Maikling-Kuwento

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

KATANGIAN AT

ELEMENTO NG
MAIKLING
KUWENTO
MELC
Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat,
kwentong bayan at maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan, at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan, at mga aspetong pangkultura (F7PB-IIId-e-15),
(F7PB-IIId-e-16)
LAYUNIN
a. nasasagot ang mga tanong tungkol sa akdang napanood o
binasa,
b. napapahalagahan ang katangian at mga elemento ng mga
kuwentong bayan, at
c. nakagagawa ng kuwentong bayan gamit ang katangian at
mga elemento nito.
MAIKLING KUWENTO
Ayon kay Edgar Allan Poe ang
tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento,
ito ay isang akdang pampanitikang likha
ng guni-guni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari.
KATANGIAN NG MAIKLING
KUWENTO
Karaniwang natatapos basahin
sa isang upuan lamang.
Ito’y nagdudulot ng aliw at
karaniwang kapupulutan ng
mga aral sa buhay.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
TAUHAN
Ang nagbibigay-buhay sa maikling
kuwento. maaaring maging mabuti o
masama
DALAWANG URI NG TAUHAN

Tauhang Bilog (Nagbabago)


Tauhang Lapad (Hindi Nagbabago)
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Tagpuan
Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan
nangyayari ang maikling kuwento.
Maaaring ito ay sa panahon ng tag-ulan,
tag-init, umaga, tanghali, gabi, gabi, sa
lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Banghay
Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento.
Kasukdulan
Saglit na Kakalasan
Kasiglahan
Panimula Wakas
Limang Bahagi ng Banghay
1. Panimula
Dito ipinakilala ang mga tauhan gayundin
kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
2. Saglit na Kasiglaan
Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Limang Bahagi ng Banghay

3. Kasukdulan

ito ang pinakamataas at kapana-panabik na


pangyayari sa isang kuwento.
Dito nagaganap ang tunggalian ng
dalawang magkaibang pwersa.
Limang Bahagi ng Banghay
4. Kakalasan
ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang
naayos ang suliranin o problema at nagbibigay daan
sa wakas.
dito malalaman kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi
Limang Bahagi ng Banghay

5. Wakas
ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kuwento kung saan ang
kahihinatnan o resolusyon ng kuwento ay
maaaring masaya o malungkot.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Suliranin
ito ay tumutukoy sa problema na hahanapin ng
mga tauhan sa kuwento.
Tunggalian
ito ay maaring tao laban sa tao, tao laban sa
sarili, tao laban sa lipunan, o talo laban sa
kalikasan
Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Paksang Diwa

ito ay ang kaisipang iniikiran ng may


akda.
karaniwan itong isang pangungusap
lamang at ito ay direktang tumutukoy sa
paksang pinag- uusapan.
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. anong uri ng kuwentong bayan na may karakter na
diyos at diyosa?
2. anong uri ng kuwentong bayan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay?
3. anong uri ng kuwentong bayan ang karaniwang
natatapos sa iisang upuan lamang?
4. Ano-ano ang uri ng tatlong bayan?
5. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga katangian
at elemento ng kuwentong bayan?
LAGING TANDAAN!!!!
Mahalagang pag-aralan ang mga katangian at
mga elemento ng kuwentong bayan upang
masuri at maunawaan natin ang mga kuwentong
nagmula sa ating mga ninuno. Marami rin
tayong nakukuhang mabubuting asal sa bawat
kuwentong nababasa.
GAWAIN!!!
Gamitin natin ang ating mga imahinasyon, o
guni-guni.
Gumawa ng isang kuwentong bayan, maaari
itong mitolohiya, alamat, o maikling
kuwento.
Wag kalimutan ang mga elemento upang
makagawa ng magandang kuwento.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG
MAIKLING KUWENTO
20pts.
NAILALAHAD ANG MGA ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO

MAAYOS ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NA 20pts.


PANGYAYARI

MAAYOS ANG PAGKAKAGAWA AT NAILAGAY


ANG BUONG PANGALAN AT SECTION NG 10pts.
BAWAT MEMBRO
Maraming
Salamat

You might also like