Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Series: Launching of the Reign of Kingdom of God

THE BLESSED LIFE


Sermon on the Mount
Matthew 5:1-12
Mateo 5: 1-2
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao,
umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit
ang kanyang mga alagad at siya’y nagsimulang
magturo sa kanila.
Mateo 5: 3-5
“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang
Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin
sila ng Diyos.
“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat
mamanahin nila ang daigdig.
Mateo 5: 6-9
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa
kalooban ng Diyos, sapagkat sila’y bibigyang kasiyahan ng Diyos.
“Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng
Diyos.
“Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila
ang Diyos.
“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,
sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.
Mateo 5:10-12
“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa
kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at
pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan(na pawang
kasinungalingan) nang dahil sa akin.
Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong
gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inuusig din ang mga
propetang nauna sa inyo.
Exodus 24:12-14
Sinabi ni Yahweh kay moises, “Umakyat ka rito. Maghintay ka
at ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng
mga kautusan at ng mga tagubilin. Sinulat ko ito upang maging
tuntuning ituturo mo sa mga tao.” Umakyat nga si Moises,
kasama ang lingkod na si Josue. Bago siya lumakad, sinabi niya
sa mga pinuno ng Israel, “Hintayin ninyo kami rito. Kasama
ninyong maiiwan sina Aaron at Hur; sila ang inyong lapitan
sakaling magkaroon ng anumang usapin sa inyo.”
Exodus 24:15-18
Umakyat si Moises sa bundok at ito’y natakpan ng ulap. Ang
Bundok ng Sinai ay nalukuban ng kaluwalhatian ni Yahweh;
anim na araw itong nabalot ng ulap. Nang ikapitong araw, si
Moises ay tinawag ni Yahweh mula sa gitna ng ulap. Nakita rin ng
mga Israelita ang kaluwalhatian ni Yahweh na parang
nagniningas na apoy sa taluktok ng bundok. At unti-unti siyang
natakpan ng ulap habang umaakyat; nanatili siya sa bundok sa
loob ng apatnapung araw at gabi.
Question:
Nang makita ni Hesus ang mag taong
nagtitipon, umakyat ba siya sa bundok
upang turuan silang lahat,
O Umakyat ba siya roon upang takasan
ang mga tao na nagtittipon at magturo
lamang sa isang maliit na grupo?
Ano ang ibig sabihin ng
PAGPAPALA?
Ano ang matutunan
natin at ano ang
kahalagahan nito?
A. ANG MGA PAGPAPALA AY
NAGMUMULA SA KABABAAN
Blessing come from LOWLINESS-MAT. 5:3-5
Mga Katangian na binanggit

• Dukha sa Espiritu

• Ang nagdadalamhati

• Ang mapagpakumbaba
Filipos 2:6-8
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya
ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging
kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya’y naging
tao,
Nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang
kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
B. ANG MGA PAGPAPALA AY
NAGMUMULA SA KABANALAN
Blessing come from HOLINESS- MAT. 5:6-9
Apat na Katangian na nagsasalita sa
pagkatao o kabanalan ng isang tao..

• Katuwiran
• Mahabagin (Mercy)
• Malinis na Puso (Pure in Heart)
• Tagapamayapa (Peace Maker)
C. ANG MGA PAGPAPALA AY
NAGMUMULA SA PAG-UUSIG
Blessing come from PERSECUTION- MAT. 5:10-12
CONCLUSION
Sa Sermon on the mount si Jesus ay nagbigay sa atin ng Pamantayan ng
Diyos kung paano ang pamumuhay. Gayunpaman napakarami sa atin
ang hindi nakaabot sa pamantayan iyon.
Kailangan natin si Hesus para baguhin tayo upang mamuhay ng
naaayon sa pamantayan na mayroon ang Diyos para sa atin.
Kailangan natin ang tulong ni Hesus para makapasok sa kaharian ng
langit.
Kung tayo ay nagbago tayo ay nabubuhay para sa Diyos, TAYO AY
PAGPAPALAIN.Hindi sa mga pagpapala ng mundo, kundi sa mga
pagpapala ng Diyos, na higit na mas mabuti.

You might also like