Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Achieve Great Things, Initiate Changes, Transform from Better to Best, Excel and Remain Humble

Asian Institute of Technology and Education


Gret-Fisico Bldg., Maharlika Highway, Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon, Philippines

Telefax Number: (042)-545-6547 / Cell No. 0922-8934738

Tekstong Naratibo
• TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o
pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang
tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan. Pangunahing
layunin ng ganitong uri ng teksto ang
makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o
saya.
• Gayundin naman, ang naratibo ay
nakapagtuturo ng kabutihang-asal,
mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad
ng kahalagahan ng pagiging mabuti at
tapat, na ang kasamaan ay hindi
nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot
ng tagumpay, at iba pa.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama
ng manunulat ng isang tekstong naratibo at
nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang
isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo
tulad ng maikling kuwento, nobela,
kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang
pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento
ng kababalaghan, anekdota, parabula,
science fiction, at iba pa. Iba’t ibang uri
subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat
isa’y nagkukuwento.
Mga Katangian ng Tekstong
Naratibo
• Ang bawat uri ng tekstong ito ay
may kanya-kanyang taglay na
katangian subalit ang mababasa
mo sa ibaba ay pangkalahatang
katangiang taglay ng bawat uri ng
tekstong naratibo.
May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista
(Point of view) sa Tekstong Naratibo
• Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga
matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang
ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa
pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit
para sa naratibo ay ang una at ikatlong
panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang
ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang
naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang
iisa kundi nagbabagobago ang ginagamit na
pananaw.
• Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip

• Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap


ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip
na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
• Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa
pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa
labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang
ganitong uri ng pananaw:
• Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang
galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at
paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
• Limitadong panauhan—Nababatid niya
ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang
tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan—Hindi
niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan. Tanging ang mga nakikita o
naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o
sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
• Kombinasyong Pananaw o Paningin—
Dito ay hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong
nangyayari sa isang nobela kung saan
ang mga pangyayari ay sumasakop sa
mas mahabang panahon at mas
maraming tauhan ang naipakikilala sa
bawat kabanata.
May Paraan ng Pagpapahayag
ng Diyalogo, Saloobin, o
Damdamin sa Tekstong Naratibo
• May dalawang paraan kung
paano inilalahad o ipinahahayag
ng mga tauhan ang kanilang
diyalogo, saloobin, at
damdamin:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
• Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng
kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay
ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng
pagpapahayag ay nagiging natural at lalong
lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan.
Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa
sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang
eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang
paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri
ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o
hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
Halimbawa:
• “Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit
na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
“Aba’y kayganda naman nireng ginagawa
mo, Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo,
ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang
ina at inakay papasok sa munti nilang
kusina..
• —Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
• Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi,
iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
• Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na
habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na paU ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng
anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang
balak niya.
• Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay
papasok sa munti nilang kusina.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Ang isang katangiang taglay ng lahat ng
tekstong naratibo ay ang pagkukuwento
kaya naman taglay ng mga ito ang
mahahalagang elementong lalong
magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw,
at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa
mga elementong ito rin makikita kung
paano naihahabi o pumapasok ang mga
tekstong deskriptibo.
1. Tauhan
• Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga
tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang
bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong
naratibo ang pangangailangan lknang ang maaaring
magtakda nito. May dalawang paraan sa
pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang
dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng
tauhan at dramatiko naman kung kusang
mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos
o pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa mga
akdang naratibo ay ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan
• Sa pangunahing tauhan o bida umiikot
ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang sa katapusan.
Karaniwang iisa lamang ang
pangunahing tauhan. Ang kanyang mga
katangian ay ibinabatay sa tungkulin o
papel na kanyang gagampanan sa
kabuoan ng akda.
b. Katunggaling Tauhan
• Tauhan Ang katunggaling tauhan o
kontrabida ay siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan.
Mahalaga ang papel ng tauhang ito
sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari
sa pagitan nila, nabubuhay ang mga
pangyayari sa kuwento at higit na
napatitingkad ang mga katangian ng
pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan
• Gaya ng ipinahihiwatig ng
katawagan, ang kasamang tauhan
ay karaniwang o kasangga ng
pangunahing tauhan. Ang
pangunahing papel o tungkulin niya
ay sumuporta, magsilbing hingahan,
o kapalagayang-loob ng
pangunahing tauhan.
d. Ang May-akda
• Sinasabing ang pangunahing tauhan
at ang may-akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda.
Bagama’t ang namamayani lamang
ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa
likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang
awtor.
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na
manunulat, may dalawang uri ng tauhan
ang maaaring makita sa isang tekstong
naratibo tulad ng:
• Tauhang Bilog (Round Character)—Isang
tauhang may multidimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad. Tulad
ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang
kanyang pananaw, katangian, at damdamin
ayon sa pangangailangan.
• Ang isang tahimik at mapagtimping
tauhan, halimbawa, ay maaaring
magalit at sumambulat kapag
hinihingi ng sitwasyon o pangyayari
sa kuwento at pangangailangang
magbago ang taglay niyang
katangian at lumutang ang
nararapat na emosyon o damdamin.
• Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang
tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable.
Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang
katauhan ang kanyang mga ikinikilos at
maituturing na stereotype tulad ng mapang-
aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-
edyer na hindi sumusunod sa magulang, at
iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-
iiba ang katangian ng tauhang lapad sa
kabuoan ng kuwento.
2. Tagpuan at Panahon
• Ang tagpuan ay tumutukoy hindi
lang sa lugar kung saan naganap ang
mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa,
taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap
ang mga pangyayari .
3. Banghay
• Ito ang tawag sa maayos na daloy o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mga tekstong naratibo upang mabigyang-
linaw ang temang taglay ng akda.
• Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay
o balangkas ng isang naratibo:
• Pagkakaroon ng isang epektibong simula
kung saan maipakikilala ang mga tauhan,
tagpuan, at tema (orientation or
introduction)
• Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan
ng mga tauhan partikular ang pangunahing
tauhan (problem)
• Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong
sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
• Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring
humahantong sa isang kasukdulan (climax)
• Pababang pangyayaring humahantong sa isang
resolusyon o kakalasan (falling action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas
(ending)
• Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa
kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga
akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at
tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na
hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.
Mauuri ito sa tatlo:
• Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
• Prolepsis (Flashfbrward)—Dito nama’y ipinapasok
ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
• Ellipsis—May mga puwang o
patlang sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
4. Paksa o Tema
• Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang
mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang
malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda
upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang
maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin
mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting
pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

PAGSASANAY/APLIKASYON/SINTESIS: (Aktibidades)
Sulat-Dunong
Magsaliksik ng isang uri ng tekstong naratibo at isulat ang
aral na iyong natamo, ibigay ang hinihingi ng katanungan.
Gumamit ng tsart upang maging organisado ang iyong
mga sagot. Gamitin ang espasyo na nakalaan sa ibaba.

• Mga tauhan
• Tagpuan
• Problemang kinahaharap
• Solusyon
• Wakas
II. PAGTATAYA:
SURING-LAPAT
• Saliksikin ang kwentong “Ang Mabangis na
Lunsod” ni Efren R. Abueg isulat ang buod ng
kwento at alamin ang hininging kasagutan ng
bawat katanungan.
• TAUHAN WAKAS
• TAGPUAN
• TEMA
• PROBLEMA
• SOLUSYON
• REPLEKSYON:
• Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa
kahalagahan ng anyo ng isang sulatin
Achieve Great Things, Initiate Changes, Transform from Better to Best, Excel and Remain Humble

Asian Institute of Technology and Education


Gret-Fisico Bldg., Maharlika Highway, Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon, Philippines

Telefax Number: (042)-545-6547 / Cell No. 0922-8934738

WAKAS !

You might also like