Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 223

Araling Panlipunan 2

Ikaapat na Markahan, Ikaanim na Linggo

Serbisyo at Paglilingkod
sa Komunidad
MELC

Natatalakay ang mga


paglilingkod/ serbisyo ng mga
kasapi ng komunidad.
DAY 1
Iguhit ang masayang mukha () kung ang
isinasaad ng pangungusap ay Tama at
malungkot na mukha () kung Mali. Ilagay
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga magsasaka ay
nagtatanim upang may
pagkunan ng makakain.
2. Ang tubero ay naglilinis ng kalat
sa kapaligiran.
3. Ang nars ang tumutulong sa doktor
upang mapangalagaan ang mga may sakit.
4. Ang guro ang nagtuturo sa mga kabataan
ng magandang asal.
5. Ang karpintero ang
gumagawa o nagkukumpuni ng
bahay.
Ang mag –aaral ay inaasahang :
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
kasapi sa komunidad.
2. Nakikilala at natutukoy ang mga
kasapi sa komunidad na nagbibigay
ng paglilingkod/ serbisyo sa
komunidad.
May mga taong nagbibigay ng
paglilingkod sa ating komunidad na
nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga naninirahan
dito. Kilalanin sila.
Magsasaka – nagtatanim ng
halaman upang pagkunan ng
pagkain.
Karpintero – gumagawa at
nagkukumpuni ng mga bahay,
gusali, mesa at iba pang
kagamitan.
Guro – nagtuturo upang matuto
ang mga mag-aaral ng iba’t-ibang
asignatura at kagandahang asal.
Tubero – nag-aayos ng tubo na
linya ng tubig at nagkukumuni
ng sirang gripo.
Narito naman ang mga
nagbibigay ng paglilingkod
para sa kalusugan ng komunidad.
Nars – tumutulong sa doktor
sa pangangalaga ng mga may
sakit.
Doktor – nagbibigay ng
serbisyong panggagamot sa mga
taong maysakit.
Komadrona – tumutulong
sa doktor
sa pagpapaanak.
Kaminero – naglilinis ng kalsada
at daan upang mapanatili ang
kalinisan
ng kapaligiran.
Basurero – namamahala sa
pangongolekta at pagtatapon ng
basura.
May mga tao ring naglilingkod
para sa kaligtasan at kaayusan ng
komunidad. Kilalanin sila.
Bumbero – pumapatay sa
sunog at nagliligtas sa mga
biktima.
Pulis – nagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan ng komunidad. Sila rin
ang humuhuli sa mga nagkakasala sa
batas.
Kapitan ng barangay – namumuno
sa kaayusan, kapakanan,
kapayapaan, at kaunlaran ng
nasasakupang komunidad.
Barangay tanod – tumutulong sa
kapitan ng barangay upang mapanatili
ang kaligtasan ng mga tao sa
komunidad.
Panuto: Isulat ang Tama kung
wasto ang isinasaad ng
pangungusap at Mali naman kung
hindi.
1. Sinisiguro ng kaminero na
malinis ang kapaligiran ng
komunidad.
2. Mabilis ang pulis sa pagpatay ng
sunog.
3. Tumutulong ang komadrona sa isang
ina upang iluwal ang kanyang sanggol.
4. Tumutulong ang traffic aide sa
kapitan ng barangay
sa pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan sa komunidad.
5. Hinuhuli ng bumbero ang
mga lumalabag sa batas.
Panuto: Kopyahin ang web chart sa
papel at punan ang mga bilog ng mga
angkop na paglilingkod. Piliin ang sagot
mula sa kahon.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot
mula sa kahon
upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang komadrona ay katuwang ng
doktor sa __________________.
2. Ang pulis ay nagpapanatili ng
__________________ ng
komunidad.
3. Ang tanod ay tumutulong sa
__________________ sa
pagpapanatili ng kaligtasan ng mga
mamayan sa komunidad.
4. Ang guro ay nagtuturo sa mga
mag-aaral ng iba’t
ibang __________________.
5. Ang mga nars ang katulong ng
______________ sa
pangangalaga ng may sakit.
Panuto: Pagtambalin ang tungkulin sa
hanay A at
tagapaglingkod sa hanay B. Isulat ang
letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
DAY 2
Iguhit ang bituin ( ) kung wasto ang isinasaad
ng pangungusap at bilog ( ) kung hindi. Ilagay
ang sagot sa sagutang papel.
1. Pangongolekta ng basura
ang tungkulin ng mga
basurero.
