Ibatibang Uri Ng Liham Pangkaibigan 160215113436

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

IBA’T IBANG

URI NG LIHAM
PANGKAIBIGAN
LIHAM
PANGUNGUMUSTA
Lot11 Gold Street, San Jose
Dasmarinas, Cavite
Setyembre 21, 2015

Mahal kong kaibigan,

Kahit matagal na tayong hindi nagkikita, hindi pa rin


ako nakalilimot sa ating pagkakaibigan. Kumusta ka na ba?
Ako pala ay isa ng mangagamot, sana ay maging mabuti rin
ang iyong buhay.

Nagmamahal,
Arjane
LIHAM
PAGBABALITA
337 A. Bonifacio Ave. San
Jose Quezon City, Manila
January 17, 2010

Kaibigan kong Gemma,

Kumusta ka na? Tagal na nating hindi nagkikita. Minsan


pumarito ka sa amin at magsaya tayo gaya ng dati. Kulitan,
kwentuhan, at tambay ditto, tambay doon. May balita ako para
sa iyo, ako ay nakapasa sa board exam at magiging lawyer na.
Sana ikaw rin ay maabot mo na ang iyong mga pangarap.

Ang Iyong Kaibigan,


Tess
LIHAM
PAANYAYA
Poblacion, Bacon District
Sorsogon City
Marso 2, 2011

Mahal kong Tita Ana,

Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na


magaganap sa April 6, alas 8 ng umaga. Alam ko pong matutuwa
kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may
sertipiko at diplomang matatanggap. Inaasahan ko po ang
inyong pagdating.

Nagmamahal,
Fiona
LIHAM
PAGTANGGAP O
PAGTANGGI SA
PAANYAYA
56 A. Mabini St.
Malate, Manila
Oktubre 31,2009

Mahal kong Fiona,

Natanggap ko ang iyong liham paanyaya tungkol


sa iyong pagtatapos. Asahan mo ang aking pagdalo sa iyong
pagtatapos. Ako ay sobrang saya at ipinagmamalaki kita. Mas
galingan mo pa ang iyong pag-aaral.

Nagmamahal,
Tita Ana
LIHAM
PAGBATI
Poblacion, Bacon District
Sorsogon City
Marso 2, 2011

Mahal kong Ninang Fatima,

Happy Birthday Ninang! Sana masaya ka ngayong


kaarawan mo. Sa susunod ko na lang po kayo bibigyan ng regalo,
sa pagdalaw ko diyan. Sana ay maging masaya ang party ninyo.

Ang iyong inaanak,


Samantha
LIHAM
PASASALAMAT
1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992

Mahal kong Christine,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong


damit noong magtatapos ako sa elementarya. Ang sabi ng nanay
ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon.
Lalo raw akong nagmukhang dalagita. Hustong-husto iyon sa akin.
Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat sa akin. Talagang
tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Nagmamahal,

Vanessa
LIHAM
PAUMANHIN
Block 8 Bermuda St.
Las Piñas City
Setyembre 7, 2014

Mahal kong kaibigan,

Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nakapunta


sa iyong kaarawan noong isang linggo. Muli, paumanhin sa iyo.

Ang iyong kaibigan,


Dennise
LIHAM
PAKIKIRAMAY
Z#8 Poblacion
Bula, Camarines Sur
Nobyembre 15,2012

Mahal kong kaibigan,

Ako ay nakikiramay sa pagkawala ng iyong tatay noong


nakaraang linggo. Pasensya na kung hindi ako nakapunta sa
burol ng iyong itay kahapon dahil marami akong inasikasong
trabaho sa bahay. Dagdagan pa sana ninyo ang inyong dasal
dahil alam ko na hindi pababayaan ng Diyos ang inyong pamilya.

Ang iyong kaibigan,


Mariz

You might also like