Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 141

Music 5

Unang Markahan, Unang Linggo

Pagkilala sa Nota at
Pahinga
Ipalakpak ang kumpas sa sumusunod na hulwaran.
Lagyan ng diin ang unang kumpas. Magsimula sa ikalawang
kumpas gaya nito:
1. Ano ang palakumpasan ng awit?
________________________________
2. Naipalakpak mo ba nang maayos ang
kumpas? _____________________________
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
makilala ang mga nota at pahinga
sa mga awiting aawitin o
mapakikinggan.
Sa musika, iba’t ibang uri ng notes at rests ang
bumubuo ng ritmo. Ang bawat nota at rest ay may
kaukulang halaga (value/duration) o bilang ng
kumpas. Ang notes ay nagpapahiwatig ng tunog
habang ang rests ay nagpapahiwatig ng
katahimikan.
Awitin ang Leron-Leron Sinta at pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong na nasa ibaba.
a) Anu-ano ang nota at rests na nakikita sa awitin?
b) Isulat ang pangalan ng mga nota at rests na
nakikita.
c) Iguhit ang mga nota at rests katumbas sa
pangalan nito.
Ang bawat nota at pahinga ay may kaukulang
halaga (value) o bilang ng kumpas.

Nakalarawan sa susunod na slide ang iba’t


ibang uri ng nota at katumbas na pahinga.
Nakasulat din ang bilang ng kumpas na
tinatanggap ng bawat isa.
Piliin mula sa Hanay B ang katumbas
na nota sa mga bilang ng kumpas na
nasa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Kilalanin ang mga nota at rests sa awiting “Bumalaka ay Buwan”.
Isulat ang iyong sagot sa sa sagutang papel.
Iguhit ang iba’t ibang nota at rests na nakapaloob sa awiting
Manang Biday sa sagutang papel.
Kilalanin ang mga nota and rests sa bawat
linya na nakikita sa awiting “Tiririt ng
Maya”. Ilagay ang sagot sa loob ng lobo
ayon sa linya ng nasabing awitin.
Anu-ano ang mga nota at rests?
1. Ang mga nota ay:
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________
2. Ang mga rests naman ay:
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________
Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang
konsepto.
1. Nagkakaroon ng maikli o mahabang tunog sa isang
awitin dahil sa uri ng mga nota na ginamit. May bahagi
ring ______________at ang ginagamit na simbolo nito ay
rests.
2. Ang bawat ______________ay may katumbas/katapat
na rest. Ang bilang ng kumpas na tinatanggap ng nota ay
siya ring bilang ng kumpas na tinatanggap ng kaugnay na
_______________.
Isulat sa sagutang papel ang wastong pangalan ng mga
sumusunod na nota at rests.
Iguhit ang mga simbolo ng nota at rests at ibigay ang halaga nito:
Art 5
Unang Markahan, Unang Linggo

Mga Selebrasyon
sa Pilipinas
Kilalanin ang mga selebrasyong makikita sa larawan.
Tayong mga Pilipino ay likas na masayahin.
Marami tayong mga selebrasyon at mga
ipinagdiriwang na mga gawaing pambayan. Ang
mga pagdiriwang na ito ay nagbubuklod sa mga
Pilipino. Sama-sama tayong nagsasaya,
nagbabatian at naghahanda upang
maisakatuparan ang mga pagdiriwang na ito.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang matalakay
ang mga selebrasyon o gawaing pambayan na
naimpluwensiyahan ng mga mananakop sa
Pilipinas.
Magbigay ng apat na selebrasyon o gawaing
pambayan sa iyong lugar.

Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga


pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang
pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at mga
pagdiriwang na panrelihiyon.
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong
kapuluan ay yaong napakahalaga sa
kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa
sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't
tinatawag itong pambansang pagdiriwang.
Karaniwang idinedeklarang pista
opisyal o walang pasok sa mga opisina
at paaralan ang mga pambasang
pagdiriwang.
Halina at sagutin ang Pinoy Text Twist. Buuin
ang jumbled letters upang mabuo ang
selebrasyon o gawaing pambayang
impluwensya ng mga mananakop na dumating
dito sa Pilipinas.
1. P K S A O
_________________________
2. Bagong
TONA
_________________________
3. Araw ng
KYANALA
_________________________
4. Araw ng mga
PTAAY
_________________________
5. Araw ng K N G A A G T I I N
_
Tayong mga mga Pilipino ay likas na masayahin.
Napagbubuklod-buklod tayo dahil sa mga
selebrasyon at iba’t ibang gawaing pambayan.
Sama-sama tayong nagsasaya, nagbabatian at
naghahanda upang maisakatuparan ang mga
pagdiriwang na ito. Ang mga sumusunod ay iilan
lamang sa mga selebrasyong taon-taon nating
ipinagdiriwang.
Araw ng Kalayaan
Isa sa mga pinakamahalagang araw sa ating
kasaysayan ang Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang
tuwing ika-12 ng Hunyo. Sa araw na ito nabibigyang
halaga ang ginawang kabayanihan ng ating mga
ninuno sa pagkamit ng ating alayaan mula sa
pananakop ng mga Espanyol.
Piyestang bayan
Piyestang Bayan Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng
piyesta. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ng
isang beses sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ng pagdiriwang na ito
ay ang misa at prusisyon. Dito nagkakaisa ang magkakaibigan at
magkakamag-anak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at masasayang
tugtugin ng mga musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman
ay nagsasalo- salo sa masaganang pagkain.
Pasko at Bagong
Taon
Masayang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang
Pasko at Bagong Taon. Sa panahong ito, bawat
pamilya ay sama- samang nagsisimba at nag-aalay
ng panalangin sa Dakilang Lumikha.
Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging
likas na mapagbigay ng mga Pilipino.
Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang mga
larawang nasa ibaba. Kilalanin kung anong
selebrasyon ang makikita sa larawan at sumulat
ng sanaysay tungkol sa iyong naging karanasan
sa pagdiriwang na ito. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
Panuto: Gumuhit ng isang likhang sining
tungkol sa selebrasyon o gawaing pambayan
na iyong nasaksihan. Pagkatapos ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong. Idrawing sa
isang Bondpaper.
Anong selebrasyon ang iyong ginuhit?
________________________________________________
________________________________________________

Bakit ito ang iyong napili?


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
Panuto: Isalaysay kung paano mo
maipagmamalaki ang ginawang likhang
sining. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.
Pumili ng isang selebrasyong iyong
naranasan at isulat kung paano mo ito
maipagmamalaki. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang natutunan ko sa araling ito ay


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ang napagtanto ko sa araling ito ay
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Panuto: Pumili ng isang selebrasyon o gawaing
pambayan mula sa mga nakatala sa ibabang bahagi.
Bumuo ng sanaysay tungkol sa iyong naging
karanasan nang ipagdiwang ang selebrasyong ito.
Gawin ito sa iyong kwaderno. (Sa pagbibigay ng
puntos, sumangguni sa Rubriks na makikita sa
Tayahin.) a. Araw ng Kalayaan b. Piyesta ng Bayan c.
Pasko d. Bagong Taon
P.E. 5
Unang Markahan, Unang Linggo

