Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Kay Selya

 Saknong 1-22
Panuto: hanapin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap.
1.Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangkaraang araw ng pag-
ibig.
2.Yaong Selyang laging pinanganganiban baka malimot sap ag-
iibigan.
3.Makaligtaan ko kayang di basahin nagdaang panahon ng suyuan
naming, kaniyang pagsintang ginugol sa akin.
4.Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ginagawa kong pang-aliw
sa dusa
5. Nagdaang panaho’y inaalala, sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
INILAAN BALIKAN NALULUNGKOT KAKAMTIN KINATATAKUTAN
Panuto: pansinin ang larawan sa ibaba, ano ang masasabi mo rito?
Pakinggan at sabayan ang awiting pinamgatang “Miss na Miss Kita”
Talasalitaan:

 Pagsaulan- balikan, alalahanin


 Mahahagilap- mahahanap
 Pinanganganiban- kinakatakutan
 Karalitaan- kahirapan
 Suyuan- pag-iibigan
 Hilahil- suliranin
 Namamanglaw- nalulungkot
Panoorin ang maikling bidyo ng mga saknong ng pagbabaliktanaw ni Balagtas kay “Selya”
 Dugtungang pagbasa ng saknong.1-22

 Kay Selya

Kung pagsaulan kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing.

Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


sa lansanga’t ngayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.
Liniligawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,


dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Parang naririnig ang lagi mong wika:
Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,
At sinasagot ko ng sabing may tuwa
Sa isa katao’ymarami ang handa.

Anupa nga’t walang di nasisiyasat


Ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas,
sa kagugunita, luha’y lalagaslas
sabay ang taghoy kong, “o nasawing palad”.
“Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Ang Suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
Ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

Bakit baga noong kami’y maghihiwalay


Ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain kay aking kamatayan
Sa puso ko Selya’ydi ka mapaparam.
Itong di matiis na pagdaralita
Nang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,
Nang siyang umakay na ako’y tumula
Awitin ang buhay ng isang naaba.

Selya’y talastas ko’t malabis na umid,


Mangmang ang Musa kot malumbay ang tinig,
Di kinabahagya kung hindi malait
Palaring dinggin mo ng tainga’t isip
Itong unang bukal ng bait kong tulad
Na inihahandog sa mahal mong yapak,
Tanggapin mo nawa kahit walang lasap
Nagbuhat sa puso ng lingcod na tapat.

Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop


Tubo ko’y dakila sa puhunang pagod,
Kung binabasa mo’y isa mang himutok
Ay alalahanin yaring naghahandog
Masasayang Ninfas, sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
Kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
Nang lubhang mapanglaw na Musa kong imbi

Ahon sa dalta’t pampang na nagligid,


Tonohan ng lira yaring abang awit,
Na nagsasalitang buhay ma’y mapatid
Tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo ang M.A.R.,
Sa berheng mag-ina’y ipamintakasi
Ang tapat mong lingcod na si F.B.
 Mababasa sa mga saknong ng araling ito ang pagbabaliktanaw ni
Balagtas kay “Selya”, ang babaeng minahal niya nang labis subalit
naging dahilan din ng pinakamalaki niyang kabiguan. Inaalala niya
rito ang matatamis na sandali ng kanilang pag-iibigan, subalit tulad
ng isang awit, ito ay nagwakas at ang tanging naiwan ay mapapait na
alaala ng bigong pag-ibig. Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni
Balagtas na mawala na rin sa mundo. Subalit ang kabiguang ito ay
siya ring nagbigay inspirasyon sa kanya upang malikha ang kaniyang
walang kamatayang obra maestra, ang Florante at Laura.
 Pagsusuri sa akda.

1.Ilarawan kung paano ginunita ng may-akda


ang masaya nilang lumipas ni Selya.
2.Patunayang labis ang pagmamahal ng may-
akda kay Selya. Pumili ng mga saknong na
magpapatunay dito.
3.Ibahagi ang iyong pinakamimithi sa buhay. Ano
ang iyong gagawin upang ito ay iyong makamit?
Pangkatang Gawain:
 Panuto: Pumili ng isang gawain mula sa mga nakatala sa ilalim ayon
sa iyong kakayanan.

I- Ihambing ang pag-iibigan ng mga magkasintahan noon at ngayon sa


tulong ng Venn Diagram.

Noon Ngayon

II- Awit tungkol sa pag-ibig


III- Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng wagas na pag-ibig
IV-Magbigay ng isang kasabihan tungkol sa pag-ibig. Ipaliwanag
 Maikling Pagsusulit
 Panuto: punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo
ang diwa ng awit. Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita.
hilahil dusa Selyang matamis pagsaulan

1. Kung _______________ kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
2. Yaong __________laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3. Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at______________?
4. Lumipas ang araw na lubhang ______________
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa __________
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Sagot:

 1. pagsaulan
 2. Selyang
 3. hilahil
 4. matamis
 5. dusa

You might also like