Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 168

Pag-uugnay ng Sariling

Karanasan sa
Napakinggang Teksto
Filipino 5
Unang Markahan, Unang Linggo
Kasanayan Sa Pagkatuto

Naiuugnay ang sariling karanasan


sa napakinggang teksto
F5PN-Ia-4
Unang
Araw
Tingnan mo ang sumusunod
na mga larawan.

Anong masasabi mo?

Naranasan mo na rin ba ang mga ito


Ngayong araw, ikaw ay inaasahang
matukoy mo ang mahahalagang
impormasyon mula sa napakinggang
teksto, maiugnay mo ang sariling karanasan
mula sa napakinggang teksto, at
mabigyang-halaga mo ang pag-uugnay ng
Likas sa ating mga Pilipino ang
pakikipagkuwentuhan. Ginagawa natin
ito para masabi ang ating naramdaman at
naranasan. Kinukuwento natin ang mga
napanood na magagandang palabas,
pangyayaring nasaksihan, tekstong nabasa
at napakinggang impormasyon.
Ibig sabihin, magkakaugnay ang
lahat ng pangyayari sa ating paligid
hanggang sa ating mga pandama.
Maraming pangyayari ang nagaganap sa
araw-araw na hindi natin kontrolado.
Maaaring ito ay maganda o hindi
maganda, inaasahan at kagulat-gulat.
Pero, ang kaya nating kontrolin ay ang ating
reaksyon sa mga pangyayaring ito. Halimbawa,
habang naglalaro ka kasama ng iyong mga
kaibigan ay biglang may nang-asar sa iyo. Kaya
mong kontrolin na hindi magalit kundi
makipagkaibigan sa nangaasar sa iyo.
Ang Batang si Marikit
Ang batang si Marikit ay tunay na kaakit-akit
Bilog ang mukha at nakangiting palagi.
Masayang kasama at di nagpapahuli
Sa pagsunod sa mga tamang alituntunin lagi.
Maaasahan si Marikit sa lahat ng gawain
Kung kaya naman mga guro at kaklase sa
paaralan
Bukambibig ang kaniyang pangalan
At hinahangaan ng marami.
Si Marikit ay mabait at katangi-tangi
Sapagkat sa kaniyang isip ay
maging masunurin palagi
Para mapag-ingatan ang inaasam
at hangaring nasa isip
Na sa gitna ng kahirapan ay magkaroon ng
buhay na kayganda at kaybuti.
Siya’y handang magtiis dahil nasa kaniyang isip
Dadating ang magagandang bagay sa buhay na
iyong hinihingi
Kung ang tao ay magpapakabait at mananatiling
masunurin
Sa lahat ng kanyang paggawa maging sa pag-iisip
Tiyak na matutugunan ang kasaganahan at
kaginhawaang pinakamimithi.
Ang tulang ito ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting
kalooban. Ito ay isang patunay lamang na
kapag may ipinapakita kang kabutihan sa
iyong kapwa, makikita ito at
mangingibabaw sa lahat.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong :

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


binasang tula?
2. Ano ang angking niyang ugali?
3. Paano mo mailalarawan ang batang
babae sa tula?
4. Bakit siya minamahal ng mga tao?
5. Bilang isang mag-aaral, nararapat bang tularan
ang angking niyang ugali? Bakit?
6. Nasubukan mo na bang maging mabait at
masunurin? Sa paanong paraan? Iugnay ang sagot
sa sariling karanasan.
Suriin natin ang mga sumusunod
na sitwasyon. Ano ang masasabi
mo tungkol dito ?
1. Ayon sa Department of Health (DOH), ang
bilang ng mga batang malnourished o may
mahina at payat na pangangatawan ay
patuloy na dumarami dala ng kahirapang
nararanasan ng bansa.
2. Kumain ng pagkaing masustansya. Kung panay
karne ang iyong kinakain ay bawasan muna ito, sa
halip, kumain ng mga gulay at prutas. Ito ay may fiber
na makatutulong upang malinis ang iyong katawan.
Ang pagkain ng junk food ay makadaragdag lamang
ng timbang at lalong makapagpapataas ng stress sa
katawan.
3. Ugaliing magpahinga at i-relaks ang katawan. Madalas ay
napakaraming takdang-aralin at mga gawaing dapat na
tapusin. Sa sandaling makatapos ng isang gawain ay ipahinga
ang katawan upang manumbalik ang lakas ng katawan at isip.
Maaaring maligo ng maligamgam na tubig. Maaari ring
bumulong ng maikling panalangin at damhin ang kasiyahan at
kapayapaang nararamdaman ng kalooban.
4. Si Nick ay ipinanganak nang walang braso at binti.
Naging mahirap sa kanyang magulang at maging sa
kanyang sarili na maunawaan at tanggapin ang
nasabing kalagayan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay
maliwanag nilang nakita ang magandang dahilan o
plano ng Diyos kung bakit nangyari ang ganito sa
kanyang buhay.
5. Isang magsasaka si Mang Berto. Bawat araw ng kaniyang
gawain ay isinasaisip niya ang kapakanan ng mga taong
tumatangkilik ng kaniyang produktong gulay. Dahil sa
palasak na paglalagay ng kemikal sa mga produkto ngayon,
hindi siya gumagamit ng anumang pestisidyo. Sa halip,
organikong pataba ang ginagamit niya gaya ng dumi ng
kalabaw, mga nabubulok na balat ng saging, gulay, at iba pa,
kaya lubos na kilala siya bilang Mang Berto Organiko.
Laro

Nalaro mo na ba ang ang mga ito?