2. Ang tungkulin ng kaminero ay
magpanatili ng kaayusan at katahimikan
sa komunidad.
3. Ang komadrona ang katuwang ng
doktor sa pagpapaanak.
4. Tungkulin ng tubero ang magkumpuni
ng mga bahay
at gusali.
5. Ang panggagamot ng may sakit ang
tungkulin ng doktor.
Ang mag–aaral ay inaasahang :
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi
sa komunidad.
2. Nakikilala at natutukoy ang mga
kasapi sa komunidad na nagbibigay
ng paglilingkod/ serbisyo sa
komunidad.
Ano ano ang mga
paglilingkod/serbisyo na ibinibigay
ng mga kasapi ng inyong komunidad.
Kumanta Tayo!
Ako, ako, ako’y isang komunidad (4x) La La La
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat (Ulitin)
Ikaw, ikaw, ika’y isang komunidad (4x) La
La La
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat (Ulitin)
Tayo, tayo, tayo’y isang komunidad (4x)
La La La
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat (Ulitin)
May mga taong
serbisyo/naglilingkod para sa
kaligtasan ng Komunidad
Barangay Tanod – tumutulong sa
Kapitan ng Barangay sa
pagpapanatili ng kaligtasan ng mga
tao sa komunidad.
Narito ang nagbibigay ng
paglilingkod para sa
kalusugan ng Komunidad
May mga taong nagbibigay ng
paglilingkod sa ating komunidad na
nakatutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga taong
naninirahan dito.
Sino sino sa mga
natalakay ang nasa iyong
komunidad?
Ano ano ang mga paglilingkod na
ginagawa nila sa iyong komunidad.
Isulat
sa ibaba.
_________________________________
_______________________________
_________________________________
_______________________________
_________________________________
Panuto: Kilalanin ang mga nasa
larawan. Piliin ang tamang sagot
mula sa kahon at isulat sa sagutang
papel.
Kopyahin ang talahanayan sa ibaba
at itala rito ang mga bumubuo sa
komunidad.
Sa katapat nito ay isulat ang
serbisyong ibinibigay nila sa
mamamayan.
Tandaan:
Maraming pangangailangan ang mga
taong naninirahan sa komunidad.
Upang maibigay ang mga
ito, kailangan natin ang mga
paglilingkod na ibinibigay ng mga
naglilingkod sa komunidad.
Piliin sa kahon kung sino ang
tinutukoy na tagapaglingkod sa
bawat pangungusap.
___1. Siya ang nag-aayos ng mga tubo na
daluyan ng tubig sa
mga tahanan.
___2. Siya ang naglilinis ng mga kanal at
mga kalsada sa isang komunidad.
___3. Siya ang nagtuturo sa mga mag-
aaral sa isang paaralan.
___4.Siya ang nangangalaga sa
kalusugan ng mga mamamayan
sa isang komunidad.
___5. Siya ang nagsisiguro na may
katahimikan, kaayusan, at
kaligtasan ang mga naninirahan sa isang
komunidad o kilala din
bilang bantay bayan.
DAY 3
Sino-sinong mga tao sa komunidad
ang nagbibigay ng mga serbisyong
kailangan ng mga mamamayan ?
Ang mag –aaral ay inaasahang :
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
kasapi sa komunidad.
2. Nakikilala at natutukoy ang mga
kasapi sa komunidad na nagbibigay
ng paglilingkod/ serbisyo sa
komunidad.
Pag-aralan ang mga larawan sa
ibaba.
Ano ang ipinakikita ng mga ito ?
Bawat kasapi ng komunidad ay may
mga paglilingkod o serbisyo na
ibinibigay tulad ng mga sumusunod:
1.Ang health center ay
nagbibigay ng libreng gamot at
bakuna sa
mga bata.
2.Ang pamahalaan ay nagsasaayos ng
mga daan at
nagpapatayo ng paaralan.
3.Ang barangay ay nagsasagawa ng
paglilinis ng kanal at kalsada.
4.Ang simbahan ay nagbibigay
ng ispiritwal na paglilingkod.
5.Ang pampublikong paaralan
ay nagbibigay ng libreng pag-
aaral.
6.Ang pamilihan ay nagbibigay ng
maayos na serbisyo sa mga mamimili
tulad ng pagbebenta ng tamang halaga
ng mga produkto.
Maraming serbisyo ang ginagawa ng
komunidad upang matugunan ang
pangunahing pangangailangan ng
mamamayan tulad ng sumusunod:
● Pagpapagawa ng patubig upang magkaroon
ng mabuting ani ang
mga magsasaka.
