Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

2ND QUARTERLY EXAM IN FILIPINO 5

Most Essential Learning Competencies No.


of Items Item Placement

Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota


5 1-5
F5PB-Id-3.4/ F5PB-Ie-3.3/ F5PB-IIf-3.3

“Isang Araw sa Buhay ni Mang Erning”


Alas-singko ng umaga ako nakarating sa pila. Pangatlo ako kaya maaga akong nakapagsimula ng biyahe. Magkapatid na estudyante ang una kong inihatid sa
paaralan. Pagbaba nila, mayroon namang sumakay papunta sa palengke. Tuloy-tuloy ang biyahe dahil maraming pasahero. Halos Iahat sila ay mga mag-aaral na
may dalang malalaking bag. Ang ibang mga bata ay inihahatid pa ng kanilang mga magulang. Nagpatuloy ito hanggang alas-otso. Wala ng masyadong pasahero
dahil nagsipasok na sa paaralan o sa trabaho ang Iahat. Mahaba na rin ang pila ng traysikel kapag ganitong oras, kaya matumal na ang biyahe.Umuwi muna ako
upang mananghalian kasama ang mga bată at palitan ang pundidong ilaw sa kusina. Naihatid ko rin ang kapitbahây naming si Aling Teray patungo sa ospital, may
sakit yata ang kaniyang bunso. Napakasikip ng kalsada pagsapit ng alas-singko ng hapon. Marami sanang pasahero, subalit punông-punô rin ng sasakyan ang mga
kalye,kaya mabagal pa rin ang biyahe. Mabuti na lang at may malulusutang mga eskinita na hindi kayang daanan ng mga kotse o dyip.
Naisakay ko ang mga anak ni Mang Teban, kayâ humimpil muna ako sa kanilang tindahan upang doon maghapunan. Sandali lamang akong nagpahinga dahil
kailangan ko ring bumalik agad sa biyahe—uwian naman ng mga nagtatrabaho ang hinahabol ko. Doon ako nag-aabang sa sakayan ng dyip—maraming pasahero
na ayaw nang maglakad kapag ganitong oras. Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi. Tulog na ang mag-iina ko pagdating ko. Nakakapagod ang biyahe, pero kinakaya
ko pa rin. Mabuti na nga lamang at maraming pasahero dahil tuloy-tuloy ang kita. May panahon din kasi ang hanapbuhay namin—kapag bakasyon at walang mga
estudyante, mahina ang kita. Iniisip ko na lamang na ginagawa ko ito para sa aking mag-iina. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas. Magpapahinga lamang ako
ngayong gabi. Bukas, magbibiyahe akong muli.

Sagutan ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang iyong binasa?
A. Pagtaas ng presyo ng gasoline C. Iba’t ibang pasahero ng traysikel
B. Ang buhay ng ilang mamamayan D. Isang araw sa buhay ng isang tsuper.
2. Ano-ano ang mga ginawa ni Mang Erning sa buong maghapon?
A. Naglalaba C. Namamasada
B. Kumakain D. Natutulog
3. Anong oras umuuwi si Mang Erning?
A. Alas-tres ng hapon C. Alas-Diyes ng umaga
B Alas-diyes ng gabi D. Hatinggabi
Most Essential Learning Competencies No.
of Items Item Placement

Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota


5 1-5
F5PB-Id-3.4/ F5PB-Ie-3.3/ F5PB-IIf-3.3

4. Bakit kaunti lamang ang pasahero ni Mang Erning kapag tanghali?


A. Sumasakay sila sa dyip o bus.
B. Nakapasok na sila sa eskuwela o sa trabaho.
C. Walang pasok ang mga estudyante kapag tanghali.
D. Ayaw sumakay ng mga pasahero kay Mang Erning.
5. Bakit sinabi ni Mang Erning na may panahon ang kanilang hanapbuhay?
A. May mga araw na malamig at may mga araw na mainit.
B. May mga buwan na hindi maaaring magmaneho ng traysikel.
C. May mga araw na malakas ang kita at may mga araw na mahina ang kita.
D. May mga araw na nasisiraan ng traysikel si Mang Erning.
Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto. F5EP-IIa-f-
5 6-10
10

B.Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutan ang nasa ibaba.