Ikaw at ang Iyong Kakayahang


Pangkatawan at Mga Kasanayang
Dapat Linangin
Lagyan ng 😊 kung ang mga gawain na
nakasaad ay ginagawa mo ng isang (1) beses
sa isang linggo, 2-3 beses sa isang linggo, 4-6
beses sa isang linggo, o araw-araw.
1.Lahat ba ng mga gawain na nakasulat sa tsart ay
ginagawa mo?
2.Alin ang madaling gawin? At bakit? Ipaliwanag.
3.Alin ang mahirap gawin? At bakit? Ipaliwanag.
4.Sa iyong palagay, ano-ano sa mga gawain ang
makakatulong sa paghubog ng iyong pisikal na
kalusugan? At bakit? Ipaliwanag.
Ngayong araw ikaw ay inaasahang matutuhan
ang paghubog ng iyong pisikal na kalusugan at
kakayahangpangkatawan upang ikaw ay mas
makapag-isip ng wasto, mas magaan ang
pakiramdam, at mas higit ang tiwala sa sarili.
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang
ibig sabihin nito ?
May mga bagay na kailangan mong gawin upang makamit
ang kakayahang pangkatawan o physical fitness. Ang ilan
dito ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga,
pagkain ng mga masusustansyang pagkain, at pagsali sa
mga gawaing pisikal. Ngunit, anong uri ng pisikal na gawain
ang dapat mong salihan?
Gaano ito kadalas at gaano ito dapat katagal?

Ayon sa World Health Organization (WHO) parami nang parami ang mga
kabataang nagkakasakit bunga ng kakulangan nila sa pisikal na gawain.
Upang masugpo ang paglaganap ng mga karamdaman, binuo ang
Philippine Physical Activity Pyramid upang maging gabay ng bawat
Pilipino sa pagkamit ng kakayahang pangkatawan.
Ang Physical Activity Pyramid Guide ay isang gabay sa
mga uri ng laro, ehersisyo, at iba pang mga pisikal na
gawain upang makamit ang kakayahang pangkatawan.
Ang pyramid na ito ay nahahati sa apat na antas. Ang mga
nasa pinakamataas nitong bahagi ay mga gawain na dapat
iniiwasan o dapat ay madalang mong gawin.
Samantalang ang mga bandang nasa gitna ay
mga aktibidad na dapat mas madalas mong
ginagawa. Ang mga nasa pinakaibaba naman
ay dapat mong ginagawa sa loob ng 30
minuto o higit pa araw-araw.
Ang pagsunod sa nirerekomenda ng Philippine
Physical Activity Pyramid kasabay ng
masustansyang pagkain, at sapat na pahinga ay
mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng
kakayahang pangkatawan.
Gawin ang mga sumusunod na gawain:
1. Ano ang layunin ng Philippine Physical
Activity Pyramid?
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
2. Gumuhit ng sariling Philippine Physical Activity Pyramid. (Iguhit
sa notebook)
a. Gumuhit ng tatsulok.
b. Hatiin ito kung ilang bahagi nahahati ang Philippine Physical
Activity Pyramid.
c. Isulat kung saan makikita sa pyramid ang araw-araw, 2-3 beses,
4-6 beses at 1 beses.
d. Kulayan ng berde ang parte kung saan makikita ang araw-araw
e. Gumuhit naman ng bisikleta sa parte kung saan
makikita ang 4-6 na beses
f. Isulat ang salitang curl-up at push-up sa parte ng
pyamid kung saan makikita ang 2-3 na beses.
g. Kulayan ng asul ang parte kung saan makikita ang
1 beses.
3. Ano ang magandang naidudulot ng
pagsunod sa Philippine Physical Activity
Pyramid sa ating pisikal na kalusugan?
Ang physical fitness o kakayahang pangkatawan ay ang
kakayahan ng isang tao na magampanan ang pang-araw-
araw na gawain na hindi kaagad napapagod at may natititra
pang lakas para sa iba pang gawain. Ito ay binubuo ng
dalawang sangkap.
Pag-aralan ang nasa tsart.
May limang health-related na mga sangkap. Ito ay ang
cardiovascular endurance, muscular endurance,
muscular strength, flexibility at body composition.
May mga gawain na mainam na nagpapakita ng mga
ng mga sangkap na ito at nalilinang ito sa
pamamagitan ng iba’t-ibang pagsubok.
Ang skill-related na mga sangkap naman ay
kinabibilangan ng agility, balance, coordination,
power, reaction time, at speed. Katulad ng health-
related na sangkap, mayroon ding mga gawain na
mainam na nagpapakita ng mga ito.
Tandaan na ang mga lahat ng sangkap ay mahalaga sa
pangkalahatang kalusugan ng iyong pang-araw-araw na
mga gawain. Malaki ang naiaambag sa pagpapaunlad ng
mga sangkap na ito. Mas mainam na madalas ang paggawa
ng mga gawaing naayon sa Physical Activity Pyramid Guide
para sa batang tulad mo para mas maging maganda ang
estado ng iyong physical fitness.
Tukuyin kung ito ay Skill-Related Fitness o Health-Related Fitness.
__________1. Cardiovascular Endurance
__________2. Muscular Strength
__________3. Muscular endurance
__________4. Flexibility
__________5. Body Composition
__________6. Bilis
__________7. Alerto
__________8. Liksi
__________9. Blanase
_________10. Koordinasyon
_________11. Lakas
Lagyan ng marking trayangulo ang mga sangkap ng
Physical Fitness sa talaan/table batay sa mga gawain.
Isagawa ang mga pagsubok para sa iba’t-ibang
sangkap na may kinalaman sa kasanayan. Itala ang
mga resulta ng mga pagsubok sa score card.Sagutan
muna ang mga katanungan tungkol sa iyong sarili
bago gawin ang mga Pagsubok.
Kung sumagot ka ng oo sa alinman sa mga
katanungang ito ay makipag-usap sa iyong doktor
bago makilahok sa physical fitness test. Kung
sumagot ka naman ng hindi sa mga katanungan
ay maari kang makilahok sa physical fitness test.
Punan ang patlang:
Punan ang mga patlang ng wastong sagot
upang mabuo ang diwa ng pangungusap o
talata. Pumili ng sagot sa kahon.
1. Ang ______________ ay isang gabay sa mga
uri ng laro, ehersisyo at ibang mga gawain
upang makamit ang kakayahang pangkatawan.
2. Ang Philippine Activity Pyramid guide ay
nahahati sa _____ parte.
3. Ang mga ehersisyo tulad ng pagtumbling at
stretching ay kailangang gawin _______ beses sa
isang linggo.
4. Nasa _____ na parte ng pyramid ang araw-
araw at ito ay nakabubuting gawin parati.
5. Ang pagsunod sa nirerekomenda ng Philippine Physical
Activity Pyramid kasabay ng ____________ at sapat na
pahinga ay mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng
kakayahang pangkatawan.
6. Ang pagtulong sa gawaing bahay ay dapat ginagawa ng
________ ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid.
Lagyan ng star kung ang mga gawain na nakasaad
ay ginagawa mo ng isang (1) beses sa isang linggo,
2-3 beses sa isang linggo, 4-6 beses sa isang
linggo, o araw-araw.
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ang
patlang kung ang nakasaad dito ay nagpapakita ng
pagsunod sa Philippine Physical Activity Pyramid
Guide at ekis naman kung hindi.

