – ang pagpapababa sa parusang ipinataw sa


nagkasala ng may kapalit na halaga o pera.
Saan nga ba ginamit ang Indulhensiya?

• Ginamit sa muling pagpapaayos ng St. Peter’s Basilica

• Ipinambayad sa utang ng isang local na arsobispo sa


pagbili niya ng posisyon sa Papa.
• Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng
Simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya,
ang nagtulak sa kanya para ipaskil sa pintuan ng
simbahan, noong ika-31 ng Oktobre, 1517 ang
kanyang "Siyamnapu't limang Proposisyon
(Ninety-five theses)”.
Siyamnapu't limang Proposisyon (Ninety-five
theses)

- Dito inihayag ni Luther ang kaniyang paniniwalang hindi


sa mabubuting gawa magkakaroon ng kaligtasan ang
kaluluwa ng tao kundi sa pamamagitan ng
pananampalataya.
GAWAIN
Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-
ambag ng anumangbagay sa ating bansa, anong bagay
at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi nito?
Pangatuwiranan.
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG!

You might also like