A. Taguan Pung
B. Bato-bato Pik
C. Sawsaw suka
D. Langit lupa
Anong nararamdaman mo tuwing
naglalaro ka niyan? May hindi ka ba
malilimutang karanasan sa paglalaro
niyan?

Ikuwento mo naman.(Pagbabahagi ng
sagot ng mga mag-aaral)
Si Rene ay ibinili ng bisikleta ng kaniyang magulang.
Pinayagan siyang magbisikleta ngunit bawal sa kaniya
ang magpunta sa highway. Isang araw, nangahas si
Rene na pumunta sa highway. Hindi niya nakita ang
paparating na sasakyan, kaya dinala siya sa ospital.
1. Ano ang ibinili nila para kay Rene?
2. Ano ang kondisyon na binigay kay Rene ng kanyang mga
magulang?
3. Ano ang pinangahasang gawin ni Rene ng isang araw?
4. Sa tingin ninyo, tama ba ang ginawa ni Rene? Bakit?
5. May karanasan ka ba katulad ng kuwento sa itaas, ang
hindi pagsunod sa magulang? Ano ang nangyari sa iyo?
Ibahagi mo ito sa pamamagitan ng pagsulat ng 6-10 na
pangungusap. Gawing batayan sa pagsulat ng pangungusap ang
Rubrik .
Tandaan na ang lahat ng pangyayari sa ating
paligid ay magkakaugnay. Anuman ang iyong
estado sa buhay. Anuman ang iyong naiisip at
nadarama. Ang mahalaga ay kung paano ka
magbigay ng reaksiyon sa mga pangyayaring ito.
Basahin at unawaing mabuti ang mga
susunod na tanong. Piliin ang angkop na
kaisipan sa mga sitwasyon sa bawat bilang.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.
1. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at
walang kasama. Ano ang iyong gagawin?

a. Tatanungin ang pangalan ng bata kung taga-saan siya.


b. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
c. Ipagbibigay alam ang nakita sa kapitan ng barangay.
d. Ihahatid ang bata sa bahay ng kanyang mga
magulang.
2. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano
ang gagawin mo?

a. Hindi mag-aaral ng leksiyon.


b. Manonood na lang ng mga palabas.
c. Mag-aaral nang mabuti.
d. Mangongopya sa katabing kaklase.
3. Oras na ng uwian at nakita mong inilagay lang ng kaklase
mo ang kanyang mga basura sa ilalim ng kanyang upuan, sa
halip na itapon ang mga ito sa tamang lalagyan. Bilang isang
mabuting mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin?

a. Isusumbong ko ang ginawa niya sa aming guro.


b. Sasawayin ko siya at pagsasabihan na itapon ang mga
basura
sa tamang lalagyan.
c. Hindi ako magsusumbong at hahayaan na lamang ang
kaniyang ginawa.
d. Pupulutin ko na lamang ang basura at itatapon sa tamang
lalagyan.
4. Napansin mong umiiyak ang iyong
kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang
gagawin mo?

a. Bibigyan ko siya ng pagkain.


b. Hahayaan ko siyang umiyak.
c. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-
ingay.
d. Bibigyan ko siya ng pera.
5. Sinira ng nagdaang bagyo ang inyong bahay. Upang maiwasang
maranasan niyo itong muli ngayong may paparating na namang
bagyo, ano ang magagawa mo bilang isang bata?

a. Maaari akong tumulong sa pamamagitan ng pag-abot ng


kakailanganin sa paghahanda gaya ng panali, martilyo at iba pa.
b. Uupo lang ako sa isang tabi kasi wala naman akong kayang
gawin dahil maliit lang ako.
c. Makikipaglaro sa mga kaibigan sa labas ng bahay.
d. Ibalita sa buong barangay ang paparating na bagyo.
Ikalawang
Araw
Tukuyin kung Tama o Mali ang tungkol sa
wastong pakikinig.