______ 1. Ang pag-upo at pag-higa nang matagal ay


dapat ginagawa araw-araw sa isang linggo.
______ 2. Dalawa hanggang tatlong (2-3) beses
lamang tayo dapat maglinis ng bahay sa isang linggo.
______ 3. Maaring magbasketball at volleyball ng apat
hanggang anim (4-6) na beses sa isang linggo.
______ 4. Maaring gawin ang pagtakbo isang (1) beses
lamang sa isang linggo
______ 5. Dapat ay araw-araw tayong maglaro ng computer
sa loob ng isang linggo.
Tukuyin kung anong salita amg nagpapahayag mga
sumusunod na pangungusap o talata. Pumili ng salita sa
loob ng kahon. Kumpletuhin ang mga pangungusap. Pumili
ng sagot sa kahon.
_______________1. Sa kasanayang ito pinagsama ang lakas at ang
bilis. Ito ay ipinakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang
gawain nang may bilis at puwersa.
_______________2. Ito ay kakayahan ng iba’t-ibang bahagi ng
katawan na makagalaw nang sabay-sabay upang maisagawa nang
wasto at maayos ang mga gawain.
_______________3. Ito ay makatutulong upang mapanatili ang
iyong timbang kung may ginagawa o wala man.
_______________4. Ito ay ang kakayahan na
makapagpalit ng direksyon habang gumagalaw nang
mabilis.
_______________5. Ito ay ang kakayahan na
makatugon o makapagbigay ng reaksyon nang mabilis
at angkop sa isang sitwasyon.
_______________6. Ito ay ang kakayahang makapunta
at makabaliksa isang lugar.
Health 5
Unang Markahan, Unang Linggo

