FIL 127 POWERPOINT PRESENTATION

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

FIL 127

SOSYEDAD AT
LITERATURA/PANITIKANG
PANLIPUNAN (SOSLIT)

DR. ARNOLD R. CENTINO


PROPESOR
Deskripsyon ng Kurso
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-
aaral at paglikha ng panitikang Filipino
na nakatuon sa kabuluhang panlipunan
ng mga tekstong literari sa iba’t ibang
bahagi ng kasaysayan ng bansang
Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga
isyung panlipunan na tinalakay ng mga
akdang Filipino tulad ng kahirapan,
malawak na agwat ng mayayaman at
mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, pagsasamantala sa mga
manggagawa, karapatang pantao, isyung
pangkasarian, diaspora/migrasyon, at
iba pa.
Araw 1 : Pagbibigay-kahulugan sa Panitikang Panlipunan

Layunin:
•1. naipapaliwanag ang
kaugnayan ng panitikan at
lipunan; at
•2. nakasusulat ng sariling
kahulugan ng panitikan.
Ano ang Panitikan?
Ito ay malinaw na
salamin, larawan ,
repleksyon o
representasyon ng
buhay, karanasan at
kasaysayan.
• Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan,
damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao.
• Ito'y isang talaan ng buhay kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na
kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay
at mga buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan sa malikahaing pamamaraan.

• Layunin ng panitikan na maipakita ang realidad at


katotohanan at maglikha ng isa pang daigdig na taliwas
sa katotohanan.
Aralin 2: Pag-aaral sa Batayang Kaalaman sa Panunuring Panitikan

Mga Layunin
1. naipapaliwanag ang
kahulugan ng panunuring
pampanitikan; at
2. nabibigyang kahulugan
ang mga pagdulog ng
panunuring pampanitikan.
Ano ang Panunuring Pampanitikan?
• Ang panunuring pampanitikan ay
isang malalim na paghihimay sa mga
akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pang-unawa sa mga
malikhaing manunulat at katha.
Ang panunuring pampanitikan ay isang pag-aaral,
pagtalakay, pag-uuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay
may dalawang sangay: Pagdulog at Pananalig.
PAGDULOG PORMALISTIKO
LAYUNIN
• Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa
ang nais nitong ipaabot gamit ang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa
mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.
PAGSUSURI GAMIT ANG
PAGDULOG PORMALISTIKONG
Akda

Pagdulog
Pormalistiko

Paraan ng
Nialaman Kayarian Kaanyuan
Pagkakasulat
PAGDULOG MORALISTIKO
LAYUNIN
• Pagpapahalaga sa disiplina, moralidad, at kaayusang nararapat na nakasaad
sa akda at inaasahan ng madla.
• May aral na taglay ang teksto. Sa pananaw na moralistiko, ang akda ay
nagsisilbing batayan ng mga kaisipang magtuturo sa tamang pagpili at
pagbuo ng mga desisyon sa buhay ayon sa pamantayan ng itinakda ng
moralidad. Ang mga ideya ay tumutulong sa pagkilala sa mga bagay na
tinatanggap sa lipunan- kung ano ang tama at mali, ang mabuti at
masama.
PAGSUSURI GAMIT ANG PAGDULOG
MORALISTIKO

Disiplina

Ang mga

AKDA
Batayan
pangyayari
ng tamang
ay ayon sa
disisyon itinakda ng
sa buhay moralidad

Tama o
Mali,
Mabuti o
Masama
PAGDULOG SIKOLOHIKAL
LAYUNIN
Takbo o galaw ng isipan ng manunulat;
Antas ng kanyang pamumuhay,
paninindigan, paniniwala, at
pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o
kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at
kamalayan.
PAGSUSURI GAMIT ANG
PAGDULOG SIKOLOHIKAL
Kaisipan ng manunulat
Paninindigan
AKDA

Paniniwala
Pagpapahalaga
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL
LAYUNIN
Mahihinuha ang kalagayang panlipunan sa
panahong kinatha ang akda; Hindi ang akda
o teksto ang pinagtutuunang pansin kundi
ang konteksto nito. Nagbibigay diin sa
usapin tungkol sa sa kahalagahan at
pananagutang panlipunan.
PAGSUSURI GAMIT ANG
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL

Konteksto

Kahalagahan
Kalagayang at
Panlipunan Pananagutang
Panlipunan

AKDA
Aralin 3: Pag-aaral sa Batayang Kaalaman sa Panunuring Panitikan
(Part 2)

1. naipapaliwanag ang mga


simulain sa panunuring
panitikan; at
2. nabibigyang kahulugan
ang mga pananalig sa
panunuring panitikan.
PANANALIG ROMANTISISMO
LAYUNIN
Ang layunin ng teoryang ito ay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Mga Dapat Alamin sa Pagsusuri ng Akda
Gamit ang Pananalig Romantisismo

Pagpapahalaga
sa Damdamin at
Guniguni

Marubdob
na Pag-ibig
Pag-ibig
sa Tao sa Bayan

AKDA
Hindi
pinahahalagahan Pagpapahalaga
ang material na sa dignidad
bagay
Walang
pagpapahlaga
sa
karangyaan
PANANALIG REALISMO
LAYUNIN
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang
katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga
realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito
sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan
para sa mga naapi. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat.
Mga Dapat Alamin sa Pagsusuri ng
Akda Gamit ang Pananalig Realismo
Paraan ng
Paglalarawan ng
May-akda
Pinapahalagahan
ang Pagiging
Makatotohanan
Obhetibo ng
Awtor

AKDA
PANANALIG HUMANISMO
LAYUNIN
Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na ang tao ang sentro ng mundo;
binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento atbp. Sa panunuring
pampanitikan, ito ay kumikilala sa
kakayahan ng tao para mag-isip,
magpasya sa kanyang sariling
tadhana.
Mga Dapat Alamin sa Pagsusuri ng Akda
Gamit ang Teoryang Humanismo

AKDA

TAO

Kakayahang mag-
Kalakasan at
Talino at Talento isip sa kanyang
Kabutihan
tadhana
PANANALIG SIMBOLISMO O
ARKITAYPAL
PANANALIG EKSISTENSYALISMO
PANANALIG FEMINISMO

You might also like