1. Maupo nang maayos at tumahimik upang


maging maayos ang pakikinig.
2. Makipag-usap sa ibang tao habang nakikinig
ng aralin.
3. Pinagbawalan si Andy ng kanyang ina na
lumabas ng bahay dahil umuulan ngunit hindi
niya ito pinakinggan kaya siya ay nagkasakit.
4. Si Jona ang nakakuha ng pinakamataas na marka
sa pagsusulit sa Filipino dahil nakinig siyang mabuti
sa mga panuto ng kanyang guro.
5. Mahalagang sundin ang mga pamantayan sa
wastong pakikinig upang madaling maunawaan ang
nilalaman ng napapakinggang kwento.
Ngayong araw, ikaw ay inaasahang matukoy mo
ang mahahalagang impormasyon mula sa
napakinggang teksto, maiugnay mo ang sariling
karanasan mula sa napakinggang teksto, at
mabigyang-halaga mo ang pag-uugnay ng sariling
karanasan sa napakinggang teksto.
Pakinggan mong mabuti ang karanasan ng
isang batang marunong makinig at sumunod sa
magulang. Pagkatapos, subukan mong
sagutang ang mga sumusunod na tanong.
Ang Karanasan ni Dante

Ako si Dante. Mahilig akong maglaro sa


labas ng aming bahay kasama ang aking
mga kaibigan. Habang kami ay naglalaro,
biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tinawag ako ng aking nanay at pinapasok
ako kaagad sa aming bahay.
Sabi ni Nanay bawal na daw akong lumabas
dahil magkakasakit daw ako kapag ako ay
naulanan. Maaari ka raw sipunin at lagnatin.
Ayaw daw nya akong magkasakit. Masaya ako
sa paglalaro kasama ang aking mga kaibigan.
Nalungkot ako at umiyak. Ngunit
naisip ko, tama si Nanay, kaya
sinunod ko siya at hindi na ako
lumabas ng bahay ng araw na iyon.
• Naibigan at naunawaan mo ba ang naging
karanasan ni Dante?

• Dapat mo bang tularan ang ginawa ni Dante?


Katulad nya, naranasan mo rin bang makinig
at sumunod sa payo ng iyong nanay?
Kilala tayong mga Pilipino na malinis sa
katawan at maingat sa kalusugan. Ngayon,
pakinggan mo ang karanasan ni Miguel at
ang kanyang natutunan upang maiwasan
ang sakit na COVID-19.
Handa ka na bang makinig?
Halika! Sabay nating alamin
ang karanasan ni Miguel.
Ang Karanasan ni Miguel

Hindi lang pala mga eksperto ang may


magagawa upang labanan ang Covid-19. Paano
kaya tayo makakatulong para hindi kumalat ang
Covid-19? Sabi ni tatay, ang Coronavirus ay hindi
gumagalaw ng mag-isa. Tao ang naglilipat nito
sa pamamagitan ng laway o sipon na tumatalsik
kapag bumagahing o umuubo.
Ang tawag daw dito ay transmission, kaya
importanteng gumamit ng face mask. Pwede rin
daw malipat ang coronavirus kapag may
nahawakang bagay na natalsikan ng laway o sipon
ng taong may covid-19. Huwag din daw basta
basta hahawakan ang mata, ilong. Bibig, at tainga.
Kapag lumalabas si tatay, nagbabaon sya ng
alcohol kasi hindi sya makakapaghugas kaagad.
Lahat ng ito ay bahagi ng proper hygiene. Dahil
tao ang nakakapagpasa ng coronavirus,
mahalaga rind daw na bawasan ang paglapit sa
isa’t isa.
Kaya kung wala naman kaming importanteng
gagawin sa labas, maglalagi na lang daw kami sa
loob ng bahay o magku-quarantine. Pero hindi lang
kami. Ang buong komunidad ay nakaquarantine din.
Ito ay tinatawag na Enhanced Community
Quarantine (ECQ).
Pwede naman lumabas para bumili ng mga kailangan
pero dapat may Quarantine Pass. At kapag nasa
labas na, kailangan ng physical distancing. Dapat daw
isang metro o higit pa ang layo ng mga tao sa isa’t isa,
para kapag may maubo o mabahing, di ka basta basta
matatalsikan ng laway. Tinatawag din itong
social distancing.
Mga kaibigan huwag na huwag kakalimutan ang
face mask, paghuhugas ng kamay, alcohol,
quarantine, at physical distancing. Sana magawa
natin lahat ng ito. Tara, tulong-tulong tayo!
Labanan natin ang covid-19!
Nagustuhan mo ba ang kwentong
karanasan na iyong binasa?

Tungkol saan ang kwentong iyong


binasa?

Ano ang natutunan mo ukol dito?


Ngayon, nais kong sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong.
1. Ayon sa karanasan ni Miguel, paano daw naisasalin ang
sakit na Coronavirus at ano ang mga dapat gawin upang
makaiwas sa sakit na ito?

