Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG KABIHASNANG

ROMANO
PASIMULA NG ROME
• Ang Rome ay itinatag sa kalagitnaan
ng ikawalong siglo B.C.E. ng unang
Romano na nagsasalita ng Latin,
isang sangay ng wikang nabibilang sa
Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa
gitnang Italya at nagtayo ng sakahang
pamayanan sa Latium Plain.
• Ayon sa matandang alamat ang Rome ay itinatag ng
kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga
sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at
ipinaanod sa Ilog Tiber ng kanilang amain sa takot na
angkinin ng kambal ang kaniyang trono.

Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo.


Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang
pinagmulan, kinuha nila ang trono at itinatag ang Rome sa
pampang ng Ilog Tiber noong 753 BCE.
• Ang mga Romano ay tinalo ng Etruscan,
ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila
ay magagaling sa sining, musika, at sayaw.
Dalubhasa sila sa arkitektura, gawaing
metal, at kalakalan. Tinuruan ang mga
Romano sa pagpapatayo ng mga gusaling
may arko, mga aqueduct, mga barko,
paggamit ng tanso, paggawa ng mga
sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng
ubas, at paggawa ng alak.
PAGTATATAG NG REPUBLIKA
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga
Romano ang punong Etruscan (dayuhang
sumakop sa Rome) at nagtayo ng Republika
(isang pamahalaang walang hari) sa
pamumuno ni Lucius Junius Brutus na
tumagal mula 509 hanggang 31 B.C.E. Dahil
sa kanyang pamumuno naitaboy ang huling
hari ng mga Etruscan na si Tarquinius
Superbus.
• Sa halip na pumili ng hari,
naghalal ang mga Romano ng
dalawang konsul na may
kapangyarihan tulad ng hari at
manunungkulan sa loob lamang
ng isang taon.
SANGAY NG REPUBLIKANG ROMANO
1. Senado
• pinakamakapangyarihang sangay sa Republikang
Romano na may 300 kasapi.
• May kapangyarihang magpatupad ng batas.
2. Konsul
• nangasiwa sa lahat ng aspekto ng lipunan.
• binubuo ng dalawang konsul na pawing Patrician.
• Veto – kapangyarihan ng isang konsul na pigilan kung
ano ang napagkasunduan. Ibig sabihin sa latin ay “Tutol
ako” (I Forbid)
3. Asamblea
• demokratikong sangay ng Republikang Romano.
URI NG LIPUNAN SA ROMAN
1. PATRICIAN
• hango sa salitang latin na “Patres” o “mga Ama”, sila ang
mayayamang may-ari ng lupa.
• Taong may pribilehiyo na mamuno sa Roma.
2. PLEBEIAN
• karaniwang tao tulad ng magsasaka at mangangalakal.
• Malalayang mamamayan na may mga karapatan
maghalal.
Sa loob ng mahabang panahon, walang tinig
ang mga Plebian. Hindi nagtagal, sumulpot
ang tunggalian sa pagitan ng dalawang uri,
hanggang mapagtibay ang Twelve Tables na
nagbigay sa mga Plebian ng proteksyon
laban sa dimakatarungang desisyon ng
huradong Patrician. Nahalal sa tribune si
Tiberius Gracchus noong 133 B.K.
Nangako na tutulungan ang mga magsasaka sa
pamamagitan ng pagbibigay ng lupang pag-aari ng
publiko, subalit pinatay siya bago pa man
naisakatuparan ito. Sumunod ang kapatid niyang
si Gaius Gracchus; subalit siya rin ay pinaslang.
Noong 73 B.K., si Spartacus ay nagpahayag ng
digmaang magpapalaya sa lahat ng alipin ngunit
sa Italya siya ay napatay sa isang labanan sa
kamay ni Heneral Marcus Licinus.

You might also like