“Dengue”
Ang Dengue Virus na mula sa lamok ang sanhi ng sakit na Dengue. Bata o matanda, mayaman o mahirap kapag nakagat ng lamok na
may dala ng Dengue Virus ay tiyak na dadapuan ng sakit na ito. Lubhang mapanganib na kung minsan nauuwi sa kamatayan ng taong
dinapuan nito. Ang dengue virus ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes Aegypti. Makikilala ang lamok na
ito dahil sa mga puting stripes sa kaniyang mga binti at sa bandang tiyan at marka sa anyo ng isang lyre sa itaas ng thorax nito. Ayon sa mga
eksperto, ang lamok na ito ay nagmula sa Africa at ngayon ay kumalat na sa mga bansang tropikal kagaya ng Pilipinas. Ayon Department of
Health, ang Aedes Aegypti ay nangingitlog sa malinis at hindi dumadaloy na tubig (stagnant water). Ito ay karaniwang kumakagat mula sa
gilid o likod na tao. Buong araw itong nangangagat pero mas madalas dalawang oras mula sa pagsikat ng araw at dalawang oras bago sumikat
ang araw. Mas dumarami ang lamok na ito kapag tag-ulan dahil nagkalat ang mga bagay na maaaring pangitlugan.

Itala ang mga iyong bagong natuklasan o nalaman tungkol sa Dengue.


6._________________________________
7._________________________________
8._________________________________
9._________________________________
10.________________________________
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng napanood na pelikula at
5 11 - 15
nabasang teksto. F5PD-Id-g-11/ F5PB-IIa-4

C. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutan ang mga tanong at isulat ang titik ng iyong sagot.

“Ang Alkansya Ni Boyet”


Isang araw sa isang bahay sa bukirin, may batang nagngangalang Boyet. Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka
subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon
na si Boyet. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Gumagawa siya ng alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang
bakuran, dahil maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas nila ng kanyang inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.
Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang binibigyan ng pera sa kanyang inay. “Salamat po, inay. Mayroon na naman
akong panghulog sa aking alkansiya.” masayang sabi ni Boyet. “Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang
alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay. Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.
Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga tanim na palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang
ang kanyang itay. Nag-alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng pera.“Baka hindi ka makapag-aral
ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang inay.
“Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.” “Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko sa aking pag-
aaral,” nakangiting sabi ni Boyet. Nakapag-aral si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa darating na pangangailangan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


Saan naganap ang kwento?
11._________________________
Kailan naganap ang kwento?
12._________________________
Sino- sino ang mga tauhan?
13._________________________
Ano ang katangian ang ipinakita ni Boyet?
14._________________________
Paano mo ilalarawan ang ugaling pinakita ni Boyet sa iyong sarili? Bakit?
15._________________________
Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa aralin at salitang hiram. F5PU-Ic-
5 16 - 20
1

D. Panuto: Piliin ang titik ng pinakawastong baybay sa alpabetong Filipino ng mga sumusunod na salitang hiram.

16. Silla
A. Silya B. Silia C. Cilia D. Selya
17. Miercoles
A. Miercules B. Miyercules C. Miyerkules D. Mierkules
18. Clase
A. Klasi B. Klace C. Classe D. Klase
19. Leccion
A. Leksyon B. Leksion C. Lecsion D. Lekcion
20. Atencion
A. Atinsyon B. Atenssion C. Atensiyon D. Attensyon
Naibibigay ang paksa/layunin ng napakinggang kuwento/usapan/talata,
at pinanood na dokumentaryo. F5PN-Ic-g-7/ F5PN-IIg-17/ F5PD-IIf- 5
13 21 - 25