2. Nagawa mo din ba ng ang mga pag-iingat tulad ng


napakinggan mo sa kwento ni Miguel?
3. Ano-ano ang mga ginawa mo upang
maging ligtas sa pandemya?
4. Ano-ano ang ating naranasan sa panahon
ng pandemya?
5. Maihahalintulad mo ba ang karanasan mo
sa napakinggang kwento?
Naiuugnay mo ba ang iyong sarili batay sa
napakinggang teksto. Anoano ang dapat
tandaan upang mas higit ang pagkaunawa sa
kuwento at maiugnay ito sa sariling karanasan?
1. Makinig nang mabuti at unawain ang bawat
detalye ng tekstong napakinggan.
2. Maging bukas ang isip sa tekstong
papakinggan upang mailagay ang sarili sa
sitwasyon.
3. Itala ang mga mahahalagang detalye sa labis
na pagkaunawa ng teksto.
4. Maglaan ng oras upang paglinayan ng pangyayari
sa tekstong napakinggan upang masagot at
maunawaan ang mga tanong.
5. Ilahad ang sariling karanasan na naaayon sa
napakinggang teksto.
Pagbabahagi ng mga
karanasan noong
panahon ng pandemya.
4. Sa iyong palagay, mahalaga ba na sundin
ang mga paraan na ito? Bakit?
5. Bilang isang bata, paano ka makakatulong
upang makaiwas sa sakit na ito?
Panuto: Pakinggan mo ang kuwento
tungkol karanasan ng isang bata
panahon ng pandemic at subukan
mong sagutin ang mga tanong.
Ang Aking Panalangin
Araw ng Lunes. Sabi ni Nanay, wala na daw kaming pasok. Ibinalita
daw sa radio na bawal lumabas ang mga tao dahil sa kumakalat na
sakit na Covid- 19. Masaya ako dahil kumpleto ang aming pamilya.
Ngaun lang nangyari na sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian.
Isang araw, nakita ko na nag-uusap sina tatay at nanay. Narinig ko
na paubos na raw ang aming pera pambili ng pagkain.
Hindi pa daw sila pwedeng pumasok ni ate sa
trabaho dahil sa ECQ. Kahit hindi ko
maintindihan yun, nalungkot ako. Nagdasal
ako na sana huwag kaming maubusan ng
pambili ng pagkain.
Kinabukasan, dumating sa amin si Kapitan at binigyan
si Nanay ng isang plastic ng mga pagkain.
Kinahapunan, umuwi si tatay na may pasalubong na
tinapay. Sabi nya nabigyan daw siya ng pera galing
DSWD, SAP daw yun. Kahit di ko alam kung ano yun,
sumaya ako.
Habang kumpleto kaming kumakain
ng hapunan, sabi ni nanay at tatay,
“Salamat sa Diyos!” Sa tuwa ko
sumagot ako, Ay, thank you Lord”!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
Ilagay ang OO kung sumasang-ayon ka sa isinasaad ng
pahayag at HINDI kung hindi ka sumasang-ayon.

______1. Maiuugnay mo ba ang iyong sariling


karanasan sa napakinggang kwento?
______2. Naranasan mo ba ang nangyari sa kwentong
napakinggan?
______3. Katulad ka rin ba ng tauhan sa kwento?
______4. Binigyang halaga mo ba ang iyong
naging karanasan katulad ng tauhan sa
napakinggang kwento?
______5. May natutunan ka bang aral sa
karanasan ng tauhan sa napakinggang
kwento?
Panuto: Isulat ang iyong sariling karanasan habang ikaw ay
nasa loob ng bahay noong panahon ng pandemya ayon sa
batayang tanong:
a. Ano ang ginagawa mo bilang bata upang makatulong para
hindi kumalat ang covid-19?
b. Ano ang mahalagang araw na iyong natutunan sa
panahon ng pandemya?
Punan ng wastong sagot patlang upang mabuo ang
kaisipan ng ating aralin.
1. Makinig nang __________ at unawain ang bawat
detalye ng tekstong napakinggan.
2. Maging bukas ang isip sa ________ papakinggan
upang mailagay ang sarili sa sitwasyon.
3. Itala ang mga mahahalagang ______ sa labis na
pagkaunawa ng teksto.
4. Maglaan ng______ upang pagnilayan ang
pangyayari sa tekstong napakinggan upang masagot
at maunawaan ang mga tanong.
5. Ilahad ang sariling __________ na naaayon sa
napakinggang teksto.
Pakinggan mo ang kuwento tungkol karanasan ni Erika at
subukan mong sagutin ang mga tanong.