● Pagtatayo ng pamilihang pambarangay
● Pagtatayo ng Health Center
● Pagtatalaga ng mga Barangay Pulis o
Barangay Tanod upang mapanatili ang
kaligtasan sa bawat isa
● Pagtatayo ng mga paaralan at
pagbibigay ng libreng edukasyon sa
elementarya at sekundarya
● Pagpapagawa at pagsasaayos ng
kalsada at tulay
● Pagpapaganda at paglilinis ng parke at
pasyalang pampubliko
Isulat sa guhit ang mga serbisyong
ibinibigay ng mga sumusunod. Piliin ang
sagot sa ibaba.
1. paaralan __________________
2. simbahan __________________
3. pamilihan __________________
4. health center_________________
5. palaruan __________________
● nagbibigay ng ispiritwal na
paglilingkod
● nagbibigay ng edukasyon
● nagbibigay saya sa mga bata
● nagbibigay ng tamang presyo ng
bilihin
● nagbibigay ng libreng gamot
Pag-ugnayin sa ang hanay A at
Hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
Hanay A
1.health center
2.pamahalaan
3.paaralan
4.palaruan
5.tahanan
Hanay B
a. nagbibigay saya
b. nagbibigay ng edukasyon
c. nagbibigay ng libreng bakuna
d.nagpapagawa ng daan
e. nagbibigay ng proteksiyon sa init
Tandaan:
Maraming pangangailangan ang mga
taong naninirahan sa komunidad. Upang
maibigay ang mga ito,
kailangan natin ang mga
paglilingkod na ibinibigay
ng mga naglilingkod sa komunidad.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagbibigay ng pangangailangan ng mag-anak
tulad ng pagkain at damit
A. pamilya
B. simbahan
C. pamilihan
2. Nagbibigay ng serbisyong
pangkalusugan.
A. paaralan
B.simbahan
C.health center
3. Dito pupunta kapag gusto nating
maglaro.
A. palaruan
B. Simbahan
C.health center
4. Nagpapalinis ng buong barangay.
A. paaralan
B.palaruan
C. Pamahalaang lokal
5. Tumutulong sa mga tao upang
magkaroon ng ugnayan sa Diyos.
A. health center
B. paaralan
C. simbahan
DAY 4
Pag-aralan ang mga larawan
at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
1. Anu-ano ang nakita ninyo sa mga
larawang ito?
2. Tungkol saan ang mga larawang
ito?
3. Ano ang mga ginagawa nila?
4. Naranasan na ba ninyo ang sumali sa
mga gawaing katulad ng nasa larawan?
5. Mahalaga ba ang makilahok sa mga
programa o proyekto na nagtataguyod
sa kagalingang pansibiko?
Ang mag –aaral ay inaasahang :
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/serbisyo ng komunidad
upang matugunan ang pangangailangan ng
mga kasapi sa komunidad.
2. Nakikilala at natutukoy ang mga
kasapi sa komunidad na nagbibigay
ng paglilingkod/ serbisyo sa
komunidad.
Basahin.
Ang salitang Serbisyo at
Paglilingkod ay iisa ang
kahulugan.
Isang tungkulin at gawain na
isinasagawa para sa ikabubuti ng
nangangailangan lalo na ang mga
mamamayan sa isang komunidad.
Maaaring ito ay libre o
buluntaryong isinasagawa halimbawa
lamang nito ay ang mga serbisyo ng
pamahalaan.
Ito ay mga serbisyong pangkalusugan,
pang edukasyon, pangimprastraktura,
pangkabuhayan at maging ang
pangkapayapaan.
Mayroon din namang mga serbisyo at
paglilingkod na binibigay ang pribadong
sektor, lalo na sa panahong ito na mayroong
pandemya, lubos na
ito ay nasasaksihan sa alinmang sulok ng
komunidad.
Narito ang iilan sa mga larawan ng serbisyo at
paglilingkod sa komunidad na ating makikita.
Tukuyin ang kahalagahan ng mga serbisyo at
paglilingkod na ito para sa mga kasapi sa
komunidad.
Mga tanong
1. Tungkol saan ang talata na tinutukoy
sa itaas?
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang
Serbisyo at Paglilingkod?
3. Ano ang mga serbisyo na
nakikita mo sa mga
larawan?
