cot4-paghahambing

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Paghahambing

(Saknong 98-107)
 BALIK-ARAL:
 Ano ang tatlong halimbawa ng tayutay na inyong
naging modular na gawain?
1.Pagtutulad o Simili
2.Pagpapalit-tawag
3.Apostrope
 Panuto: buuin ang magulong salita upang maibigay ang iba pang
tawag sa isang ama.
1. YATAT
2. TAYI
3. HETFAR
4. YDDDA
5. NGATAT
6. AAPP
7. ADD
Panuto: sa saliw ng awiting-bayan na mula sa Ilokos, paiikutin ng mga
mag-aaral ang maliit na kahon na naglalaman ng mga katanungan
kaugnay sa kanilang ama
Mga Tanong:

1. Ano ang tawag mo sa iyong ama?


2. Ilarawan mo ang hitsura ng iyong ama.
3. Ano ang pinakagusto mong katangian ng iyong ama?
4. Anong pangarap ng iyong ama para s aiyo?
5. Napagalitan ka na ba ng iyong ama? Bakit? Ano ang iyong
naramdaman?
Palakpak ng mga taga Batangas

 123-123, ala eh kagaling!


 Mga katanungan bago simulan ang aralin:

1. Naranasan mo na bang ikumpara sa iba? O di kaya


ihambing sa kapamilya?
2. Ano naman ang naramdaman mo?
 Payo: Huwag mong dibdibin. Sa halip gamitin mo itong
inspirasyon upang pagbutihin ang sarili at makamit ang
mga pangarap sa buhay. At huwag kalimutan na nariyan
ang ating Panginoon. Tayo ay kaniynag pakikinggan
anoman ang ating idaing at ipanalangin sa kaniya.
 Pagtalakay sa aralin:
Ang paghahambing- isang paraan ng paglilinaw o pagbibigay-
kahulugan sa mga bagay o konsepto sa pamamagitan ng pagtutukoy
sa kanilang mga pagkakaiba at pagkakatulad. Ito ay isang uri ng
pananalita o pagsusuri na ginagamit upang ihambing o itakda ang
mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang o higit pang mga
bagay, tao, lugar, o konsepto. Ito ay isang mahalagang bahagi ng wika
na nagbibigay-daang paraan para sa mas malalim na pag-unawa sa
mga bagay.
 Paghahambing ng Pagkakatulad (Simili) – Sa paggamit ng
paghahambing na ito, ginagamit ang mga salitang “parang,”
“tulad,” o “kamukha ng” upang ihambing ang dalawang bagay
na may mga pagkakatulad.
 Halimbawa:

1. “Ang pag-ibig ay parang isang bulaklak na laging


namumukadkad.”

2. “Ang pagkakaibigan ay tulad ng isang puno, nagbibigay ito ng


lilim sa init ng araw.”
 Paghahambing ng Pagkakaiba (Kontrast) – Sa uri ng
paghahambing na ito, ipinapakita ang mga pagkakaiba ng
dalawang bagay.

1. “Ang kanyang katawan ay malusog, ngunit ang kanyang isipan


ay mahina.”
2. “Magkaiba ang takbo ng dalawang sasakyan: mabilis ang isa,
ngunit mabagal ang isa.”
TALASALITAAN:
 Pangkatang Pag-awit: aawitin ang bawat
saknong sa iba’t ibang himig ayon sa
itinakda ng guro.
Pangkat I- Leron Leron Sinta.
Pangkat II- Bahay Kubo
Pangkat III- Paruparong bukid
 Paghahambing sa Dalawang Ama

 98 Sandaling tumigil itong nananangis


binigyang panahong luha'y tumagistis
niyong naaawang Morong nakikinig
sa habag ay halos magputok ang dibdib.

 99 Tinutop ang puso at saka nagsaysay,


Kailan, aniya, luha ko'y bubukal
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?
 100 Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik.

 101 Kung ang walang patid na ibinabaha


ng mga mata ko'y sa hinayang mula
sa mga palayaw ni ama't aruga
malaking palad ko't matamis na luha.
 102 Ngunit ang nananahang maralitang tubig
sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig,
kay ama nga galing datapuwa't sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.

 103 Ang matatawag kong palayaw sa akin


ng ama ko'y itong ako'y paliluhin,
agawan ng sinta't panasa-nasaing
lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil.
 104 May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!

 105 Napahinto rito't narinig na muli


ang panambitan niyong natatali,
na ang wika'y Laurang aliw niring budhi,
paalam ang abang kandong ng pighati.
 106 Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng 'di mo esposong katipan;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan,
ng kasing nilimot at pinagliluhan.

 107 Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa akin,


mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
at kung mangyayari, hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita'y sisintahin.
Pagsusuri sa akda:

 Ilang saknong ang bahagi ng akdang Florante at


Laura na inyong binasa?
 Ilan ang taludtud?
 Ilang ang pantig?
Tanong:
 Paano inilarawan nina Florante at
Aladin ang kanilang ama?
 Pangkatang Gawain: Sa pamamagitan ng paghahambing,
ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin sa
tauhan ng Florante At Laura na Si Duke Briceo at Tauhan ng
Ibong Adarna na si Don Fernando
1. Dula-dulaan
2. Kasabihan. Ipaliwanag
3. Tableau
4. Tula
PAMANTAYAN

Pagkamalikhain 5

Husay ng pagpapaliwanag 3

May kooperasyon ang pangkat 2

kabuuan 10
Karagdagang katanungan:

1. Kung ikaw ay ihahambing sa iba, ano-anong salita ang nais


mong marinig? Bakit?

Mabait magaspang tamad masipag

matalino magalang
2. Bakit mahalaga sa buhay natin na tayo ay maihambing bilang
mabuting tao?
Palakpak ng mga Ilokano

 Maysa, duwa, tallo,maysa, duwa tallo,


anyan naglaingen?!
 Maikling pagsusulit.
 Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang
patlang upang mabuo ang diwa ng salawikain at kasabihan. Isulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pag-aasawa ay hindi biro, ______________, na iluluwa kong
mapaso.
 A. tulad ng kanin B. tulad ng sabaw
C. hindi tulad ng kanin D. hindi tulad ng sabaw
2. Ang batang matapat ay _____________ng lahat kaysa sa batang
mapagpaimbabaw.
 A. lalong kinaiinggitan B. lalong kinagagalitan
3. __________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa ginhawa
nagmula.
 A. Higit na umaani ng salat B. Higit na umaani ng tuwa
C. Higit na umaani ng lungkot D. Higit na umaani ng
pighati
4. __________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga taong
hindi umaayaw.
 A. Lalong mataas B. Higit na mataas
C. Di-gaanong mataas D. Di-gasinong mataas
5. Ang tunay na kaibigan ay___________ ang masasakit na katotohanan sa
iyong harapan at kayang sabihin sa iba ang magaganda mong katangian.
 A. lalong sasabihin B. mas kayang sabihin
C. kapwa kayang sabihin D. di-hamak na
 Kasagutan:
1. A
2. D
3. B
4. D
5. C

You might also like