Nagising si Erika ng maaga na labis ang tuwa


dahil nang araw na iyon ang kanyang kaarawan.
Nagdasal, nag-ayos ng higaan, naligo, nag- ayos
ng sarili at sinuot niya ang kanyang paboritong
damit. Paglabas niya ng kanyang silid, tinawag
niya agad ang kanyang nanay at tatay ngunit
walang sumagot sa kanya.
Nakaramdam siya ng lungkot at naupo na lang
sa sala. Nang may kumatok sa kanilang pintuan,
laking gulat niya nang makita niya ang kaniyang
nanay at tatay na may dalang maraming
pagkain at regalo para sa kanyang kaarawan.
Ngunit ang higit na nakapagpasaya sa kanya
ay nang dumating ang kanyang Lola na
lumuwas pa galing probinsiya. May regalo sa
kanya itong kwintas na may laket kung saan
nakalagay ang kanilang larawan. Isa iyon sa
mga karanasan niyang di nya malilimutan.
1. Sino ang tauhan sa kwento?
___________________________________________________
2. Tungkol sa anong karanasan na ibinahagi ng tauhan sa
kwento?
___________________________________________________
3. Ano ang nararamdaman ni Erika habang nagbabagi siya
ng kanyang di malilimutang karanasan noong kanyang
kaarawan?
___________________________________________________
4. Ano ang iyong di-malilimutang karanasan sa iyong
nagdaang kaarawan? Bakit?
_______________________________________________
___________________
5. Sa iyong palagay, maiuugnay mo ba ang iyong sarili sa
tekstong napakinggan. Ano ang pagkakahawig nito sa
iyong tunay na karanasan-
_______________________________________________
_____________________
Ikatlong
Araw
Pagbalik-aralan mo ang tungkol sa
karanasan. Ano ang ibig sabihin ng
karanasan? Magbigay ng halimbawa ng
iyong karanasan.
Ngayong araw, ikaw ay inaasahang matukoy mo
ang mahahalagang impormasyon mula sa
napakinggang teksto, maiugnay mo ang sariling
karanasan mula sa napakinggang teksto, at
mabigyang-halaga mo ang pag-uugnay ng sariling
karanasan sa napakinggang teksto.
Pag-aralan ang larawan. Ano-anong karanasan mo ang may
kaugnayan sa larawan?
Idolo ko si Aleng Pulis
ni G.C. Alburo

Namamalik-mata ba ako? Isang babaeng


pulis sa gitna ng kalsada? Napakagaling
niya. Pinatutupad niya ang mga batas.
Binabantayan niya ang mga tumatawid sa
tawiran. Hinuhuli niya ang mga lumalabag
sa batas.
Tinutulungan niya ang mga nangangailangan ng
tulong at sinasagot niya nang maayos ang sa kaniya’y
nagtatanong. Wow! Nakakahanga si Aleng pulis.
Gusto ko pang makakita ng mga katulad niya. Ano
kaya ang pangalan niya? Sana lahat ay responsable
kagaya niya.
Pag-unawa sa Pinakinggan/Binasa
1. Tungkol saan ang pinakinggan?
2. Sino ang nagsasalita sa teksto?
3. Anong isyu tungkol sa kasarian ang binanggit
sa teksto?
4. Anong kaisipan ang iyong nabuo matapos na
pakinggan ang teksto?
5. Ano-anong karanasan mo ang may kaugnayan
sa pinakinggan?
Bawat tao ay may sariling karanasan. Sa bawat
karanasan ay mayroong matututuhan. Ang mga
karanasang ito ay mapakikinabangan sa higit pang
pagkatuto sa maraming bagay sa buhay. Higit mong
mauunawaan ang mga pinakinggan kung maiuugnay
mo rito ang iyong mga karanasan.
Paano maiuugnay ang iyong mga karanasan sa
tekstong pinakinggan?

Una ay basahin at unawain ang teksto.


Pangalawa, isa- isahin ang mga pangyayari sa
teksto na mayroon kang karanasan na maaaring
iugnay.
Panghuli, iugnay ang iyong mga karanasan
sa mga tiyak na pangyayari sa akda sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag,
pagkukumpara, pagbibigay ng natutuhan at
iba pa.
Araw ng Sabado. Walang pasok ang mga
bata. Nagkita-kita ang magkakaibigan
na Ped, Mark, at Tony sa may parke.
Dali-daling lumakad ang magkakaibigan.
May sumisigaw. May umaawit.
Lahat ay masaya hanggang sa makarating sa
ilog.Kaagad lumusong si Ped at si Mark.Nawili sa
paliligo ang mga bata. Hindi nila namalayan ang
oras. Madilim ang paligid. Sabay-sabay umahon sa
tubig ang magkakaibigan. Isa man ay walang
nakapagsalita habang pauwi sila.
1. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
2. Kailan naganap ang maikling sanaysay?
3. Saan sila magpupunta?
4. Ano ang nangyari sa magkakaibigan?
5. May nakakatulad ba kayong karanasan tulad ng
kwento sa itaas? Isalaysay sa pamamagitan ng
pagguhit.
Sundin mo ang rubrik sa pagguhit.
(Kung walang katulad na karanasan,
iguhit na lamang ang mahalagang
pangyayari sa kwento).
Magsalaysay ng mga pangyayari sa
sarili na nagpapakita ng iyong
pagiging mabuting anak.
Tandaan na mahalaga ang bawat karanasan.
Maaari mo itong magamit sa pag-unawa sa
maraming bagay lalo na iyong mga binabasa at
mga pinakikinggan.
Basahin ang akda sa ibaba. Iugnay ang iyong
karanasan sa mga tiyak na bahagi sa
pinakinggan sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong Isulat sa hiwalay na papel
ang iyong mga sagot.
A. Ano-anong karanasan mo ang
kaugnay sa akda?