4. Alin sa mga larawan na iyan ang
nagpapakita ng serbisyong
Pangedukasyon,pangkalusugan,
imprastraktura, pangkabuhayan at
pangkapayapaan?
5. Alin sa larawan ang
nagpapakita ng
pagtutulungan?
Panuto: Anong uri ng serbisyo at
paglilingkod ang tinutukoy sa bawat
larawan? Bilugan ang titik ng inyong
tamang sagot tamang sagot.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng
serbisyo at paglilingkod ang
binabanggit sa bawat pangungusap. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
1. Nagbigay ng serbisyong “Libreng
Sakay” ang Lungsod Pasig sa mga
mamamayang patuloy na pumapasok.
______________.
2. Ang bawat Home Owner Association ay
boluntaryong nagbabantay sa nasasakupan
upang masiguro na walang masasamang loob
ang
makapasok at pagala-gala lalo na sa gabi.
_____________________.
3. Sa ilalim ng programang “TAPAT” ng
Lungsod Pasig maari ng makapagsimulang
muli ang maliliit na negosyante at mga
nawalan ng hanapbuhay.
_________________.
4. Hinikayat ng ating Punong Lungsod Vico Sotto
ang lahat na mag aaral na magenrol sa kabila ng
pandemya at nangako ng suporta sa pamamagitan
ng pagbibigay ng “tablet” na gagamitin.
___________________.
5. Ugaliing magsuot ng facemask at
iwasang lumabas ng tahanan lalo ang
mga batang tulad mo. Ito ay paalaalang
______________________
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na
larawan sa Hanay
A sa mga uri ng serbisyo o paglilingkod na nasa
Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Panuto: Piliin ang tamang salita sa
loob ng kahon upang mabuo ang
mga
pangungusap sa talata.
Ang Serbisyo at _____________ na
isinasagawa sa ating komunidad ay
karapat dapat lamang bigyan ng
___________.
Maging ito ay serbisyong
pangkalusugan, _______________,
pangkabuhayan, _______________ at
pangkapayapaan.
Ang mga ito ay mahalaga upang ang lahat
ay mamuhay
ng maayos bilang mga kaspi sa
_______________ na kinabibilangan.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng
Serbisyo o Paglilingkod ang
tinutukoy sa bawat pangungusap.
1. Naglaan ang Pamahalaang Lungsod Pasig
ng bilyong pondo para sa “tablet” upang
ipamigay sa pampublikong mag aaral at
mga” laptop” para naman sa mga guro.
A.Pang-kalusugan
B. pang-edukasyon
C. pang-kabuhayan
2. Dahil sa pandemya, malawakang
ipinapatupad sa kumunidad ang
palagiang paghuhugas ng kamay, Social
distancing at pananatili sa loob ng tahanan.
A.pang-kabuhayan
B. pang- kapayapaan
C. pang-kalusugan
3. Isa sa pangunahing layunin ng pamahalaan
ng Pasig ang pagbibigay ng mga trabaho sa
pamamagitan ng “TUPAD” at bukod dito ay
maraming empleyado ang naging regular na
sa trabaho.
A. Pang-edukasyo
B. pang-kapayapaan
C. Pang-kabuhayan
4. Nagtalaga ng “bike lanes” ang
ating Lungsod Pasig para sa mga
pumapasok sa trabaho gamit ang
bisekleta.
A. pang-imprastraktura
B. pang-kalusugan
C. pang-edukasyon
5. Patuloy ang pagpapatrolya ng mga
kapulisan para masiguro na
sumusunod sa “ curfew” ang mga tao
sa kumonidad.
A. Pang-edukasyon
B. pangkapayapaan
C. Pang-kabuhayan
DAY 5
Tukuyin kung sino ang nasa
larawan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
Ang mag –aaral ay inaasahang :
1. Naibibigay ang kahalagahan ng mga
paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
kasapi sa komunidad.
2. Nakikilala at natutukoy ang mga
kasapi sa komunidad na nagbibigay
ng paglilingkod/ serbisyo sa
komunidad.
Ngayon naman, talakayin natin
ang iba pang paglilingkod na
ginagawa sa ating komunidad.
Sentrong pangkalusugan
Mga paglilingkod na
ginagawa ng Sentrong
Pangkalusugan
1.Nagbibigay ito ng libreng bakuna.
2.Nagbibigay ng libreng gamot
3.Libreng pagpapaospital at
benepisyo ng PhilHealth
4.Libreng pagkonsulta sa mga taong
may karamdaman
Doktor- nagbibigay ng serbisyo ng
panggagamot sa mga taong
maysakit.
