ARALIN 4 (PAGSULAT NG TALUMPATI)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pagsulat sa Filipino

sa Piling Larang
(Akademik)
Inihanda ni:
Balik- Aral
Layunin:
Mapagtibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati
sa pamamagitan ng halimbawa.

Matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati.

Nakasusulat ng isang organisado, malikhain at kapani-


paniwalang talumpati.
MOCK NEWS
REPORT
Aralin 4:

Pagsulat ng
Talumpati
Ayon sa UP Diksyunaryong
Filipino, ang talumpati ay
“pormal na pahayag sa harap ng
publiko at pormal na pagtalakay
sa isang paksa para sa
tagapakinig”.
MGA URI NG TALUMPATI
Impormatibo- naglalahad ng mga kaalaman tungkol
sa isang partikular na paksa.

Nanghihikayat- layuning hikayatin ang mga


tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos
o kaya ay hikayatin na panigan ang opinyon o
paniniwala ng tagapagsalita.
Nang-aaliw- pagbibigay-pugay sa isang
mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento
ng nakatutuwang pangyayari.

Okasyonal- isinusulat at binibigkas para sa isang


partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan,
despedida at parangal.
Ayon sa kahandaan:

Impromptu- halos Extemporaneous-


nagmumukhang walang
walang paghahanda sa paghahanda, pinaghandaan
pagsulat at pagbigkas ito sa pamamagitan ng
ng talumpati. pagsulat ng speech plan
upang maging epektibo ang
pagbibigkas.
Mahahalagang Bagay na Kailangan sa
Mabisang Pagtatalumpati

Lubos na kaalaman sa paksa


Angkop at malawak na talasalitaan
Matatag na damdamin
Kasanayan
Lubos na kaalaman sa Paksa

-ang sinumang bibigkas ng talumpati ay


dapat na may sapat na kahandaan sa
paksang kanyang tatalakayin sa harap ng
madla.
Angkop at malawak na talasalitaan

-iangkop ang talasalitaang gagamitin


sa mga tagapakinig, kailangan ang
malawak na talasalitaan upang
malinaw at maayos na maiparating
ang layon ng talumpati.
Matatag na damdamin
-maayos at matatag ang pagtayo sa harapan ng madla ng
isang nagtatalumpati.

-ang kanyang pag-ukol ng paningin sa mga nakikinig ay buo


at may tamang lakas ng tinig, dapat din ang kaliksihan ng
pag-iisip lalo at wastong pagkaka-ugnay ng kanyang mga
pahayag.
Kasanayan
-natural lang ang kabahan sa simula ang
sinumang nagtatalumpati, ngunit kapag
pinaghandaan ng mananalumpati ang kanyang
paksa, unti-unting nawawala ang kaba
sapagkat alam na alam niya ang paksang
kaniyang nilalahad sa harap ng mga
tagapakinig.
Gabay sa Pagsulat ng
Talumpati

Paghahanda
Pag-unlad
 Kasukdulan
Pagbaba
Paghahanda
-mahalagang makuha agad sa unang pahayag sa
panimula ng talumpati ang atensyon o interes ng
mga tagapakinig. Kailangang maipadama sa
madla na sila ay kalahok sa paksang tatalakayin
kaya’t mahalagang makasama sila sa daloy ng
talumpati.
Pag-unlad
-panatilihin ang mataas na lebel ng
interes ng mga tagapakinig sa
pamamagitan ng pagkukuwento ng
paksang makakaugnay ang
nakakarami kung hindi man ang lahat.
Kasukdulan
-dito inilalahad ang
pinakamahalagang mensahe ng
talumpati na naglalaman ng
pinakamatinding emosyon.
Pagbaba
-ito ang wakas ng talumpati, sa
bahaging ito maaaring mag-iwan ng
isang tanong na pag-iisipan ng mga
tagapakinig, maaari ring mag-iwan
ng isang hamon sa desisyong nais
gawin.
Bilang estudyante, ano sa palagay
mo ang praktikal na kahalagahan sa
iyo ng pagtatalumpating
pampubliko?
Bakit mahalagang mahatak ang atensyon
ng nakikinig o nanonood ng talumpati?

Paano mapapanatili ang interes ng


tagapakinig?
INDIBIDWAL NA GAWAIN:

Panuto: Gamit ang isang bondpaper o anumang


digital editing apps, gumawa ng iyong sariling
talumpati. Pumili ng uring gagawin alinsunod sa
paksang, “Ang mga nakakahiyang sandali ay
nagpapalakas sa atin". Sundin ang mga hakbang at
pamantayang nasa ibaba sa pagbuo nito.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Layunin 15
Pagtatanghal 10
Bisa sa manonood 10
Organisasyon 15
Kabuuan 50
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like