B. Ano ang naunawaan mo sa akda


kaugnay sa iyong karanasan?
Estilo ni Bb. Beltran
ni G.C. Alburo

Ringggggg! Nagtakbuhan ang mga bata. Hudyat


ang pagtunog ng bell na tapos na ang kanilang
reses. Sa klase ni Bb. Beltran, agad-agad na
umayos ang mga bata upang maghanda para sa
kanilang pag- aaral sa Filipino.
Naging ugali ni Bb. Beltran na tumawag ng
ilang mag-aaral na magsasalita tungkol sa
kanilang sarili bago magsimula ng kanilang
bagong aralin. “Biboy, maaari ka bang
magsalita tungkol sa sarili mo?”
Tanong ni Bb. Beltran kay Biboy. “Opo mam,”
maikling tugon ni Biboy at agad na pumunta sa
harapan ng klase at nagsimulang magsalita
tungkol sa kaniyang sarili. “Magandang umaga
sa inyong lahat. Ako po si Biboy Mabini.
Sampung taong gulang na po ako. Ang mga
magulang ko ay sina Teddy Mabini at Lucy
Mabini. Ang paborito kong pagkain ay Adobo
dahil ito ay napakasarap lalo na kapag luto ni
nanay. Wala akong alagang hayop sa bahay. Nag-
aaral ako sa Marikina Elementary School.
Mahilig akong magbasa at makipagkaibigan.
Iyon lang po. Salamat.” “Palakpakan natin si
Biboy!” Wika ni Bb. Beltran. “Ngayon naman ay
gusto kong magsalita kayo tungkol sa ibang tao.
Sino ang gustong magsalita?” Tanong ni Bb.
Beltran Isang minuto ang nakalipas at saka
nagtaas ng kamay si Nenet. “Sige Nenet.
Umpisahan mong magsalita tungkol sa ibang
tao.” Wika ni Bb. Beltran.
“Gusto ko lang po magsalita tungkol sa aking
kaibigang si Lotlot. Ang totoo niyang pangalan ay
Lolita Lamba. Kasing edad ko si Lotlot. Nag-aaral siya
sa Kalumpang Elementary School. Ulilang lubos na si
Lotlot kaya ang mama ko ang nagpapaaral sa kaniya.
Mabait na bata si Lotlot at matulungin sa mga
gawaing bahay. Sa totoo lang matalinong bata
si Lotlot at hindi mahilig maglaro. Ang hilig niya
ay magbasa ng mga libro at paminsan-minsan
ay naglalaro kami ng computer games.
Iyon lang po mam. Maraming salamat.” Pagwawakas
ni Nenet. “Magaling Nenet! Palakpakan natin si
Nenet! Mula ngayon, dapat ay lagi kayong handa
para magsalita sa klase. Maliwanag ba
‘yon?”“Opo mam!” Sabay-sabay na sagot ng mga
bata.
Ikaapat na
Araw
Anu anong lugar na ang narating mo?
Nakarating ka na ba sa Mt. Samat? Baguio?

Nakakain na ba kayo sa mga sikat na fastfood


chain, tulad ng Jollibee, Mcdo, Mang Inasal,
Max’s, KFC, Chowking at iba pa. Ano ang
karanasan mo tungkol dito?
Ngayong araw, ikaw ay inaasahang matukoy mo
ang mahahalagang impormasyon mula sa
napakinggang teksto, maiugnay mo ang sariling
karanasan mula sa napakinggang teksto, at
mabigyang-halaga mo ang pag-uugnay ng
sariling karanasan sa napakinggang teksto.
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang hinihinging salita na
may kinalaman sa mga damdamin.
Hanapin mo ang dalawang
magkasingkahulugang salita.
Isulat sa loob ng bilohaba.
Matutunghayan natin sa kwentong ating babasahin
na ang matibay na pagkakaibigan ay nag uugat sa
mabuting hangarin at layunin. Ibat ibang damdamin
ang pupukaw sa inyong mga puso lalo na kung ang
kwentong inyong napakinggan ay tumatalakay sa
inyong karanasan.
Suriin mo ang mga larawan. Anong
damdamin ang mararamdaman mo
kung mabibigyan ka ng pagkakataon ng
magpunta sa isang lugar na katulad ng
nasa larawan.
Pag -aralan mo muna ang mga salita sa
talasalitaan bago basahin ang maikling
kuwento. Tukuyin mo kung ano ang
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot sa kuwaderno
1. Ang pag-ihip nito ay nagbibigay ng ginhawa sa ating
pakiramdam.
2. Isang uri ng sasakyan na maaaring gamitin bilang
sasakyang pangangalakal o pampasahero.
3. Ito ang araw na ipinagdiriwang ng buong
mundo.
4. Lugar na sibilisado, maraming malalaking
gusali, at mga sasakyan.
5. Isang lugar na malayo sa kabihasnan at
simple ang pamumuhay
Luisiana: Little Baguio ng Laguna

