Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Anu-ano ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Sinong
mga tao, buhay pa o wala na ang dapat nating
ipagpasalamat? Ang mga sumusunod ay marapat
ipagpasalamat.
• Ang lahat ng bagay na ating nakikita, nahihipo, naaamoy,
naririnig at nararamdaman.
• Ang pamilya na maaasahan at masasandalan sa
panahon ng mga pagsubok at hamon sa buhay.
• Ang mga kaibigan na matatawagan sa sandali ng
pangangailangan.
• Ang mga kamag-aral, mga guro na nakahandang
tumulong sa sandali ng pagtuklas ng karunungan.
Ang ating kapwa na nakakasalubong at nakakasalamuha
sa araw-araw.
Ang mga kamag-aral, mga guro na nakahandang tumulong
sa sandali ng pagtuklas ng karunungan.
Ang ating kapwa na nakakasalubong at nakakasalamuha
sa araw-araw.
Ang pamayanang kinabibilangan ng ating pamilya.
Ang mga mabubuting pinunong tapat na naglilingkod at
nagsisikap na maibigay sa lahat ang kabutihang panlahat

Ang kaligtasan sa mga kalamidad na nararanasan ng


ating mga kababayan
→ Karaniwang ginagawa ay sa pamamagitan ng
pananalangin.

→ Paghahandog ng alay sa mga kapus-palad.

→ Paggawa ng kabutihan sa kapwa na hindi


ipinangangalandakan o ipinamamalitang ginawa niya ito.

→ Pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad


na walang inaasahang kapalit;
→ Pagdalaw sa mga maysakit, nakabilanggo, matatanda sa
Golden Acre at mga ulilang mga bata sa bahay ampunan.

→ Pagsasagawa ng sakripisyo bilang paghingi ng tawad sa


kasalanang nagawa
ANG MGA ISYUNG MAY KAUGNAYAN SA KAWALAN
NG PAGGALANG SA BUHAY O LUMALABAG SA
KASAGRADUHAN NG BUHAY
Minsan, itinatanong mo sa sarili... ano ang dahilan at ako'y
isinilang. Ang alam mo lamang batay sa mga larawang
naitago ng iyong ina, tuwang-tuwa silang lahat ng ikaw ay
ipanganak, binyagan at nang magdiwang kayo nang unang
kaarawan mo. Malinaw at kumpleto ang album na ginawa
nila. Pati nga ang unang ultrasound na nagpapatunay ng
iyong kasarian ay kalakip pa sa album
Masaya ka, alam mong ang ginawa nila ay patunay na
mahal na mahal ka nila at hindi aksidente kung bakit
nabuhay ka. Masaya, di ba? Paano nga'y mayroong mga
"unwanted children. Marami ring mga bata sa mga
ampunan, mga batang kalye at may mga nilalaglag habang
nasa sinapupunan pa. Mahigpit itong ipinagbabawal subalit
marami pa rin ang gumagawa dahil sa maraming
kadahilanan. Bukod sa labag ito sa batas ng tao, labag din
ito sa Batas ng Diyos.
Sa inyong palagay. Bakit naiiba ang buhay ng tao?

Ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay ang pinakamahalaga,


pinakamabuti, at pinakamamahal ng Diyos sa lahat ng
Kanyang nilalang.
Ito ay banal at biyaya na kusang ipingkaloob.
Ang ating buhay ay kakaiba sa buhay ng mga hayop at
halaman.
Ang ating buhay ay di talagang atin, ito ay hiram lamang sa
Diyos at ito ay babawiin Niya sa atin sa itinakdang
panahon.
Ang buhay na ibinigay ay sagrado, samakatuwid ang tao ay
may pananagutang kilalanin, igalang, itaguyod, ipagtanggol
at pagbutihin ang buhay.
Hango sa Banal na Aklat ang mga sumusunod kaugnay nang
pagpapahalaga sa buhay ng tao..