Nars- tumutulong sa doctor sa
pangangalaga ng mga
maysakit.
Barangay Health Worker- umiikot sa
komunidad upang
ipaalam ang mga impormasyong
pangkalusugan.
Edukasyon
Mga Paglilingkod pang-
edukasyon
1.Pagkakaloob ng libreng
edukasyon
2.Paglulunsad ng K-12 Program
3.Pagbibigay ng iskolarsyip sa
mahihirap ngunit matatalinong
estudyante
4.Pagpapabuti sa kalagayan ng mga
guro
5.Pagpapatayo ng karagdagang
silid- aralan
Guro - nagtuturo sa mga mag-aaral
upang matuto sa iba- ibang
asignatura at kagandahang asal.
Pangkaligtasan/seguridad
Pulis- ang nagpapatupad ng batas para
mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng
komunidad, sila rin ang nanghuhuli sa mga
masasamang tao.
Barangay Tanod- ay magsisilbi bilang
pangunahing hanay na tagapagtanggol sa
katahimikan, kaayusan at seguridad sa
barangay.
Panglibangan/amusement/palakasan
Mga Paglilingkod Panglibangan
1.Pagpapaganda sa pook pasyalan.
2.Paglilinis sa parke at pasyalan pangpubliko.
Transportasyon/komunikasyon
Mga paglilingkod
Pangtransportasyon/Komunikasyon
1.Nagpapagawa ng mga daan, tulay,
underpass, overpass at skyway
2.Nagpapagawa din ng daang-bakal at
tunnel na nag-uugnay sa mga
lalawigan at hiwa-hiwalay na pulo ng
ating bansa.
3.Pinapalawak din ang mga kalsada o
nautical highway
upang mas maging mabilis ang
pagbibiyahe at pagluwas ng mga kalakal.
MRT at LRT- pinapapabilis ang
ating pagbiyahe
Mga tanong:
1.Ano anong paglilingkod ang ibinibigay ng
sentrong pangkalusugan?
2.Bakit kailangan lawakan ang mga kalsada?
3.Sino ang mga umiikot sa komunidad upang
ipaalam ang mga impormasyong
pangkalusugan?
4.Ano ang ginawa para pag ugnayin ang mga
lalawigan?
5. Anong transportasyon ang
nagpapabilis ng ating
pagbibiyahe?
Panuto :Tukuyin kung sino ang
kailangan mo kung:
_____ 1. Sumasakit ang tiyan mo.
_____ 2. May nakawan sa inyong
barangay.
_____ 3. Gusto mong matutong magsulat at
magbasa.
_____ 4. Kailangan kong ng tamang reseta ng
gamot.
_____ 5. May aksidenteng naganap sa gitna ng
kalsada.
Panuto: Pagtambalin ang
Hanay A at Hanay B.
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang
isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
______ 1. Nagbibigay ng libreng bakuna ang
sentrong pangkalusugan.
______ 2. Ang iskolarsyip ay para lamang sa
mayayaman na estudyante
______ 3. Layunin ng transportasyon at
komunikasyon na lawakan ang daan para sa
mabilis na pagbiyahe
______ 4. Dapat panatihing malinis ang
pook pasyalan.
______ 5. Ang mga barangay tanod ay
nagpapatupad ng batas para mapanatili ang
kaayusan at
katahimikan .
Bilang isang bata paano mo pahalagahan ang
mga taong naglilingkod sa ating komunidad
ngayon nakakaranas ang ating bansa ng
pandemya. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.
Panuto: Ano anong mga
serbisyo/paglilingkod ang
ibinibigay ng sumusunod na bumubuo
ng komunidad;
- sentrong pangkalusugan;
- edukasyon/academya;
- pangkaligtasan/seguridad;
-panglibangan/ amusement/palakasan;
- transportasyon/komunikasyon;
Panuto:Piliin sa loob ng kahon kung
saang paglilingkod
nabibilang ang mga sumusunod.
1. Nagbibigay ito ng libreng bakuna.
2. Pinapalawak din ang mga kalsada o nautical
highway upang mas maging mabilis ang
pagbibiyahe at
pagluwas ng mga kalakal.
3. Paglilinis sa parke at pasyalan pambubliko.
4. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang
kaayusan at kaligtasan ng komunidad, sila rin
ang
nanghuhuli sa mga masasamang tao.
5. Pagbibigay ng iskolarsyip sa
mahihirap ngunit matatalinong
estudyante.

You might also like