Miyerkules noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati


sa akin. Nakasakay kami ng aking mga magulang sa
pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na kung
tawagin ay “Little Baguio.” Ito ang lugar kung saan nakita ko
ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may
mumunting pangarap.
Dito, sila ay nagtatanim ng mga halamang
gulay at ang mga hayop gaya ng kalabaw at
baka ay malayang nakagagala sa paligid.
Sariwang isda naman ang nananahan sa
malilinis na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing-edad
ko rin. Magkaibigan ang aming mga magulang.
Pareho kaming nasa ikalimang baiting. Pangarap ni
Carl na makatapos ng elementarya at makapag-
aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan,
bagama’t mayroon ding mataas na paaralan sa
Little Baguio.
Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa
bawat minuto ng bawat oras ay tila ba
hangin ng Pasko.Naaalaala ko pa nang
magkakilala kami ni Carl….
JJ: Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?
CARL: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ: Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at
malamig.
CARL: Little Baguio ang tawag naming sa lugar na ito.
JJ: Sabi ko nga sa Tatay at Nanay ko, gusto kong manatili
na lamang kami rito.
CARL: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?
JJ: Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang
Elementarya ng San Buenaventura.
CARL: Aba, mabuti kung ganoon. Sana maging
kamag-aral kita.
JJ: Sana nga, maraming salamat, Carl.
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot
sa kwaderno.

1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?


2. Sino ang nagkukwento sa akda?
3. Sino ang bagong kaibigan ni JJ?
4. Saan patungo si JJ?
5. Bakit kaya nasabi ng awtor ang pahayag na ito,” Ito ang
baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat
oras ay tila ba hangin ng Pasko?”
• Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
• Mayroon ba kayong mga bagong kaibigan?
• Paano kayo nakipagkilala sa kanya?
• Ibahagi sa pamamagitan ng isang talata na may
limang pangungusap ang iyong karanasan tungkol
dito?
• Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong :

Maagang nagising si Ariel. Naligo kaagad at


nagsimulang magbihis ng kaniyang bagong
uniporme. Nang biglang, sinilip niya ang ilalim ng
kaniyang kama. Binuksan muli ang kaniyang
cabinet. Pero wala ang kaniyang hinahanap.
“O Ariel matagal ka pa ba diyan?”
“Hinahanap ko po kasi ang kabiyak ng
aking medyas.”“Hindi ba iyang nasa
balikat mo?“Ay…. Andito lamang pala.
Salamat po.”
Sabay kamot sa kaniyang ulo. Kasunod
nito ang isang mahigpit na yakap at
isang matunog na halik na ibinigay sa
kaniyang nanay.
Sagutin mo ang mga sumusunod na mga
tanong batay sa binasang kuwento. Isulat
mo ang sagot sa sagutang papel.

1. Sino si Ariel?
2. Ano-ano ang ginawa niya nang umagang
iyon?
3. Ano ang kanyang suliranin?
4. Sino ang pumasok sa kanyang silid?
5. Bakit siya pumasok?
6. Saan niya nakita ang kanyang hinahanap?
7. Ibigay ang mga tauhan sa kwento
8. Sumulat ng maikling talata ng iyong
karanasan na katulad ng narinig na kwento.
Magsalaysay ng mga pangyayari sa
sarili na nagpapakita ng iyong
pagiging isang masipag na mag-
aaral.
Punan mo ang sumusunod. Hanapin sa kahon sa
ibaba ang angkop na sagot. Isulat ito sa
kuwaderno.
Araw ng pagsusulit sa darating na Biyernes. Lahat ng
mag-aaral sa ikalimang baitang ay abalang abala sa
pagbabalik tanaw sa kanilang mga aralin maliban kay
Tonyo. Sa halip na mag “review”, dumaan muna siya
sa isang “computer shop” bago umuwi ng bahay.
Dumating ang pagsusulit kinabukasan,
nakangiting nakatapos ang mga bata, maliban
kay Tonyo na hirap na hirap sa pagsagot. Sinabi
niya sa kanyang sarili na pagbubutihin na niya
ang kanyang pag-aaral. Iiwasan na niya ang mga
bagay na makahahadlang sa kanyang mabuting
pag-aaral.
1. Sino ang mga tauhan sa maikling
kuwento?
2. Anong baitang na siya?
3. Bakit kailangan nilang balikan ang
kanilang mga aralin?
4. Ano ang ginawa ni Tonyo sa halip na mag-aral?
5. Kung ikaw si Tonyo ano ang iyong gagawin?
Ano ang karanasan mo tuwing sasapit ang pagsusulit? Anong
paghahanda ang iyong ginagawa? Sumulat ng maikling
sanaysay ng iyong karanasan kapag dumarating na ang
pagsusulit. Gamiting gabay ang rubrik sa pagsulat ng
sanaysay.
Ikalimang
Araw
Batay sa iyong mga karanasan bilang bata,
subukang isulat sa concept map ang mga
karanasang hindi mo malilimutan.

Ibahagi ito sa klase.


Ngayong araw, ikaw ay inaasahang matukoy mo
ang mahahalagang impormasyon mula sa
napakinggang teksto, maiugnay mo ang sariling
karanasan mula sa napakinggang teksto, at
mabigyang-halaga mo ang pag-uugnay ng
sariling karanasan sa napakinggang teksto.
Basahin ang kuwento.
• Pansinin ang mga salita/pariralang
nakahilig.