E. Panuto: Tukuyin ang paksa ng bawat kwento. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

21. Ako ay may matalik na kaibigan. Araw-araw magkasama pa rin kami kahit sa pagkain at sa paglalaro. Siya ay laging
masigla. Ngunit isang araw, naging matamlay siya. Hindi na siya nakikipaglaro sa akin. Kaya dinala naming siya sa doctor.
Kinabukasan, narinig ko ang malakas na tahol sa labas ng kwarto. Tuwang-tuwa ako dahil nagbalik ang sigla ng matalik
kong kaibigan. Ang aso kong si Dugyot.
A. Ang pagsasama-sama ng masayang pamilya sa maliit na bahay.
B. Ang pagkakaroon ng kaibigan na alagang hayop.
C. Ang luma ngunit matibay na bahay sa gitna ng maluwang na bakuran.
D. Ang pagkagiliw ng lahat sa palakaibigan na bata.
E. Ang pagkahilig sa pagsusulat ng tula simula bata pa.
22. Simula ng pagkabata,si Kris ay mahilig mabasa ng tula. Sa kanyang pagtanda, natutunan na rin niyang gumawa ng
tula. Halos lahat ng kanyang isinulat ay nagugustuhan ng mga mambabasa. Tuwing may okasyon, naiimbitahan siya sa
gitna na bumigkas ng likha niyang tula. Nagiging magiliw ang paligid pagkatapos niyang magbasa.
A. Ang pagsasama-sama ng masayang pamilya sa maliit na bahay.
B. Ang pagkakaroon ng kaibigan na alagang hayop.
C. Ang luma ngunit matibay na bahay sa gitna ng maluwang na bakuran.
D. Ang pagkagiliw ng lahat sa palakaibigan na bata.
E. Ang pagkahilig sa pagsusulat ng tula simula bata pa.
23. Si Angelie ang nag-iisang anak nina Aling Cristi at Mang Ranilo. Lahat ng atensyon ay nasa kanya. Siya ay natututukan ng husto sa pag-
aaral kaya lumaki siyang masihayin at bibo. Kahit saan man siya magpunta ay may bago siyang kaibigan. Kahit ang matatanda ay nagiging
kaibigan niya.
A. Ang pagsasama-sama ng masayang pamilya sa maliit na bahay.
B. Ang pagkakaroon ng kaibigan na alagang hayop.
C. Ang luma ngunit matibay na bahay sa gitna ng maluwang na bakuran.
D. Ang pagkagiliw ng lahat sa palakaibigan na bata.
E. Ang pagkahilig sa pagsusulat ng tula simula bata pa.
24. May isang bahay ana makikita sa gitna at malawan na bakuran. Kinakalawang na ang mga bakla na bintana. Ang mga poste ay nakatindig
ng matuwid kahit kupas na ang kulay nito. Ang mga sahig ay gawa sa kahoy, hindi ito lumalangitngit kapag ikaw ay tumapak. Tunay na subok
na matibay ang bahay na ito.
A. Ang pagsasama-sama ng masayang pamilya sa maliit na bahay.
B. Ang pagkakaroon ng kaibigan na alagang hayop.
C. Ang luma ngunit matibay na bahay sa gitna ng maluwang na bakuran.
D. Ang pagkagiliw ng lahat sa palakaibigan na bata.
E. Ang pagkahilig sa pagsusulat ng tula simula bata pa.
25. Pangkaraniwan lamang ang bahay ng aming kapitbahay, masaya ang pamilyang nakatira dito. Lagi kong naririnig ang malalakas na boses
na batang naglalaro habang nagluluto ang kanilang ina. Sa hapon ay naririnig din ang ingay ng mga bata na nagmamasa sa pagsalubong sa
kanilang ama galling trabaho. Isa-isa itong nagmano at inabot ang supot na dala para sa kanila.
A. Ang pagsasama-sama ng masayang pamilya sa maliit na bahay.
B. Ang pagkakaroon ng kaibigan na alagang hayop.
C. Ang luma ngunit matibay na bahay sa gitna ng maluwang na bakuran.
D. Ang pagkagiliw ng lahat sa palakaibigan na bata.
E. Ang pagkahilig sa pagsusulat ng tula simula bata pa.
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong
5 26 – 30
napakinggan. F5PB-Ig-8/ F5PN-Ih-17

F. Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa mga sumusunod. Isulat ang titik ng iyong sagot.

26. Si Jean ay may baong miryenda at tanghalian. Hindi niya ginagastos ang perang baon niya. Hindi rin siya basta-basta
bumibili ng kung ano-ano sa cafeteria. Hinuhulog niya sa alkansya ang natitira niyang pera.
A. Ang Alkansya C. Ang Baon sa Paaralan
B. Ang Matipid na Bata D. Ang Pamana
27. Maraming tao sa parke. Lahat ay masaya, lahat ay abala. May mga nagtitinda ng mais at sorbetes. May mga kendi,
popcorn at softdrinks din. May umaawit din sa enteblado. Marami ang nanonood.
A. Masaya sa Bukid C. Mga Pagkain
B. Ang Pagdiriwang sa Parke D.Ang Mabuting Ina
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong
5 26 – 30
napakinggan. F5PB-Ig-8/ F5PN-Ih-17

28. Nagtitinda si Mico ng taho kapag wala siyang pasok sa paaralan. Masaya siya sa pagtulong sa pagtitinda
ng kanyang nanay. Lagi siyang nakangiti at nakikipag-usap sa mga bumibili. Kaya naman marami ang kita
nila araw-araw.
A. Ang Paaralan C. Ang Masipag na Bata
B. Ang Mabait na Nanay D. Ang Matalik na Magkaibigan
29. Ngayon ay araw ng Sabado. Hindi ko kailangang magpunta sa paaralan ngayon, kaya nakipaglaro ako sa
aking kuya. Naglaro kami sa labas ng taguan. Pagkatapos ay ipinahiram niya sa akin ang kaniyang mga
laruan.
A. Ang Paglalaro C. Tagu-taguan
B. May pasok ngayon D. Masaya sa Bukid
30. Ang pamilya namin ay simple lamang. Si tatay ay isang mangingisda, at si nanay naman ay isang
mananahi. Pero, ang pamilya namin ay masaya dahil mahal namin ang isa’t isa.
A. Si Nanay at si Tatay C. Ang Aming Pamilya
B. Ang Mangingisda D. Ang Masipag na Bata
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing o
reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi 5 31 - 35
F5PS-Ig-12.18/ F5PS-IIf-12.12/ F5PS-IIj-12.10