Aspekto ng Kalusugan
Isulat ang salitang Tama kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap, Mali naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang pag-iwas sa problema ay isang indikasyon


sa pagkakaroon nang hindi maayos na mental na
kalusugan.
2. Ang kalusugan ng isang tao ay
sumasaklaw sa pisikal na aspeto lamang.
3. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan
ay tanda ng malusog na sosyal na aspeto
ng kalusugan.
4. Malaki ang maitutulong ng sariling pamilya
upang mapaunlad ang kalusugan ng tao.
5. Ang pagsali sa iba’t- ibang gawain ng
komunidad ay palatandaan ng malusog na
pangangatawan.
6. Ang paghinga nang malalim at meditasyon ay mga
gawaing pisikal na makatutulong sa pagbawas ng
matinding pagod.
7. Ang stress o pagkapagod ay nakaaapekto sa
pangkalahatang kalusugan ng tao.
8. Ang positibong pananaw sa buhay ay makatutulong
upang mapaunlad angmental na kalusugan ng tao.
9. Ang mental at emosyonal na kalusugan ay may
kaugnayan sa sosyal na kalusugan ng tao.
10. Ang pagmamaktol at pagdadabog ng isang bata sa
ikalimang baitang kung hindi nakukuha ang gusto ay
palatandaan ng pagiging malusog.
Ang ating kalusugan ay napakahalaga dahil ito ay
nakaaapekto sa ating pang-araw-araw na gawain sa
ating buhay. Ang mabuting kalusugan ay hindi
lamang tumutukoy sa magandang pisikal na
pangangatawan.
Ito ay kung paano natin nararamdaman ang ating sarili,
magpahayag ng saloobin at makisama sa ibang tao.Sa
madaling salita, ang ating pisikal, mental, emosyonal, at
sosyal na kalakasan ay mga dahilan na maaaring
makaapekto sa pangkabuuang kalusugan ng bawat tao.
Pansinin ang mga larawan sa ibaba.
1. Ano ang napapansin mo sa unang larawan? Ano kaya
ang kanyang ginagawa?
2. Bakit kaya masaya ang mga bata na nasa ikalawang
larawan?
3. Naranasan mo na ba ang nasa ikatlong larawan? Ano ang
ginawa mo?
Ano ang Kalusugang Mental,
Emosyonal at Sosyal?
Ito ay mga dimensyon o aspeto ng kalusugan ng
buhay ng tao. Kailangan ang mga ito upang
magkaroon ng malusog na pamumuhay.
Tinatawag ding mga kalusugang pansarili ang mga
kalusugang mental, emosyonal at sosyal.
Mayroong mga relasyon sa pagitan ng pisikal,
mental, emosyonal at sosyal na kalusugan at
ang asal o ugali ng tao o kung paano ang
bawat isa ay nagkakaroon ng malusog na
katauhan.
KALUSUGANG SOSYAL

