Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

TEKSTONG EXPOSITORY

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK


TEKSTONG EXPOSITORY

• Ang tekstong Expositori ay may layuning


magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon.
Katangian ng Tekstong Ekspository
a. Obhetibo ang pagtatalakay sa paksa;
b. Sapat na mga kaalamang ilalahad;
c. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya; at
d. Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at
datos
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

1. Depinisyon- Pagbibigay sa Kahulugan ng salita sa


pamamgitan ng Iba’t Ibang pananawa o maaring sa
pagbibigay ng mga kasingkahulugan.
Halimbawa: Globalisasyon- paraan ng pamumuhay at
pananaw na nakaugnay sa buong mundo. (Hango mula sa
UP Diksyonaryong Filipino)
2. Enumerasyon o Paglilista- Ang Hulwarang ito ay
maaring maglahad ng mga halimbawa na nabibilang sa
isang uri o klasipikasyon.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian
Halimbawa:
2 anyo ng panitikan: Tuluyan at Patula
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tuluyan
• Mitolohiya - Nobela
• Dula - Maikling Kwento
• Pelikula - Sanaysay
• Pabula - Talambuhay
• Parabula - Liham
• Balita -Anekdota
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

3. Pagsusunod- sunod (Sekwential, Kronological at


Prosejural
• Nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayari na
maaaring humantong sa isang kongklusyon o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mga
Salitang maaring gamitin: una, pangalawa,
matapos. Habang, sumunod, angsusod na,
sangayon at iba pa.)
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

a. Sekwential- Kasama rito ang mga serye ng mga pangyayari


na patungo sa kangklusyon o ang sekwens ng mga pangyayari
na may kaugnayan sa particular na pangyayari.

Halimbawa:
• Sa lupaing yaon ay mga pastol na nasa parang at nagbabantay
kanilang mga tupa.
• Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng panginoon.
• Natakot sila nang gayon na lamang, ngunit sinabi sa kanilang ang
"Huwag kayong matakot! Akoy may dalang mabuting balita para
inyo.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

a. Sekwential- Kasama rito ang mga serye ng mga pangyayari


na patungo sa kangklusyon o ang sekwens ng mga pangyayari
na may kaugnayan sa particular na pangyayari.
• Halimbawa:
• Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong
Tagapagligta ang Cristong Panginoon.
• Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang
sanggol ta nababalot ng lampin at nakahiga sa isang
sabsaban.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

b. Kronolohikal na Kaayusan - Kapag inayos ng


manunulat sa kronolohika na kaayusan ang
materyales, inililista niya ang hakbang o pangyayun
ayon sa pagkapangyayari ng kasaysayan, ng kwento
at iba pa. Ang bawar hakbang o pangyayari ay
laging may kaugnayan sa nauna o sa sumunod na
pangyayari. Ang kronolohikal na kaayusan ay
karaniwang ginagamit sa pagkukwento at sa mga
tekstong pangkasaysayan.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian
c. Prosejural- Kapag nagpapaliwanag ng isang proseso
ang manunulat, ang mga hakbang ay kailangang ayusin
din. Sa paglalarawan ng isang proseso, ang manunulat ay
kailangang mag-ingat sa pagpapakita ng bawat hakbang
at siguruhin na walang makaliligtaang hakbang.

Halimbawa:
1. Tiyakin ang susulating asaynment at ang takdang
panahong sasaklawin sa paggawa.
2. Ihanda ang mga gagamiting referensya gaya ng
diksyunaryo, mga hand-out, mga tala, atbp.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian
3. Pasyahan ang panahong magugugol sa pagsasagawa nito at gawan
ng plano.
4. Itakda ang lugar at panahon ng pagsulat, iyong makapagsusulat
nang tahimik at kumportable.
5. Kapag medyo alumpihit at di agad makapagsimula gawa ng mood
at inspirasyon na kailangan pang hintayin, kondisyunin ang sarili sa
lugar at oras na itinakda't pasasaan ba't makapagsusulat din.
6. 6. Ihanda ang sarili, iyong hindi pagod, inaantok, kaya ay gutom
bago magsulat.
7. Isalugar ang pamamahinga, iyong hindi sa kalagitnaan ng
pagsulat. Sikaping matapos muna ang isang bahagi bago mag relax.
Idagdag sa plano ang pagpapaalala sa mga kasambahay na huwag
mang-iistorbo, gayundin, isantabi muna ang Cellphone.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

