Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 83

MTB 3

Linggo 3 – Araw 1
Elemento ng Kuwento
Balikan Natin

Panuto: Isulat PP kung ang


salita ay Pangngalang pamilang
at DP kung Di-Pamilang.
1.paminta
2. tubig
3. buhok
4. libro
5. monggo
6. upuan
7. lamesa
8. sapatos
9. gatas
10. kape
Isipin Natin
• Ano ang isang bagay sa tingin mo ang iyong
ikinahihiya?

• Sa tingin mo ba ay dapat itong ikahiya?

• Ngayon naman ay basahin natin ang maikling


kuwento.
Ang Pag-asa ni Sisa
Si Sisa ay ang panganay sa siyam na anak
nina Mang Siral at Aling Jessa. Nakatira sila
sa bukiring bahagi ng Barangay Limao na
siyang sinasaka ni Mang Siral. Ang kaniyang
ina ay isang maybahay at nag-aalaga sa
kanila. Mahirap ang kanilang pamumuhay
subalit masayang nagsusumikap ang
kanilang mga magulang upang matustusan
ang kanilang simpleng pangangailangan.
Ang Pag-asa ni Sisa

Isang hapon sa pag-uwi ni Sisa,


“Mano po Inay”. “Kaawaan ka
ng Diyos anak”, sagot ng Nanay.
Dali-daling nagbihis si Sisa at
pumunta sa kusina upang
magsaing.
Laking gulat niya nang buksan ang
bigasan, wala na pala itong laman.
“Nay! Nay, wala na po tayong lulutuin
ngayon,” sabi ni Sisa.
“Sisa, pumunta ka muna kina Aling
Sinta. Umutang ka ng isang kilong
bigas,” sagot ng nanay.
Habang siya ay naglalakad patungo sa
tindahan, nakita niya ang malaking
bahay ng kaniyang guro na si Bb.
Becca. “Wow! Napakaganda talaga ng
bahay ni Ma’am. Napakasarap
sigurong tumira sa malaking bahay,”
paghanga ni Sisa. “Balang araw,
magkakaroon din kami niyan.”
Pagdating niya sa tindahan, “Magandang hapon
po Aling Sinta. Mangungutang po ako ng isang
kilong bigas.”
“Aba! Sisa, mahaba-haba na ang inyong listahan
pero aasahan ko na kapag naibenta na ang kopra
ng iyong ama ngayong buwan ay babayaran ito,”
pabirong sagot ni Aling Sinta.
“Opo, Aling Sinta, maraming salamat!”, tugon ni
Sisa.
Habang naglalakad pauwi si Sisa ay bigla niyang
nakita ang kaniyang kamag-aral na si Ken.
Nahihiya siya sa bitbit niyang isang kilong bigas
kaya itinago niya ito sa ilalim ng kaniyang damit.
“Sisa, ano ba ‘yang tinatago mo?” tanong ni Ken.
“A, wala ito!”, sagot ni Sisa.
“Anong wala? E, unti- unting nalalaglag ang mga
butil ng bigas! Sayang naman”, sabi ni Ken. “Ang
bawat butil niyan ay panalangin ng Diyos.
Malungkot na umuwi si Sisa. “Ano ang
nangyari Sisa?” tanong ng Nanay.
Pautal-utal na sumagot si Sisa, “Nay,
may ginawa kasi akong hindi mabuti
kanina. Itinago ko ang bigas na dala ko
kasi nahihiya ako sa aking kaklase.”
Mahinahong sumagot si Aling Jessa,
“Anak, wala namang problema sa
pagdadala ng isang kilong bigas. Kahit
inutang pa natin ito, babayaran din
naman kapag may pera na tayo. Hindi
kailanman dapat ikinahihiya ang
kahirapan kung wala ka namang
inaapakang tao.”
Niyakap ni Sisa ang kanyang nanay, “Opo
Inay, patawad po. Mula ngayon hindi ko na
po ikahihiya ang ating kalagayan.
Ipinapangako ko po na magtatapos ako ng
aking pag-aaral. Balang araw, magiging guro
ako at magkapagtrabaho katulad ni Ma’am
Becca upang matutulongan ko kayo.”
Niyakap ni Aling Jessa ang anak. “Salamat at
naintindihan mo, anak. Kahit mahirap, ang
mahalaga ay masaya at nagmamahalan ang
buong pamilya.”
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan na nasa ibaba.

1.Sino ang pangunahing tauhan


sa kuwento?
2. Ano ang ipinabibili sa kanyan
ng kanyang ina?
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan na nasa ibaba.

