GRADE 12 _ Aralin 1 _ Akademikong PagsulatFilipino sa Piling Larangan _

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

MALIKHAING PAGSULAT

Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw,


makapukaw ng damdamin at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Karaniwang bunga ng imahinasyon o kathang-isip o
kaya’y batay sa tunay na pangyayari.
TEKNIKAL NA PAGSULAT
Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral
na kailangan para lutasin ang isang problema o
proyekto.
PROPESYONAL NA PAGSULAT
Sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Ginagawa ito upang maging handa sa trabaho o
proyektong papasukan.
DYORNALISTIK NA PAGSULAT
 May kinalaman sa mga sulating pamamahayag.
 Pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo atbp.
 Sinusulat ng mga mamamahayag upang mas lalo pang
maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo at
makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan
na nakalimbag sa pahayagan, magasin o sinusulat sa radio
o telebisyon.
REFERENSYAL NA PAGSULAT
 Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source
hinggil sa iba pang paksa.
 May kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.
 Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng
impormasyon o pagsusuri.
 Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay,
tamang-tama, obhetibo at komprehensibo.

AKADEMIKONG PAGSULAT
 Isang intelekwal na pagsulat.
 Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
 Layuning ipakita ang resulta ng pagsisiyasat o gawaing
pananaliksik.
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Isang uri ng sulating pormal na ang
layunin ay makapagbahagi ng kaalaman
at katuturan ng isang bagay o isyu.
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga
wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval
Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo.
Bakit mahalagang matutunan ang
akademikong pagsulat?
Nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na
kompetisyon sa larangan ng edukasyon at
pagtatrabaho.
Mahalagang Ideya!
“Sa paaralan at unibersidad, sinasanay ang
bawat mag-aaral na matutunan at
magkaroon ng sapat na kasanayan sa
akademikong pagsulat”.
Akademya
Tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na
maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at karunungan.
Elementong bumubuo rito ay mga mag-aaral, guro,
administrador, gusali, kurikulum at iba pa.
Akademya
Mula sa salitang Pranses na academie, sa latin
academia, sa Griyego na academeia.
Isang komunidad ng mga iskolar
Akademya
 Naglilinang ang mga kasanayan at natutunan ang mga
kaalamang kaugnay ng larangang pinili: kasanayan sa
pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat na
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larawan.
 Gabay ang etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya
at balanseng pagsusuri.
Akademikong Filipino
Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat bilang wika
ng itelektwalisasyon.
Paggamit ng wikang FILIPINO: upang mapagbuti
ang hangaring magiging epektibo ang pagkatuto ng
mag-aaral.
Akademikong Pagsulat
 Sanayin ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pagsasanay:
 Paggawa ng sanaysay
 Pagsulat at pagsuri ng akdang pampanitikan
 Pagsulat artikulo
 Pagsulat ng posisyong papel
 Case study
 Pagsulat ng pamanahong papel
 Pananaliksik
Mapanuring Pag-iisip
 Paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at
talion upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at
hamon sa buhay-akademiko at maging sa mga gawaing di-
akademiko.
MGA URI NG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Mapanuring Pag-iisip
 Ang mapanuring pag-iisip ay paggamit ng kaalaman,
kakayahan at pagpapahalaga, at talino upang epektibong
harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko,
at maging sa mga gawaing di-akademiko.
 Tinatawag na pagsusuring kritikal na malinaw at
makatuwirang pag-iisip ng isang tao.
Malikhaing Pag-iisip
 Ang layunin ng malikhaing pag-iisip ay upang makakuha ng isang
serye ng mga bagong ideya o konsepto, na ang resulta nito ay hindi
nalalaman, ngunit kung saan, kung naisakatuparan, napatunayan na
mayroong kanilang halaga.
 Tumutukoy sa ang paraan upang maproseso ang impormasyon
upang makahanap ng orihinal na mga solusyon sa mga bagong
hamon na nangyayari sa buhay.
KASUNDUAN
Gawaan ng abstrak/sintesis ang mga sumusunod na
artikulo:
1. Epekto ng pagtaas ng bilihin sa mga nasa laylayan ng
lipunan.
2. Epekto ng samot saring krimen sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.

You might also like