Lesson 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
Konseptong Pangwika
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o
pahahayag. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit ng
tunog.
a. Wika b. ponema c. baybayin d. alibata
2. Ang salitang Latin na lingua ay nangahulugang:
a. wika at tunog b.titik at dila c. titik at tunog d. dila at wika.
3. Saan ibinatay ang pagpili ng Wikang Pambansa?
a. ibinatay sa mga dayuhang wika.
b. ibinatay sa katutubong wika na umiiral sa bansa.
c. ibinatay sa wikain ng mga mayayamang angkan ng bansa
d. ibinatay sa kung anong wika ang gusting gamitin ng mga tao.
4. Siya ang pangulong ang nagmungkahi na ibatay ang wikang Pambansa sa mga katutubong wika na umiiral sa bansa.
a. Ramon Magsaysay c.Manuel L. Quezon
b. Carlos P. Garcia d. Jose P. Laurel
5. Pinalitan ang tawag ng Wikang Pambansa mula Tagalog, ito ay ginawang___________ sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blng
a. Filipino b. Pilipino c. Ingles d. Nihonggo
6. Siya ang Ama ng Wikang Pambansa.
a. Lope K. Santos c. Jose P. Laurel
b. Manuel L. Quezon d. Benigno Aquino
7. Ang surian na siyang nag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan
upang mapaunlad at mapatibay ang pambansang wika.
a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang
Filipino
b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa
Wikang Pambansa
8. Kailan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang Kalayaan ng bansa?
a. Hulyo 4, 1946 c. Hunyo 4, 1944
b. Hulyo 16, 1944 d. Hunyo 12, 1948
_______9. Ilan ang wika at diyalekto ng ating bansa?
a. Mahigit kumulang 150 c. Mahigit kumulang 155
b. Mahigit kumulang 144 d. Mahigit kumulang 140
_______10. Ang surian na siyang nagpatibay sa isang panlahat na wikang
pambansang kinilalang Filipino.
Mga
Konseptong
Pangwika
Panuto: Magbigay ng anim na salita na naglalawan sa
salitang wika. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Ang Wika
Isang napakahalagang
instrument ng komunikasyon ang wika.
Mula sa pinagsamasamang
makabuluhang tunog, simbolo, at
tuntunin ay nabuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan at
kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa
pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan
tayo, makapagbibigayan tayo ng ating
mga pananaw o ideya, opinion, kautusan,
tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga
mensaheng tumatagos sa puso at isipan
ng ibang tao, pasalitan man o pasilat
gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika”
o“lengguwahe”. Ito ay pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging language na siya na ring
ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa
buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito
marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang
tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman ang, ang
wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang “Sistema ng arbitraryong
vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng
isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag
ugnayan sa isa’t isa”.
Iba’t Ibang
Pakahulugan sa Wika
ayon sa mga
dalubhasa sa wika
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
(Edward
Sapir)
Ang wika ay tulay na
ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan natin. (Paz,
Hernandez, at Peneyra)
Ito ay behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit.
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga
simbolo na kinukontrol naman nila. Ang
kakayahan ng mga tao na kontrolin ang
mga simbolong ito ay napatangi sa kanya
sa iba pang nilikha. Ito rin ang
ikinaiba ng tao sa hayop. (Lachica
, 1993)
Si Caroll (1964) ay nagpahayag
na ang wika ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
Ayon kay Todd (1987) ang wika
ay isang set o kabuuan ng mga sagisag
na ginagamit sa komunikasyon.
- hindi lamang binibigkas
na
tunog kungdi ito’y sinusulat
din.
Si Charles Darwin ay
naniniwalang ang wika ay isang
sining tulad ng paggawa ng serbesa
o pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat.
-ang wika ay kailangan
munang pag-aralan bago
matutuhan.
Ayon naman kay Bram, ang
wika ay nakabalangkas na
sistema ng mga arbitraryong
simbolo at tunog na binibigkas
at sa pamamagitan nito’y
nagkakaroon ng interaksyon ang
isang pangkat ng tao.
Ang wika ang pangunahin
at pinakatiyak naanyo ng
simbolikong gawaing pantao
ayon kay Archibald Hill.
Binigyang pagpapakahulugan ng
Cambridge Dictionary ang wika sa
ganitong paraan: ito ay isang Sistema ng
komunikasyonng nagtataglay ng mga
tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mgamamamayan
sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng
gawain.
Ayon kay Henry Gleason, ang
wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabahagi at kasama sa isang kultura sa
kanilang pakikipagtalastasan.
Ayon kay Henry Gleason, ang
wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong
kabahagi at kasama sa isang kultura sa
kanilang pakikipagtalastasan.
PANLAHAT NA KATANGIAN NG
WIKA
Batay sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa wika, masasabing ang wika ay may
sumusunod na katangian:

A. Ang wika ay masistemang balangkas.

• Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit
katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa
sistematikong ayos sa isang tiyak na balangkas. Kaya mahalagang maunawaan na lahat ng wika
ay may gramatika at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika.
B. Ang wika ay sistemang tunog

• Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod


na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng
iba’t ibangaparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila
ngipin, ngalangala, velum at galagid. Ang mga bahagi ng
katawang ito na ginagamit natin sa pagpapahayag ay
tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas
nang mabuti upang maging makabuluhan ang nabuong
mga tunog at makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba ng
mga tunog.
C. Ang wika ay kaugnay ng kultura
• Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala.
Mula pagsilang ng tao ay may kakambal nang kultura. Wika ang kaluluwa ng
tao kaya’t nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil dito, itinuturing na
dalawang magkabuhol na aspekto ang wika at kultura ng tao. Walang wika
kung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Di
maikakaila na magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya’t
habang may tao at umuunlad ang kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko
ang wika. Sa panahon ngayon, pinakamabisang tagapagpalaganap ng wika ay
ang kultura. Kultura ang tunay na aklat ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap
ng bayan.
D. Ang wika ay ginagamit
• Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
upang magkaroon ng saysay ang isang wika,
kailangan patuloy itong gamitin. Kapag ang wika
ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting
mawawala at tuluyang mamatay.
E. Ang wika ay natatangi
• Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika.
Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika
ay may itinakda na mga yunit panggramatika at
sariling Sistema ng ponolohiya (palatunugan),
morpolohiya (palabuuan) at sintaksis (palaugnayan)
at maging sa aspektong pansemantika.
F. Ang wika ay malikhain
• May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng
walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang
taong may alam sa isang wika ay nakapagsasalita at
nakabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng
anumang narinig o nabasang pahayag. Habang patuloy
itong ginamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila
ng mga bagong pahayag. (Belvez, etal.,2003)
G. Ang wika ay umuunlad

• Nagbabago ang wika dahil patuloy sa pagbabago


ng pamumuhay ng tao at iniuugnay ang wika sa
bilis ng takbo ng buhay dulot ng agham at
teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang
pinto nito sa pag-unlad upang makaangkop sa
mga pangangailangang pangkomunikasyon ng
sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay
patuloy na dumarami, nadaragdagan at
umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo,
nagbabgo ang Sistema ng pagsulat at
palabaybayan.
midyum sa
komunikasyo MASISTEMAN
n G
BALANGKAS

Walang
Superyor
na wika
Sinasalitan
g
tunog.

Malikhain
arbitrary
o

Natatangi
Nakabatay ito
dinamiko sa kultura
namamatay
-
,
nabubuhay.
Ang Wikang
Pambansa

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang


pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at
diyalekto. Humigit kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral
sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang nagging pangunahing
dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga
Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mga
mamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.
Kung balikan ang ating kasaysayan, makikitang
hindi naging madali ang pagpili sa wikang
pagbabatayan ng wikang Pambansa. Mahaba at
masalimoot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa
huling dalawang aralin ng kabanatang ito ay
tatalakayin nang mas malaliman ang kasaysayan ng
ating wika simula sa panahon bago dumating ang
mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon
subalit sa ngayon ay magkakaroon ka ng paunang
impormasyon sa pamamagitan ng timeline sa mga
pangyayaring nagbigaydaan sa paghirang sa Filipino
bilang wikang Pambansa.
1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa
iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral ditto, nagging
isang paksang mainitang pinagtatalunan, pinag-isipan, at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang
pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-
ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang
dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga
maka-Ingles na niniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino
ang pagiging mahusay sa Ingles. Subalit nagging ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope
K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay
salungat ni Manuel L.
1935: Ang pagsuong na ito ni Manuel L. Quezon ay nagbigay daan sa
probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo VIV, Seksyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
“Ang konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansang ibababatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at
Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay
nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang
gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito
ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas sa isinulat
ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang “mag-aral ng
mga diyalekto sa pangkaahatan para sa layuning
magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang
wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at
sinasalita ng nakararaming Pilipino.”
Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili
nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
Pambansa dahil ang naaturang wika ay tumugma
sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng
mga sumusunod:
“ang wikang pipiliin ay dapat……
 Wika ng sentro ng pamahalaan;
 Wika ng sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan; at
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang
nasusulat na panitikan.”
1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon
ang wikang Tagalog upang maging batayan ng
Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134. Mgkakabisa ang kautusang ito
pagkaraan ng dalawang taon.
1940: Dalawang taon matapos
mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang
Pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paaralang pampubliko at pribado.
1946: Nang ipagkaloob ng
Amerikano ang ating Kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag
ding ang mga wikang opisyal sa
bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng
Batas Komonwelt Bilang 570.
1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa
wikang Pambansa. Mula Tagalog ito ay nagging Pilipino sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni
Jose E. Romera, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa
panahong ito’y higit na binigyang halaga at lumaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa
mga tanggapan,gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa, gayundin sa
iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng
diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks.
1972: Muling nagkaroon ng mainitang
pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal
noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa
huli, it ang naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV,
Seksiyon 3, blg. 2:
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa
isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong
katawagan sa wikang Pambansa sa Pilipinas. Gayunpama’y
hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal
na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng Saligang
Batas.
Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang
Pambansa upang maging isa itong wikang nagbubuklod sa
mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan
hanggang sa maisabatas at magamit ng lahat ng mga
Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa
hinaharap upang lalo pa tayong magkaintindihan at
mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sapag-unlad at
pagtatagumpay.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang
buong papel.

1. Bakit kailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang


magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino?
2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagkakaroon natin ng wikang Pambansa?Nararapat ba ang parangal sa kanya
bilang “Ama ng Wikang Pambansa”? Ipaliwanag.
3. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang
nagging pangunahing tungkulin nila?
4. Sa iyong palagay, angkop kaya ang Tagalog sa pamantayang ito? Bakit oo o
bakit hindi?
5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang,
“hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago
matutuhan”? ipaliwanag ang iyong pananaw
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng
mahigit pitong libong pulo na nabibilang sa tatlong
malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa:ang Luzon,
Visayas at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang
heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng
iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-
kanyang wika at diyalekto. Ito ang nagbigay daan sa
napakaraming wika at diyalektong ginamit sa iba’t
ibang bahagi ng bansa.
Panuto: Sa isang buong papel,gumawa ng dayagram na
kagaya sa ibaba. Sa iyong sariling salita, punan ang mga
kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa
pagpapatibay sa Filipino bilang wikang Pambansa.
Gawing gabay ang petsang nakalahad sa mga kahon. Ang
una’y pinunan para sa iyo.
Click icon to add picture
Click icon to add picture

You might also like