3. Ano ang hinangaan niya sa


daan?
4. Bakit kaya niya itinago ang
kanyang dala-dala?
5. Ano ang aral na makukuha sa
kuwento?
Talakayin Natin

Bawat palabas, pelikula o mga


kuwento sa aklat ay may
tinatawag na elemento.
Ang kuwento ay may tatlong
elemento: tagpuan, tauhan, at
mga pangyayari.
TAGPUAN

Ang tagpuan ay nagsasaad kung


saan at kailan nangyari ang
kuwento.
TAUHAN

Ang tauhan ay ang mga tao na


gumaganap sa kuwento.
PANGYAYARI

Ang mga pangyayari naman ay


nagpapakita ng pagkasunod-sunod
ng bawat kaganapan sa kwento.
Alamin Natin

1. Bakit mahalagang malaman kung


paano hanapin ang detalye ng
isang kuwento?
2. Ano-ano ang mahalagang
elemento na dapat tandaan sa
isang kuwento?
PAGSASANAY

Panuto: Basahin at piliin ang


wastong sagot. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
_______1. Tumutukoy sa panauhan sa
kuwento.

A. tauhan
B. suliranin
C. tagpuan
D. pangyayari
_______2. Ito ay tumutukoy kung saan
naganap ang kuwento.
A. tauhan
B. suliranin
C. tagpuan
D. pangyayari
_______3. Ito ay tumutukoy sa
banghay sa kuwento.
A. tauhan
B. suliranin
C. tagpuan
D. pangyayari
_______4. Ito ay tumutukoy sa
problemang kinahaharap ng tauhan sa
kuwento.
A. tauhan
B. suliranin
C. tagpuan
D. pangyayari
_______5. Ano ang iba pang tawag sa
salitang salaysay?
A. kwento
B. suliranin
C. tagpuan
D. pangyayari
Pagtatapos

Ano-ano ang mahalagang


elemento na dapat tandaan
sa isang kuwento?
MTB 3

Linggo 3 – Araw 2
Elemento ng Kuwento
Balikan Natin
Tungkol saan ang
kuwentong binasa natin
noong nakaraang araw?

Ibigay ang mga element ng


kuwento na iyong
natatandaan.
Pangganyak
Ano-anong mga gawaing
bahay ang itinutulong mo
sa iyong magulang?

Bakit mahalaga na
tumulong sa iyong
magulang?
Talakayan
Makinig sa babasahing kuwento ng
inyong guro. Matapos nito ay sasagutin
ang ilang mga katanungan na kaugnay
dito.

Paggawa ng mga Gawain para kay


Nanay (Isinalin ni M. Dolot)
Subukan Natin

Panuto: Sagutin ang mga


katanungan na may kaugnayan sa
binasang kuwento.
1. Tungkol saan ang binasa mong
kuwento?
2. Sino ang nagkasakit?
3. Inalagaan ba ni Louie ang
kanyang nanay? Paano?
4. Masaya ba ang nanay ni Louise sa
kanyang ginagawa para dito?
5. Ano ang mga maaari mong gawin upang
maipakita moa ng pagmamahal mo sa
iyong magulang?
6. Kung ikaw si Louie gagawin mo rin ba
iyong ginawa niya kapag may sakit ang
iyong nanay?
7. Anong aral o mensahe ang nais na
ipakita sa kuwento.
Pangkatan Gawain
Panuto: Bawat grupo ay mayroong
story ladder. Tutukuyin ng mga mag-
aaral ang mga hinihingi base sa mga
natutuhang elemento ng maikling
kuwento.
Story Ladder

Tauhan _____________

Tagpuan _____________

Pangyayari _____________
Presentasyon ng klase
PAGSASANAY
Panuto: Isulat ang T kung tama ang
pahayag at M kung hindi.

1. 1.Nagiging abala ang mga elemento ng


kuwento sa pagkukuwento.
2. Sinasabi na ang tauhan ang nagsisilbing
banghay ng pangyayari.
PAGSASANAY
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at
M kung hindi.

3. Tagpuan ang nagsasabi kung saan at kailangan


nangyari ang kuwento.
4. Masyadong maligo ang mga elemento ng
maikling kuwento.
5. Nasa pangyayari ang mga suluranin ng mga
tauhan sa kuwento.
Takdang-Aralin
Sumipi ng kuwentong nabasa at ibigay ang
detalye nito sa pamamagitan ng story ladder.
MTB 3

Linggo 3 – Araw 3
Elemento ng Kuwento
Balikan Natin
Ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na
elemento ng kuwento.