Salita ng Buhay: 1 Juan 1:1

Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa'y


siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig
at nakita, napagmasdan at nahawakan.
Ilaw ng Buhay: Juan 8:12

Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, "Ako


ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay
magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di lalakad sa
kadiliman
Buhay na Tinapay ng Buhay: Juan 6:35

Sinabi ni Jesus, "Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang


lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang
sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Juan 6:51

Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula


sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang
kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking
katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.
Naghandog ng Buhay: 2 Corinto 3:6

Binigyan Niya kami ng kakayahang maging lingkod ng


Bagong Tipan, isang kasunduang hindi nababatay sa
kautusang nakasulat kundi sa Espiritu. Sapagkat ang
kautusang nakasulat ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit
ang Espiritu'y nagbibigay-buhay.
Itinakda ni Jesus ang batayang palaisipan ng buhay at
kamatayan sa utos Niyang iwaksi ang lahat ng galit at
mahalin pati kaaway.
1 Juan 3:15

Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at


nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala
sa mamamatay-tao. Ipinagbawal ni Jesus pati na ang galit.
Inihayag Niya na ang tunay na salot at ugat ng pagpatay ay
ang galit at pagkamuhi.
Mateo 5:21-22

Narinig na ninyo na iniutos ng Diyos sa inyong ninuno,


"Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay
mananagot sa hukuman.' Ngunit sinasabi ko naman sa inyo,
ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot
sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay
mananagot sa Sanedrin, ang sinumang magsabi sa kanyang
kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy
ng impiyerno.
PAGLABAG SA KASAGRADUHAN NG BUHAY
Aborsyon
Dalawang uri
Kusa (Miscarriage) – pagkawala ng isang sanggol bago ang
ika 20 Linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na
mga pangyayari at hindi ginamitan ng artipisyal o medikal na
pamamaraan.
Sapilitan (Induced) - ito ay ang pagwawakas ng
pagbubuntis o ang pagpapaalis ng isang sangggol sa
pamamagitan ng pag-0pera o pagpapainom ng mga gamot.
EUTHANASIA O MERCY KILLING

Ito ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan


ng isang taong may matindi at wala nang lunas na
karamdaman.

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina


upang tapusin ang paghihirap ng isang may sakit.
SUICIDE O PAGPAPATIWAKAL

Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling bhay at


naayon sa sariling kagustuhan.
PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT

Ayon kay Ramon Agapay isang manunulat, Ang paggamit


ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung moral na
kinakaharap ng ating lipunan ngayon. Ito ay isang
estadong Sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang
mapanganib na gamot na nagyayari matapos gumamit nito
ng paulit-ulit at sa tuloy tuly na pagkakataon
ALKOHOLISMO

Ito ay ang labs na pagkonsumo ng alak ay may masamang


epekto sa tao Ito ay unti unting nagpapahina sa kaniyang
enerhiya, nagpapabagay ng kaniyang pag-iisip at sumusira
sa kapasidad na maging malikhain. Ang pag inom ng alak ay
hindi masama kung paiiralin lamang ang pag titimpi at
disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag-
uugali apektado rin ang ating kalusugan. Maraming sakit sa
katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito tulad ng
kanser, sakit sa atay,at kidney
PAANO NATIN MAPAPANATILI ANG KASAGRADUHAN
NG BUHAY NG TAO
1. Kumain ng tama at masustansiyang pagkain
2. Panatilihang malinis ang kabuuan bilang isang tao
3. Pag-iwas sa bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng
alak
4. Pagsasaliksik ng mga kagamitan o tekno;ohiya, gamot o
medisina upang mabigyang lunas ang sait ng tao at
mapahaba ang kanyang buhay.
5. Panatilihang malusog ang mental emosyonal at pisikl na
pangangatawan
6. Magpakita ng simpatya at pang-unawa sa mga
nangangailangan lalo na sa mga mahihirap at may
kapansanan
Ang buhay ay sagrado. Dahil ito ay kaloob ng diyos.
Tungkulin natin na igalang pangalagaan proteksiyunan at
paunlarin ang sariling buhay at buhay ng ating kapwa

You might also like