2 Ang Tekstong Deskriptibo 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto tungo sa


Pananaliksik
Ikalawang Semestre
MODYUL 2: ANG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
LAYUNIN:
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:

 Magamit ang kakayahan sa paglalarawanng isang bagay o konsepto;


 Matukoy ang isang teksto bilang isang tekstong deskriptibo;
 Magamit ang kahusayan sa paglalarawan ng isang kaisipan tungo sa pagsulat;
 Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng teksto deskriptibo; at
 Makasulat ng isang tekstong deskriptibo
Sabihin mo,
huhulan ko!
1. Paano mo ilalarawan sa isang bulag ang kulay na
pula?
2. Paano mo ilalarawan o sasabihin sa isang taong
walang panlasa ang maasim?
3. Paano mo ilalarawan ang tunog ng tambol sa isang
bingi?
4. Paano mo ipaparamdam sa isang tao na mahal mo
siya?
MODYUL 2: ANG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
 Ang tekstong deskriptibo ay nagbibigay ng mga katangian ng isang tao, bagay,
lugar, karanasan, o pangyayari upang makabuo ng “imahen” sa isip ng mambabasa.
 Gumagamit ito ng mga malinaw na salitang naglalarawan upang “makita” o
“maranasan” ng mambabasa ang detalyeng nais isalin ng teksto. Sa pamamagitan ng
mga detalyeng pumupukaw sa limang pandama (paningin, pang-amoy, pandinig,
panlasa, at pansalat), nararamdaman ng isang bagay na para bang ito ay buhay.
Nabubuo ang hitsura nito sa kanyang isip na tila aktwal niyang
nararanasan. Pumapaloob ito sa kanyang kamalayan. Lumilikha ito ng
“impresyon”.

Isang mahalang prinsipyo ang “show, don’t tell”. Dapat buuin ang
imahen ng isang tao, bagay lugar karanasan, o pangyayari sa
pamamagitan ng piling salitang naglalarawan.
Halimbawa:

 Maaring sabihin lamang sa mambabasa, “Masarap ang kanilang ulam” ang salitang masarap ay
maraming pagpapakahulugan.

 Ang isang masarap na sinampalukang manok na may natural na asim ay ‘masarap”.

 Ang “masarap” ay may iba’t ibang lasa kaya mahirap makabuo ng tiyak at malinaw na imahen sa
isip ng mambabasa. Ito ang sinasabing “telling” o pagsasabi lamang.

 Ngunit kung magbibigay ng buhay na buhay na mga paglalarawan na pumupukaw sa pandama, as


magiging mabisa ang paglalarawan.

 “Ang adobo ay may tamang-tamang alat at asim. Malambot ang karne nito kaya madaling nguyain.
Nakatatanggal din ng umay ang pagkamanamis-namis na timpla.
Dalawang (2) Paraan ng
Paglalarawan
1. Karaniwang paglalarawan – ang tekstong ito ay tuwiran lamang
naglalahad ng mga katangian ng isang tao, bagay, lugar, karanansan o
pangyayari. Nagbibigay ng tiyak na deskripsyon o impormasyon ukol sa
inilalarawan.
Halimbawa
“Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na nasa kahabaan ay
ipinag-ilang lilis ang kanyang laylayan. Nakasuot ito ng libaging
kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng
kanyang butuhan at maruming dibdib. Natitiyak ni Aling Marta na ang
bata ay anak-mahirap”

Hango sa “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual


2. Masining na paglalarawan – ang tekstong nasa ganitong anyo ay naglalayong
magparamdam ng emosyon sa mga mambabasa. Gumagamit ito ng mga
matatalinghagang salita sa proseso ng paglalarawan.

Halimbawa:

“Noong araw, tatawagin siyang ganyan, parang nagniningning ang kanyang noo. Kapag sinundan pa
ito ng salitang “mahusay” at “batikan” parang bag aba pinag-aapoy ang kanyang dibdib.
Pakiramdam niya, hindi siya nakatapak sa lupa; pakiramdam niya ay inaakyat siya sa langit at doon
tinitingala ng mga kapwa niya Kapampangan”

Hango sa “Sumpa ng Makata” ni Jose M. Gallardo


Dalawang (2) Uri ng Paglalarawan

1. Subhektibo - ang manunultat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang


imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan. Ang tekstong ito ay layuning
magparamdam mg emosyon.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matitipunong
pangangatawan at magagaspang na palad na pinanday ng kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan. Ang tekstong ito ay
tuwiran lamang na naglalahad ng mga katangian ng isang tao, bagay,
lugar, karanasan o pangyayari.

Halimbawa:

Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalikbalikan ng


mga turistang nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Itinuturing itong
pinakaaktibong bulkan.

You might also like