Ang sosyal na kalusugan ay tumutukoy sa


kung paano sya nakikipag-ugnayan sa
kanyang pamilya . kamag-anak, kaibigan,
kaklase , kapwa o sa iba pang mga
indibidwal o grupo ng mga tao.
Tinutukoy rin dito kung paano ang isang tao
nagbibigay ng reaksyon o kung paano rumesponde
sa aspetong sosyal ng buhay. Ang sistema ng
pakikipaghalubilo at pakikipag-interaksyon ay isa sa
mahahalagang pinagtutuunan ng pansin nitong
nasabing kalusugan.
KALUSUGANG MENTAL o KALUSUGANG
PANGKAISIPAN
Kondisyon ito ng tao ayon sa sikolohikal
(psychological) o pangkaisipan niyang
katayuan. Nababatid kung ang isang tao ay
nakaiintindi sa kaniyang mga kakayahan at
nakakaangkop sa mga pangkaraniwang
kabalisaan sa pamumuhay.
Nagpapakita ito ng positibong kaisipan at aksyon sa
kabila ng mga problema na kanyang
nararanasan.Ang kalusugang pangkaisipan ay
larawan ng antas ng kapakanan na pangsikolohiya,
o ng kawalan ng diperensiya sa pag-unawa.
Ang kalusugang pangkaisipan ay maaari ring bigyan ng
kahulugan bilang isang pagpapahayag ng saloobin at
pagpapahiwatig ng matagumpay na pakikibagay o
pakikiisa. Hindi dapat binabalewala ang kalusugang
mental. Kalimitan itong hindi pinupuna ngunit
katumbas nito ang kalusugang pisikal.
Hindi man nakikita ang sakit na maaaring dumapo sa
utak ngunit parte pa rin ito ng ating katawan. Ang
sugat sa balat at depresyon ay parehas lamang na
sakit kaya’t dapat parehas itong tinutugunan at
ginagamot.
Ang pagbalewala sa kalusugang mental ay
nagdudulot ng pagbabalewala sa lahat ng aspeto ng
buhay gaya ng kalusugang emosyonal, kalusugang
sosyal, at maging pati sa kalusugang pisikal lalo’t
ang indibidwal na hindi malusog ang mentalidad ay
sinasaktan ang sarili.
KALUSUGANG EMOSYONAL
Ito naman ay kondisyon ng nilalang ayon sa kalagayan ng kanyang
mga saloobin, damdamin, at pakiramdam tungo sa iba't ibang
pang aspeto ng buhay. Ang emosyonal na kalusugan ay siyang
larawan ng katauhan sa pamamagitan ng antas kung saan sa
palagay ng isang nilalang ay ang damdamin niya ay ligtas sa pang-
araw-araw niyang buhay.
Kung kaya’t ang isang malusog na taong may
damdamin ay may mas malusog na
pangangatawan, may bukas na isip, at may puso.
Ang malusog na emosyonal na katayuan ay may
pagpapahalaga sa sarili at maging may
pagpapahalaga sa lahat ng buhay.
Kaya’t upang maging malusog o maayos ang saloobin
at damdamin, dapat ay nagagawang ipahayag ang
mga ito, nakagagawa ng paraan para iugnay sa iba at
maramdaman niyang siya’y malayang
makapagpahayag kahit pa sa mililiit na mga paraan.
Mga Katangian ng Isang Indibidwal na may Kalusugang
Mental, Emosyonal at Sosyal
o Masayahin
o Nakapaglilibang
o May tiwala sa sarili
o Diyeta at ehersisyo
o Pakikiisa sa komunidad
o May pananalig sa Diyos
o Pagpapahalaga sa sarili
o Nakikisalamuha sa kapwa
o May maayos na pananalapi
o Pagpapahayag ng damdamin
o May pagpapahalaga sa trabaho
o May positibong pananaw sa buhay
o May positibong pagtanggap sa puna ng kapwa
o Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon
o May magandang relasyon sa pamilya, kaibigan
at mga kasamahan sa trabaho
Panuto: Basahin ang liham ni
Donna at sagutan sa iyong journal
notebook ang mga tanong tungkol
dito.
Mga Tanong:

1. Sino ang sumulat ng liham?


2. Bakit sumulat si Donna sa kanyang guro?
3. Ano ang nararanasan ni Donna sa kanyang
kaklaseng si Donato?
4. Paano mo ilalarawan si Donna? si Donato?
5. Kung ang pag-uusapan ay kalusugang mental, emosyonal
at sosyal , ano ang masasabi mo kay Donna? kay Donato?
6. Kung ikaw si Donna, susulat ka rin ba sa iyong guro?
Bakit?
7. Kung ikaw ay kaibigan o kaklase ni Donna, paano mo siya
tutulungan?
8. Mula sa kwentong iyong binasa, ilarawan kung sino o alin
ang sitwasyon na nagpapakita o may kinalaman sa
kalusugang mental,emosyonal at sosyal.
Ilarawan ang taong may
kalusugang mental, emosyonal at
sosyal. Ano-ano ang mga
katangian nito. Punan ang tsart.
Mahalaga na kilala mo ang mga taong malapit sa iyo,
lalo na ang mga magulang at kapatid at mga taong
kasama mo sa buhay o mga kaibigan Isulat ang
kanilang pangalan at ilagay ang kanilang katangian .
Punan ang talahanayan .
Alamin kung anong Kalusugan ang tinutukoy sa bawat
bilang.
Hal. Palakaibigan – Kalusugang sosyal
1. Si Annie ay hindi nahuhulit at lumiliban sa kanyang
trabaho.
2. Palaging nagdarasal si Aries kaya mabilis niyang
nabibigyang solusyon ang kanyang mga suliranin.
3. Si Adonis ay kabadong umakyat sa entablado pero
nilakasan niya ang kanyang loob upang makapagbigay aliw
sa mga tao sa pamamagitan ng pag-awit.
4. Hindi padalos-dalos sa paggawa ng desisyon ang kapatid
mong si Rosa.
5. Si Jerald ay mabilis mapikon sa kanyang mga kaibigan
tuwing siya ay tinutukso.
6. Si Diana ay nakikinig sa komento ng iba at
ginagamit niya iyong paraan upang mas mapaunlad
ang kanyang sarili.
7. Ang pamilya ni Ronnie ay hindi nawawalan ng pag-
asa sa buhay kahit sila ay kinakapos sa maraming
bagay.
8. Mabilis panghinaan ng loob si Ryan tuwing
siya ay mayroong problema.
9. Hindi palakaibigan ang kapitbahay na si Ben.
10. Magaling makisama sa ibang tao ang
panganay mong kapatid.
Punan ng tamang salita ang bawat patlang
upang mabuo ang mga pangungusap.

● Ang kalusugang mental ay __________ ng


isang tao na makapagpasaya sa buhay,
kakayahang __________ at ____________
ang mga __________ at hamon ng pang-
araw-araw na buhay.
● Ang Kalusugang ____________ ay tumutukoy sa kabuuang
___________ na pagkatao na kung saan makikita ang
___________ ng mga ____________ at _____________ na
kontrolin o ______________ ang nararamdaman.
● Ang kalusugang ____________ ay ang kakayahang
______________ at _____________ sa iba’t ibang uri at
_________ ng tao.
Isulat ang KM kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng Kalusugang Mental, KE kung Kalusugang
Emosyonal at KS kung Kalusugang Sosyal.

1. Ang bawat pagsubok ay iniisip na kakayanin


at malalagpasan.
2. Maraming kaibigan at nananatiling totoo sa
kanila.
3. Kayang kontrolin ang emosyon sa lahat ng
pagkakataon.
4. Paninimbang ng mga bagay bagay bago gumawa ng
desisyon
5. Maayos na pakikipag ugnayan o pakikihalubilo sa
ibang tao.
6. Pagpapahayag ng saloobin sa
mahinahong paraan.
7. Marunong magpahalaga ng buhay ng iba.
8. Nakikinig sa taong may problema at nakagagawa ng
wastong payo.
9. Pagkontrol sa emosyon na maaaring magdulot ng
hindi magandang resulta.
10. Pagiging masayahin sa kabila ng problemang
hinaharap.

You might also like