G. Piliin sa Hanay B ang angkop na magalang na gawain sa Hanay A Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____31. Ginagawa mo ang takdang aralin na ipinapagawa sa iyo ng guro. A. Pagtulong sa matatanda
____32. Tumutulong ka sa gawaing bahay. B. Pagsunod sa utos ng nakatatanda
____33. Pinapatawid mo sa kalsada ang isang ugod-ugod na lola. C. Pagtulong sa Magulang
____34. Sinusunod mo ang utos ng inyong matandang kapatid na bumili ng tinapay. D. Pagsunod sa Guro
____35. Gumagamit ka ng magagalang na salita pagkausap ang mas nakatatanda. E. Paggamit ng po at opo
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang
5 36 - 40
balita, isyu o usapan. F5PS-Ia-j-1

H. Panuto: Ibigay ang iyong opinion o reaksyon sa mga sumusunod.

36. Paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya.


Opinyon o reaksyon:_________________________________________________.
37. Nirekomenda ang pagsuot ng face shield at face mask bilang pangontra sa virus.
Opinyon o reaksyon:_________________________________________________.
38. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa na ang bilang ng positibo sa COVID-19.
Opinyon o reaksyon:_________________________________________________.
39. Ang iyong ina ay mangingibang bansa para magtrabaho dahil walang maayos na hanapbuhay dito sa bansa.
Opinyon o reaksyon:_________________________________________________.
40. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.
Opinyon o reaksyon:_________________________________________________.
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang
5 41 - 45
impormasyon tungkol sa isang isyu F5EP-IIe-i-6

I. Pa nuto : Pillin sa ka ho n kung a no ng sa ng g unia n a ng tinutuko y sa b a wa t b ila ng .

Pe ryo d iko In te rn e t Diskyu n a ryo


En sa yklo p e d ya Atla s
41.________ Ito a y ma ka b a g o ng te kno lo hiya n g ma a a rin g p a g kun a n ng imp o rma syo n.
42.________ Na g la la ma n ito n g imp o rma syo n tu ng ko l sa ib a ’t ib a n g p a n g ya ya ri sa b u o n g mun d o .
43.________ Ito a y n a g la la ma n ng mg a ka h ulu g a n n g mg a sa lita .
44.________ Na g la la ma n ng mg a ma p a n g ib a ’t ib a n g lug a r.
45.________ Ito a y ka lip u na n n g mg a a kla t n a n a ka a yo s n a p a a lp a b e to a t n a g la la ma n n g mg a
imp o rma syo n tun g ko sa ib a ’t ib a n g p a ksa .
Nakasusulat ng simpleng patalastas, at simpleng islogan. F5PU-IIIa-b- 5
46 - 50
2.11/ F5PU-IIIb-2.11

J. Pa nuto : Sum ula t ng sim p le ng p a ta la sta s na na iisip m o ng p ro d ukto . La g ya n ng a ng ko p a t ka hika -


hika ya t na islo g a n. Isula t ito sa iny o ng sa g uta ng p a p e l. (5 p u nto s)
(46-50)
____________________________
(Pa ma g a t ng p ro d ukto )
________________________________
(Islo g a n ng p ro d u kto )
Thank you
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng
5 41 - 45
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu F5EP-IIe-i-6

I. Panuto: Pillin sa kahon ang titik ng iyong sagot kung anong sanggunian ang tinutukoy sa bawat bilang.
A. Peryodiko B. Diskyunaryo C. Atlas
D. Ensayklopedya E. Almanac

41._____a___ Ikaw ay may takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa pinakabagong balita tungkol sa COVID 19.
42.______d__ Nais mong magbasa ng artikulo tungkol sa wikang Filipino.
43.____b____ Gusto mong malaman ang kahulugan ng salitang Pandemic.
44.______c__ May nagtatanong sa iyo kung saan eksaktong matatagpuan ang Israel.
45.______e__ Nais mong malaman ang mga usong damit o gadget para sa isang buong taon.

You might also like