1.Tauhan –
2. Tagpuan -
3. Pangyayari -
Ito ang eroplano patungo sa iyong
pangarap. Ano ang pangarap mo sa iyong
buhay?
Talakayan
Makinig sa babasahing kuwento ng
inyong guro. Matapos nito ay sasagutin
ang ilang mga katanungan na kaugnay
dito.

• Pangarap sa Barko (ni Lovely Joy M.


Ariate)
Pangkatang Gawain
Suriin ang kuwento batay sa hinihingi sa bawat
bilang.
Story Ladder
Tauhan

Ano ang katangian ng


Sino/Sino-sino ang tauhan?
tauhan

Ano ang ugali na mayroon


ang tauhan?
Story Ladder
Tagpuan

Kailan naganap ang Saan naganap ang


kuwento kuwento?

Paano mailalarwan ang


tagpuan?
Story Ladder
Pangyayari

Ano ang simula ng Ano ang suliranin o


kuwento problema sa kuwento

Paano nagwakas ang


kuwento
Presentasyon ng klase
Paglalahat

Ano-ano pa ang dapat mong


pag-aralan at gawin upang
lumawak ang iyong kaalaman sa
pagtala ng detalye sa kuwento?
Gawaing Pagsasanay
Paganahin ang imahenasyon. Subuking
makasulat ng sariling kuwento. Kung hindi
man matapos sa araw na ito, ay maaari
iuwi sa bahay ay magpatulong sa
magulang. Matapos nito ay tutukuyin nila
ang element ng kuwento sa kanilang
ginawa.
MTB 3

Linggo 3 – Araw 4
Tandang Pamilang sa Pangngalang Di-
Pamilang
Paglalahad ng Ginawa

Paglalahad ng kuwentong
ginawa. Tatawag ang guro ng
ilang mag-aarala ang
maaaring magbahagi.
Masdan Mo.
Masdan Mo
Pagmasdan ang larawan.
• Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
• Nasubukan mo na bang sumama sa iyong Inay
sa palengke?
• Ano-ano ang inyong mga pinamili?
• Paano ito binibilang ng mga tindera?
Talakayan
Makinig sa babasahing kuwento ng
inyong guro. Matapos nito ay sasagutin
ang ilang mga katanungan na kaugnay
dito.

• Sa Pamilihan (Araceli T. Cullamat)


Mga Tanong

1. Ilang kilong karneng manok ang


binili sa supermarket?
2. Ilang basket ang sari-saring
prutas at gulay?
3. Ano-ano ang sangkap ng puto
cheese at leche flan?
Basahing muli ang sagot sa mga tanong
tungkol sa kuwento.
∙ tatlong kilong karneng manok
∙ isang basket ng mga sari-saring prutas at
gulay
∙ isang kilong harina
∙ isang kahong keso
∙ isang dosenang itlog
∙ isang litrong mantika
∙ dalawang latang condensed milk.
Alam Mo Ba…

Alam mo ba kung ano ang tawag sa


mga salitang may salungguhit?
May mga bagay na hindi kayang
bilangin sa isang tingin lamang. Ito
ay tinatawag na mga tandang
pamilang sa mga pangngalang di-
mabibilang.
Talakayan
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari. May mga
pangngalang hindi mo mabilang at sila ay
ginagamitan ng mga tandang pamilang. Ito
ay mahalagang kataga upang magkakaroon
ng wastong bilang ang mga pangngalang di-
mabilang. Tuwirang nauunawaan at
naibibigay nito ang angkop na pamilang ng
dami ng mga bagay o pangngalan na
tinaguriang mass noun.
• Halimbawa ng mga tandang pangngalang
pamilang:
∙ isang basong
∙ dalawang kahong
∙ isang platong
∙ dalawang boteng
∙ isang tasang
∙ isang bag ng
∙ isang pirasong
• Halimbawa ng mga tandang
pangngalang pamilang:
∙ isang bandehadong
∙ isang kilong
∙ isang sakong
∙ limang basket ng
∙ apat na paketeng
Pagsasanay
• Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga
sumusunod na pangngalang ginagamit sa
pamilang.

• Isang kilo
• Apat na pakete
• Isang basong
• Dalawang bote
• Isang tasang
Paglalahat
• Gaano kahalaga ang paggamit ng
tandang pamilang sa mga
pangngalang di-mabilang?
• Ano ang pangngalang di-mabilang?
• Saan ginagamit ang tandang
pamilang? Bakit?
MTB 3

Linggo 3 – Araw 5
Lingguhang Pagsusulit

You might also like