• Ano kaya ang tawag sa mga ito ?


Ang karanasan ay ang kalaman ng isang tao
na nakukuha sa mga bagay na kaniyang
ginagawa o napapanood sa mga taong
gumagawa ng isang bagay.
Iugnay ang kahalagahan ng edukasyon s
aiyo batay sa iyong sariling karananasan.
Gamitin ang organizer sa ibaba.
Basahin ang maikling kwento. Sagutin ang
tanong sa ibaba. Punan ang graphic organizer.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Oras ng rises. Ang magkakaklaseng sina Jomar,
Lenlen, Dave at Sharon ay nagkukuwentuhan ng
kanilang gagawin sa nalalapit na field trip. Nakikinig
lamang siya sa usapan ng kanyang mga kaklase dahil
hindi siya makakasama. Nawalan kasi ng trabaho ang
kanyang ama.
Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa
maikling kuwento?
Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Ipaliwanag ang gagawin
mo batay sa iyong sariling
karanasan.
Unang araw ng pasok sa eskwela. Tinanghali ng
gising si Pepe, kaya’t nagmamadali siyang
bumangon at nagbihis. Patakbo siyang pumasok. Sa
halip na sa linyang dilaw (guhit tawiran) siya
tumawid, dumaan siya sa “short cut” upang
makarating kaagad siya sa paaralan. Hindi siya
lumingon magkabila sa kanyang pagtawid.
Huli na niyang namalayan na may
paparating na traysikel.

Sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Isulat mo ang sagot sa
kuwaderno.
1. Sino ang tauhan sa maikling kuwento?
2. Saan siya tumawid?
3. Ano kaya ang posibleng nangyari sa kanya?
4. Kung ikaw si Pepe, ganun din ba ang gagawin
mo? Ipaliwanag.
5. Mayroon ka bang karanasan katulad ng kay
Pepe? Ikuwento mo nga ito sa pamamagitan ng
pagguhit. Iguhit sa isang malinis na “coupon bond”
Pumili ng isang sitwasyon batay sa nakatalang
pangyayari. Sumulat ng isang talata na binubuo
ng apat (4) hanggang limang (5) pangungusap
tungkol sa iyong naging karanasan.

Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng talata.


Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Naligo ka sa ulan.
2. Pumasa ka sa isang pagsusulit.
3. Nanalo kayo sa basketball.
4.Nagwagi ka sa Pampurok na Paligsahan sa
Pamamahayag
5. Nagtanghal kayo sa palatuntunan.
6. Nagpunta kayo sa amusement park
7. Pista sa inyong barangay.
Tandaan
Basahin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa bawat
sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Naglalaro ka nang biglang sabay kang tinawag ng ate at kuya


mo upang utusan.
a. Hahayaan ko silang tumawag nang tumawag.
b. Lalapit ako sa kanila at susundin ko ang utos muna ng aking
ate.
c. Susundin ko ang inuutos nila pero kakausapin ko sila nang
maayos kung sino ang uunahin ko sa kanila.
d. Lalapit ako sa nanay at magsusumbong.
2. Galing kayo ng nanay sa isang mall. May batang
ang umakyat sa sinasakyan ninyong dyip. Pinunasan
niya ang iyong sapatos at nanghingi ng barya.

a. Hindi ko siya papansinin.


b. Kakausapin ko ang aking nanay.
c. Sasabihin ko sa nanay na bumaba na kami.
d. Bibigyan ko na lamang siya ng pagkain.
3.Maggagabi na. Inabutan ka ng malakas na ulan. Wala kang
dalang payong. Nakita mo ang iyong kapitbahay na may
dalang payong.

a. Magsasabi kung puwede makisabay dahil wala kang


dalang payong.
b. Ako ay Iiyak nang malakas.
c. Ipatatawag ko na lamang ang aking tatay o nanay para ako
ay sunduin.
d. Hihintayin kong tumigil ang ulan.
4. Umalis ang iyong nanay. Pinagbilin sayo na painumin mo ng
gamot ay iyong kapatid na may sakit. Nakalimutan mo itong
painumin sa takdang oras. Tinanong ka ng nanay kung nagawa
moa ng kanyang ipinagbilin.

a. Sasabihin ko na pinainom ko ng gamot ang aking kapatid para


hindi ako mapagalitan.
b. Hihingi ng paumanhin at sasabihin ang totoo.
c. Uunahan ko ng pag-iyak para hindi mapagalitan.
d. Hindi ko papansinin ang aking nanay.
5. Nakasakay ka na sa serbis mong traysikel. Nang
magbabayad ka na, wala ang iyong pera.

a. Bababa agad at tatakbo nang mabils.


b. Sasabihin sa drayber na kung maaari ay pag-uwi
mo ng bahay ibibigay ang bayad.
c. Sasabihin sa drayber nang pagalit na wala kang
pera
d. Iiyak na lamang bigla.

You might also like