Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t-ibang Teksto tungo


sa Pananaliksik
MODYUL 3:
ANG TEKSTONG
PERSUWEYSIBO
Layunin
Matukoy ang isang tekstong persuweysibo, gayundin
ang paksang tinalakay nito;
Malaman ang mga gabay upang makapanghikayat;
Magamit ang pamamaraan ng panghihikayat bilang
mahalagang punto sa pagbuo ng isang pananaliksik;
Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa;
Matukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salita na gamit sa tekstong binasa;
at
Makasulat ng isang tekstong persuweysibo
gamit ang mga angkop na datos.
Ibigay
mo bebe?!
Panuto ng laro
Ang guro ay magbibigay ng taglines ng sikat na
produkto at huhulaan ng mga mag-aaral kung
anong produkto ito.
Halimbawa

“We find ways” “It’s finger lickin’ good”


“Bida ang sarap.”, “Samahang walang
“Langhap Sarap” katulad.”

“We’ve got it all “Ito and tama.”


for you!”

“Nakasisiguro gamot ay
laging bago.”
MODYUL 3:
ANG TEKSTONG
PERSUWEYSIBO
Ay may layuning makapanghikayat o
makapagkumbinsi sa pamamagitan ng mga salitang
mapanghikayat na sinusuportahan ng matibay na
patunay o ebidensya.

Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa


na maniwala, o kung hindi ma’y magkaroon ng
matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.
Kadalasan inilalahad ang tekstong persuweysibo sa
punto de bista ng una o ikalawang panauhan. Ang
panghihikayat na teksto ay personal, madamdamin
at emosyunal.

Ginagamit ng manunulat ang kanyang emosyon o


pandamang pamamaraan upang mabisa niyang
mahikayat ang iba.
Ayon kay Juliet Erickson (2004), ang unang dapat
isaalang-alang sa panghihikayat ay ang maging
malinaw muna sa may akda kung ano ba ng nais
niya at bakit niya ito nais. Dapat niya itong
maipaunawa sa kanyang mambabasa nang tiyak at
walang pagbibiro, pagpapalingoy o
pagpapaumanhin.
Limang (5) Gabay sa
Pagsulat ng Tekstong
Persuweysibo
(Pie Corbett at Julia,
2011)
1. Ang isang persuweysibo ay pumupukaw dapat ng
damdamin.

Halimbawa:
Kung ang intension ng awtor ay kumbinsihin ang
mga mambabasa na masaya o nakagagalit ang isang
bagay, iyon dapat ang emosyong mangibabaw sa
akda.
2. Ang isang tekstong persuweysibo ay sisismulan sa
isang pahayag na nagpapakilala ng kaisipang
“ibinebenta” ng may akda.
 Ito ang nagsisilbing thesis statement.
Ang pahayag na ito ang nagiging unang panghikayat sa mga
mambabasa.
 Matapos nito ay gugustuhin nilang basahin ang mga
kasunod na talata upang malaman ang buong detalye ideya,
paniniwala, damdamin o pagkilos na isinusulong.
3. Ang mga kasunod na talata ng tekstong
persuweysibo ay sumusuporta dapat sa paksang
pangungusap.
 Kung ang tekstong persuweysibo ay maikli, ang iisang
paksang pangungusap na ang nagsisilbing paksang
pangungusap para sa buong akda.

 Samantala, kung ang tekstong persuweysibo ay mahaba,


bawat talata ay nagkakaroon ng sariling paksang
mangungusap. Bawat talatang ito ay dumaragdag sa pagbuo
ng damdaming nais maipadama sa mambabasa.
4. Personal ang wikang gamit sa pagsulat ng tekstong
persuweysibo

 Direkta itong nangungusap sa mambabasa. Pinanatili


ng teksto ang kanyang interes.
ELEMENTO NG
PANGHIHIKAYAT AYON
KAY ARISTOTLE
Ethos
Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita.

Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay


sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa
salitang “Imahe”.
Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o
kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig.

Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o


dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o
mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga
tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali,
maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

Halimbawa: Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang


bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.
Logos: Ang Opinyon o
Lohikal na pagmamatuwid
ng manunulat/
Tagapagsalita
Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran.

Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang


lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging
lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.
Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika
at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang
mga retorikal na pangangatwirang pabuod
(Deductive) at pasaklaw (Inductive).

Halimbawa:
Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang
sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.
Pathos: Emosyon ng
mambabasa/
Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na
tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa
o tagapakinig.

May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling


desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng
ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang
impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at
takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang
tao.

Halimbawa: Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong


makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang
mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa
manunulat.
PROPAGANDA
DEVICES
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o
iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay
masusing pinag-iisipan.

Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga


diyaryo, at magasin ay kinakailangang makapukaw ng
atensiyon upang mapansin.

Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay


may mga ginamit na propaganda device. Ating alamain
kung ano-ano ito:
Name-Calling

Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o


taguri sa isang produkto o katunggaling politiko
upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika.
Halimbawa:
Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at
nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.

Halimbawa:
Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay
mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa
kaputian.
Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad
upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na
brand
Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang
nag-endorso ng isang tao o produkto.

Halimbawa:

Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit


niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya.

Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang


kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang
kanyang kapartido.
Plain Folks - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o
komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay
pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa
boto, produkto, o serbisyo.

Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng
magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at
galing rin sila sa hirap.
Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng
magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.

Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito
sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot
ito ng sakit sa bato at UTI.
Bandwagon - Panghihikayat kung saan
hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang
lahat ay sumali na.

Halimbawa:
Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

You might also like