Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Uri ng Pagsulat

Uri ng Pagsulat
• Akademik – Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing
akademik mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral.
Ang akademik na pagsulat ay maaaring maging kritikal na sanaysay,
lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, thesis at
disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
Uri ng Pagsulat
• Journalistic – Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na
karaniwang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw
nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang
akdang karaniwang makikita sa pahayagan o magasin.
Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may
ispesipik na kurso para rito, ang AB Journalism.
Uri ng Pagsulat
• Reperensyal – ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
reference o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng
isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa
sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa sanggunian na tinukoy.
Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap
na ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga
pamanahong papel, thesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na
Pag-aaral at Literatura. Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito,
samakatuwid ang paggawa ng bibliyograpi, indeks at maging ang pagtatala ng
mga impormasyon sa notecards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.
Uri ng Pagsulat
• Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay
ang imahinasyon ng manunulat, bagamat maaaring piksyonal o di-
piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang
imahinasyon bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.
Samakatuwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling kwento, dula at
malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan
nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba
pang creative devices ang mga akda sa uring ito.
Uri ng Pagsulat
• Propesyonal- Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa
isang tiyak na propesyon. Bagamat propesyonal nga itinuturo na rin
ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na
napili ng mga mag-aaral. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat
ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga
imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga abogado at
legal researchers, medical report at patient’s journal ng mga doktor at
narses.
Uri ng Pagsulat
• Teknikal – Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon
sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa
at minsan maging ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito
ang iba pang sub-kategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng
mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian
nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular
na paksa. Samakatuwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang
ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa.

You might also like