Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

PAGPAPAKITANG

TURO SA FILIPINO 6

CHRISTINE B. ANLUECO
Guro
Balik-aral:
Buuhin ang mga letra ayon sa pahayag.
1. (A N A R Y O K S I D U Y)
 Pinagkukunan ng kahulugan ng salita, baybay o
ispeling, pagpapantig, bahagi ng pananalitang
kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng
salita at nakaayos ito ng paalpabeto.

2. (S A L A T)
 Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak,
distansiya, at lokasyon ng mga lugar

2
3. (A M A L C A N)
 Aklat na nagtataglay ng pinakahuling
impormasyon tungkol sa mga punta ng
kawilihan, mga pangyayari sa isang
bansa, palakasan, relihiyon, pulitika, at
iba pa.

4. (S A Y K L O N E D I Y A)
 Set ng mga aklat na nagtataglay ng mga
impormasyon tungkol sa iba’t ibang
paksa.
3
Tumawag ng ilang bata. Ipabuo ang mga ginupit-gupit
na larawan.

Itanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Alin ang mas pipiliin ninyo, ang
larawan A o ang larawan B? Bakit?
3. Bilang bata anong mga gawain ang dapat
ninyong gawin para makatulong sa ating
barangay?
4. Paano kayo makakatulong sa inyong
pamayanan? Sa paaralan? Sa bansa?

4
Magpapakita ng larawan. Ilarawan ang mga ito.

5
Itanong:
- Ano-anong mga gawain ng tao ang
ipinapakita sa bawat larawan?

- Ano ang maaaring maging bunga ng


mga nasa larawan?

6
Laro “Ang PASSWORD”
PAMANTAYAN:
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan
ang bawat pangkat ng slate board.
2. Ipabasa at ipasuri ang bawat pangungusap
na ipapakita sa laro.
3. Ipatukoy kung ang nasa loob ng panaklong
ay sanhi o bunga.
4. Ipasulat ang sagot sa slate board sa loob ng
60 segundo lamang.

7
5. Sa tunog ng buzzer, lahat ng pangkat ay
itataas ang kanilang sagot.
6. Ang may pinakamaraming tamang sagot
ang panalo.

SANHI – ay nagbibigay paliwanag kung


bakit naganap ang pangyayari.
BUNGA – nagsasabi ng kinalabasan o
resulta ng nagaganap ng mga
pangyayari.

8
1. Nahulog si Troy sa puno (dahil naapakan
niya ang marupok na sanga.)
2. (Masipag siyang mag-aral) kaya
matataas ang nakuha niyang marka.
3. (Nasira ang bahay ni Mang Kanor) dahil
sa pagguho ng lupa.
4. Maagang natulog si Rina (sapagkat
maaga ang pasok niya bukas.)
5. (Malusog ang pangangatawan ni Bambi)
dahil kumakain siya ng gulay.

9
Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng
sumusunod na pangyayari.
1. Masaya si Aling Nilda dahil
mababait ang kaniyang mga anak.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
2. Kakain ako ng marami para maging
malakas. Sanhi:_________________________
Bunga:________________________

3. Hindi siya gumising nang maaga kaya


nahuli siya sa klase.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
4. Pinalakpakan ng mga kamag-aral si
Lanie kasi nasabi niya kung sino ang
pambansang bayani.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
5. Matatas ang mga grado niya sa lahat
ng asignatura dahil sa masipag niyang
mga guro.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. Isagawa ang
gawain sa loob ng sampong (10) minuto.

Pangkat 1 – Ikahon ang sanhi at salungguhitan


naman ang bunga
1. Marumi ang kapaligirandahil sa pagtatapon
ng basura kung saan-saan.
2. Mataas ang mga marka ni Jude sapagkat
nag-aral siya nang mabuti.
3. Nakakalbo na ang kagubatan dahil sa patuloy na
ilegal na pagtotroso.
4. Sumakit ang ngipin ni Dale dahil sa pagkain ng
kendi.
5. Siya ay nadulas dahil sa basang sahig.

13
Pangkat 2 – Ibigay ang sanhi at bunga ng mga
sumusunod.
1. Marumi ang ilog dahil ______________________.
2. Pagpuputol ng mga punongkahoy ___________.
3. Nagkakaroon ng pagbaha sapagkat ________.
4. Sakitin si Lexi dahil __________________________. 5.
Nahulog sa puno si Jose _____________________.

14
Pangkat 3 – Basahin ang maikling sanaysay.
Punan ang fish bone organizer ng mga
pangungusap na nagpapahayag ng
sanhi at bunga.

15
PAGKASIRA NG KABUNDUKAN
Ni: Christine B. Anlueco
Dahil sa proyektong pagpapagawa ng kalsada ay laganap na ang
pagbaha sa tuwing umuulan ng malakas. Hindi lamang pagkasira ng mga ari-
arian ang dulot nito kundi ito ay magiging sanhi rin ng pagkawala ng buhay
kung hindi masusolusyonan ang problemang dulot ng pagbaha. Hindi lamang
ang proyektong imprastraktura ang dahilan kundi maging ang ilegal na
gawain ng mga tao gaya na lamang ng pagpuputol ng mga maliliit na puno
para gawing uling. Ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa nagdudulot ng
baha at pagkasira ng kabundukan. Sa patuloy na pagpuputol ng mga puno at
sa hindi matapos-tapos na pagpapagawa ng kalsada ay unti-unti nang
nararanasan ang masamang naidudulot nito. Nagkakaroon ng baha kung tag-
ulan, pagguho ng lupa, ang mga pananim ay nasisira, maraming bahay ang
lubog sa baha, nasisira ang mga kasangkapan, at walang pasok ang mga
tanggapan at mga eskwelahan.

16
(Ang guro ay maglalagay ng ilang pirasong
papel sa ilalim ng upuan ng mga bata na
may nakasulat na mga napapanahong
suliranin ng ating bansa. Ipapahanap ito sa
mga mag-aaral. Ang makakakuha ang
siyang magsasabi ng dahilan ng nakasulat
na suliranin.)

17
Ano-ano ang mga dahilan ng mga
sumusunod na suliranin ng ating
barangay?
1. Pagkalulong ng mga kabataan sa larong
ML.
2. Problema sa basura
3. Kakulangan ng tubig
4. Pagguho ng lupa
5. Pagbaha

18
Ilagay sa bilog ang kahulugan ng sanhi at bunga
batay sa tinalakay na aralin.

SANHI BUNGA

Bilang bata, bakit mahalaga ang malaman ang


pagtukoy sa sanhi at bunga ng isang pangyayari?

19
Bumuo ng mga pangungusap mula a mga sanhi at bunga na
nasa hanay A at hanay B. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
papel.
Hanay A Hanay B
1. Dumudumi ang ilog a. kasi gutom siya.
2. Malinis ang kapaligiran b. kasi maibigin sa
kalinisan ang mga
mamamayan
3.Maraming halaman sa bakuran c. kasi masipag
magtanim ang
mga tao.
4. Umiyak ng malakas ang sanggol d. dahil sa basurang
itinapon
5. Mataas ang lagnat ni Joshua. e. kaya hindi siya
pumasok sa klase

20
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa loob ng sampung taon, ano ang
maaaring maging buhay mo kung
ikaw ay makakapagtapos ng pag-
aaral.

21
Thank
You!!!
22

You might also like