Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Filipino 8

Arniza M. Blazo
Guro
Aralin 4

AKO AT ANG PAKIKIPAGLABAN NI


FLORANTE

ar
IBA’T IBANG
PAKIKIPAGLABAN
SA BAYAN
Sa Bayan
Hindi maitatatwang isang mahusay at magaling na mandirigma si Florante. Bata pa
lamang kasi siya ay kinahiligan na niya ang pamamasyal sa gubat at pangangaso na
rin. Dito nag-umpisang mahubog ang kanyang kasanayan sa pakikipaglaban.
Opisyal na haging mandirigma si Florante nang makatanggap siya ng sulat mula kay
Haring Linceo na pinapauwi siya sa Albania. Humingi ng tulong si Haring Linceo
dahil ang kaharian ng Krotona ay sinalakay ni Heneral Osmalik. Siya ang inatasan
ng hari na pamunuan ang hukbo sa pagsalakay. Napagtagumpayan ng hukbo nina
Florante ang labanan at natalo niya si Heneral Osmalik. Sa tulong ng matalik niyang
kaibigang si Menandro ay nabawi nilang muli ang Krotona. Tinagurian siyang
Tanggulan ng Syudad dahil sa sunod-sunod na panalo sa pakikidigma. Dahil dito,
labimpitong hari ang humanga at gumalang sa kanya.
Tanong:

1. Sino si Florante bilang mandirigma?


2. Sino ang heneral na sumalakay sa kaharian ng Krotona?
3. Paano nahubog ang kasanayan ni Florante sa
pakikipaglaban?
4. Ano ang nangyari sa kanilang pakikipaglaban?
5. Sino ang tumulong kay Florante upang matalo ang pangkat
ni heneral Osmalik?
SA PAMILYA
Sa Pamilya

Isang mabuti, masunurin at huwarang anak si Florante.


Pinalaki siyang may takot sa Diyos at iginagalang niya
ang kanyang mga magulang. Ang tanging
pakikipaglaban lamang niya ay ang noong walang-
awang pagpaslang sa kanyang amang si Duke Briseo.
Ito ay dahil sa matinding paghahangad sa kanilang
kayamanan.
Tanong:

1. Sino si Florante bilang anak?


2. Paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang?
3. Ano ang tanging naging pakikipaglaban ni Florante sa
kanyang pamilya?
SA KASINTAHAN
Sa Kasintahan
Nakarating sa kanya ang balitang ikakasal si Laura kay Adolfo at inakala
niyang ito ay totoo subalit ang hindi niya alam ay isa lamang itong
panlilinlang. Ikinulong siya at ipinatapon sa gubat. Sa loob ng gubat ay nasabi
niyang kahit anong pasakit ay kaya niyang harapin basta hindi lamang
makalilimot si Laura sa kanya. Higit siyang masasaktan kung malalaman
niyang pagtataksilan siya ni Laura. Si Laura lamang ang nagbibigay lakas sa
kanya. Nasambit niyang sa kabila ng kanyang paghihirap ay pasasalamatan
niya si Adolfo huwag lamang agawin si Laura sa kanya hanggang sa siya ay
hinimatay. Dito na nagpaalam si Florante sa kanyang mahal na si Laura sa
pag-aakalang pinagtaksilan siya.
Tanong:

1. Ano ang panlilinlang na ginawa ni Adolfo ky Florante?


2. Anong mga sakripisyo ang kayang gawin ni Florante
alang-alang kay Laura?
3. Ano ang naramdaman at sumagi sa isip ni Florante?
Tanong:

1. Sino si Florante? Anong klase siyang anak?


2. Ano ang tungkulin nya sa Albanya?
3. Bakit siya hinangaan at iginagalang ng mga hari?
4. Gaano niya kamahal si Laura? Ipaliwanag?
5. Batay sa mga pangyayari sa kwento, paano mo
ilalarawan si Florante?
TUNG
GALIA
ANG TUNGGALIAN AY TUMUTUKOY SA MADULANG TAGPO

N
SA ISANG KWENTO. DITO NAGIGING KAPANA- PANABIK
ANG DALOY NG KWENTO.

