Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto tungo sa


Pananaliksik

Ikalawang Semestre
Modyul 4:
Tekstong Naratibo
Layunin
Sa modyul na, inaasahang magagawa mong:

 Matukoy ang isang tekstong naratibo, gayun din ang pkasang tinatalakay nito;
 Magamit ang mga element o pamamaraan upang makabuo ng isang tekstong naratibo;
 Magamit ang pagiging sistematiko bilang isa sa pinakamahalagang paraan sa pag-unawa at paggaamit ng isang
tekstong naratibo;
 Maiugnay ang tekstong naratibo sa pagsulat ng isang pananaliksik ng papel;
 Maibahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong naratibo;
 Matukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salita na ginamit ng tekstong binasa; at
 Makasulat ng isang tekstong naratibo gamit ang mga angkop na datos at sa tulong na rin nga narrative device.
Ilahad sa pamamagitan ng pagkukwento ang mga
sumusunod na larawan ayon sa pagkasunod-sunod.
Modyul 4:
Tekstong Naratibo
 Ito pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na
pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.

 Ang tekstong naratibo ay naglalahad ng kwento. Dinadala nito ang mambabasa sa


isang karanasan o isang pangyayari na parang sila ay naroon.
Tatlong (3) Layunin ng
Tekstong Naratibo
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o
nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
Mga Halimbawa ng
Tekstong Naratibo
 Maikling kuwento
 Nobela
 Kuwentong-bayan
 Mitolohiya
 Alamat
 Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction
Mga Elemento ang mga
Tekstong Naratibo
1. Tauhan
 Ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang
pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.
Dalawang (2)Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan
1. Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao
ng tauhan.
2. Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kaniyang pagkilos o
pagpapahayag.
Apat (4) na Karaniwang
Tauhan
1. Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa kuwento simula
hanggang sa katapusan
2. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan
3. Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan
4. Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
Dalawang (2) Uri ng Tauhan (E.
M., Froster)
1. Tauhang Bilog (Round Character) - Isang tauhang may multi-
dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
2. Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon
 Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang, takot, romantikong paligid,
matinding pagod, kalungkutan at iba pa.
3. Banghay
Maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Karaniwang Banghay o Balangkas ng
isang Naratibo
 Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema (orientation or introduction)
 Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular na ang pangunahing
tauhan (problem)
 Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
 Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang kasukdulan (climax)
 Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi
Nakaayos Sa Tamang Pagkakasunod-Sunod

 Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa


nakalipas.
 Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
 Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
4. Tema o Paksa
sentral na ideya kung saan umiikot
ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.

You might also like