4. Paghahambing at Pagkokontrast
- Sa paghahambing, ipinaliliwanag ng manunulat ang pagkakatulad
sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, tao, lugar, pangyayari,
bagay at iba pa.
- Sa kabilang dako, sa pagkokontrast, ipinaliliwanag naman ang
pagkakaiba. Sa katotohanan, ang paghahambing at pagkokontrast
ay makikita bilang pundasyon ng pag-unawa, pagkatuto at
pagpapasya. Gumagamit din ng paglalarawan ang manunulat sa
mga bagay na pinaghahambing para makita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian

Halimbawa:
Ang mga manlalaro ng basketbol na sina James Yap at
Robert Jaworski mgang mga mong mahusay at parehong matikas
pagdating all a basketbol. Parehong sumikat at nagkaroon ng
pangalan. Subalit si Jawona ay "point guard" samantalang si
James Yap ay "off guard at shooting guard Partikular sa panahon
ni Jaworski ang sobrang kasikatan ay dala-dal niya hanggang
ngayon at naging dahilan din nito ang pagiging Senador bansa,
samantalang si James Yap ay ngayon lamarıg lumilikha ng
pangalan sa larangan ng basketbol at siya ay asawa ng sikat na
reyna ng "talk show walang iba kundi si Kris Aquino na kapatid ng
nahalal na Pangulo ng bansa.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian
5. Problema at Solusyon- Paglalahad ito ng mga suliranin at
paglalapat ng kaukulang solusyon.
Halimbawa:
Di kaila sa atin ang problema ng bansa. Marami sa mga Pilipino
ang proble nakakaranas ng kahirapan.. Ito o ay isang napakalaking
problema ng pamahalaan Dahil sa mga problemang ito ng kahirapan
dumarami ang mga gumagawa ng masama. Marahil kung mabibigyang
pansin ang problemang ito hindi makakaranas ng kahirapan ang mga
Pilipino. Ang tanging nakikitang solusyon at susi ay ang maayos na
edukasyon at karagdagang hanapbuhay para sa lahat ng Pilipino. Kung
ang bawat isa ay magtutulungan at magkakaroon ng mainit na
kampanya para sa edukasyon at karagdagang hanapbuhay ay
malulutas ang problema ng kahirapan sa pamamagitan ng mga nito.
Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri
at Katangian
• 6. Sanhi at Bunga Nagpapakita ito ng mga kadahilanan ng
isang bagay pangyayari at ang kaugnay na epekto nito
(mga salitang maaaring gamitin: sa
dahilang/kadahilanan, dahil, kung kaya, upang at iba pa)
• Halimbawa:
Maraming mga ekspertong mga Pilipino sa kani-
kanilang larangan ay umaalis ng bansa kagaya ng mga
"expert weather forecasters" na umaalis ng PAGASA upang
maghanapbuhay sa ibang bansa. Sa hindi inaasahang
pagkakataon ito ay nagbunga ng kakulangan ng mga
mahuhusay na "weather forecasters" sa ating bansa.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

A. Pagkuha ng Pangunahing Ideya


• Ang katawagang pangunahing ideya ay tumutukoy
sa pagkilala kung ano ang mahalaga. Ito ay
karaniwang iniuugnay sa tekstong ekspositori
ngunit mahalaga rin ito sa tekstong naratibo na
nagsasaad kung ano ang tema at aral na
makukuha sa kwento at tula.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

• B. Pagkilala sa Paksa
• Ang paksa ay ang pangkalahatang tema o mensahe.
Upang makilala ang paksa, ang unang kailangang gawin
ay makuha muna ang pangunahing ideya ng teksto. Ang
pagbuo ng isang simpleng tanong na, "Tungkol saan ito?"
ay isang estratehiya sa pagkilala ng paksa. Ipagpatuloy
ang pagtatanong sa sarili habang binabasa ang teskto
hanggang maging malinis ang sagot sa binuong tanong.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

C. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto


1. Bisa sa isip-ito ay pangunahing kaisipan buhat sa isang
akda na dapat makintal at maukit sa isip ng mambabasa.
Ito ang nagbubunsad sa atin upang mag-isip nang
makabuluhan upang umunlad at yumaman ang ating diwa
at kaisipan. Ang kalinawan ng diwa ng isang katha ay
nakatutulong sa madaling pagtukoy o pagkilala ng bisa sa
isip.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

C. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto


2. Bisa sa kaasalan - ang panitikan at paghubog sa
kaasalan at pagkatao ay may malaking pagkakaugnayan.
Ang mga alagad ng sining, kasama ang mga manunulat,
ay may nagkakaisang paninindigan na ang sining ay dapat
italaga sa paghubog ng katauhan ng bawat isa. Ang mga
manunulat ay dapat na mabigkis sa katotohanang ang
panitikan ay isang sining na may kambal na layunin:
magdulot ng lugod at magbigay-aral.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

3.

You might also like