 TAO LABAN SA TAO

 TAO LABAN SA KALIKASAN

 TAO LABAN SA SARILI

 TAO LABAN SA LIPUNAN


ANG NAGBIBIGAY- LINAW SA PANGUNGUSAP

Sa anumang pagsulat ay mahalagang malinaw na


maipahatid ang imaheng nais ikintal sa isipan ng
mga mambabasa.
MGA URI NG PANG- ABAY AT INGKLITIK

Pang-abay na Pamanahon
Ito ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap at magaganap ang
kilos.

Mga Halimbawa:
Walong pelikula ang ipalalabas bukas sa mga sinehan

Dadalaw kami sa iyo mamayang gabi.


MGA URI NG PANG- ABAY AT INGKLITIK

Pang-abay na Panlunan
Ito ay nagsasabi kung saan naganap, nagaganap at magaganap ang
kilos.

Mga Halimbawa:

• Nakita ko sa likod ng aparador ang lihim na lagusan.


• Nakuha ko sa hardin ang magagandang bulaklak na ito.
MGA URI NG PANG- ABAY AT INGKLITIK

Pang-abay na Pamaraan
 Ito ay nagsasaad kung paano ginawa, ginagawa o gagawin ang
kilos.

Mga Halimbawa:

• Paluhod siyang naglakad papuntang altar ng simbahan.


• Ang bata ay patihayang natulog.
MGA URI NG PANG- ABAY AT INGKLITIK

Pang-abay na Pang-agam
 Ito ay nagpapahiwatig ng di- katiyakan sa pagganap ng kilos
ng pandiwa.

Mga Halimbawa:
• Marahil ay uuwi siya dahil nagkasakit ang kanyang ina.
• Baka aalis na kami.
MGA URI NG PANG- ABAY AT INGKLITIK

Pang-abay na Pang-agam
 Ito ay nagpapahiwatig ng di- katiyakan sa pagganap ng kilos
ng pandiwa.

Mga Halimbawa:
• Marahil ay uuwi siya dahil nagkasakit ang kanyang ina.
• Baka aalis na kami.
INGKLITIK

 Ito ay katagang pang-abay o paningit o salitang


ginagamit sa pagdaragdad ng kahulugan sa mensahe
ngunit mga salitang maaaring kaltasin sa pangungusap
nang hindi masisira ng kahulugan nito.
Mga Ingklitik
pa, kaya, naman, man, sana, din/ rin, nga,pala, hala,
ay, sayang, kaya, muna, yata, ba, po, tuloy, kasi
INGKLITIK

Halimbawa:

 Walang ingklitik
 Hindi siya tumawag upang magpaalam.

 May Ingklitik
Hindi man lamang siya tumawag upang magpaalam.
INGKLITIK

Halimbawa:

 Walang ingklitik
 Umalis na siya?.

 May Ingklitik
Umalis na kaya siya?.
MGA DAPAT MALAMAN
SA PAGSULAT
PAGSULAT NG TALAARAWAN AT DYORNAL
1. FORMAT
–walang format na sinusunod.
MGA DAPAT MALAMAN
SA PAGSULAT
PAGSULAT NG TALAARAWAN AT DYORNAL
2.UMPISA
-walang eksaktong oras o panahon
-depende sa posisyon
MGA DAPAT MALAMAN
SA PAGSULAT
PAGSULAT NG TALAARAWAN AT DYORNAL

3. PREKWENSYA
- Hindi inoobliga na lahat magsulat
MGA DAPAT MALAMAN
SA PAGSULAT
PAGSULAT NG TALAARAWAN AT DYORNAL
4.KAAYUSAN
- Naglalagay ng kompletong petsa
- Ang ilan araw, buwan o taon lamang ang
inilalagay.
MGA DAPAT MALAMAN
SA PAGSULAT
PAGSULAT NG TALAARAWAN AT DYORNAL
5.SUKAT NG TALA
- Hindi dinidiktahan ang nagsusulat kung ilang
pangungusap ang nais isulat.
MARAMIN
G
SALAMAT
MGA ANAK!

You might also like