Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

FILIPIN0-8

Ikaapat na Markahan
Aralin 5
Gng. Arniza M. Blazo
Guro
TARA ML TAYO!
01 02

M-AKINIG L-INANGIN
AT ANG
MATUTO KAKAYAHAN
SA FILIPINO
Florante at Laura
Aralin 5 Week 25

PAG-IIBIGAN NINA ALADIN AT FLERIDA


Balik-aral
1.Iba’t ibang pakikipaglaban
2.Iba’t ibang uri ng Tunggalian
3.Mga Uri ng Pang-abay at Ingklitik
4.Pagsulat ng talaarawan at Dyornal
Ang Pag-iibigan nina Aladin at Flerida
Ano ang banghay?
Ang Banghay ay isa sa pinakamahalagang
elemento ng maikling kwento, dula o nobela.
Ito ay binubuo ng kawil na mga pangyayari na
pinagsama-sama upang mabuo ang kwento.
Binibigyang buhay ito ng mga tauhan.
Mga bahagi ng banghay

1. Simula – Ipinakikilala sa bahaging ito ang mga tauhan at tagpuan.

2 .Saglit na kasiglahan– Ipinakikilala sa bahaging ito ang magiging


suliranin ng pangunahing tauhan.

3. Suliranin at Tunggalian – tumutukoy sa problema at paglalaban ng


pangunahing tauhan na sumasalungat sa kanya.
Mga bahagi ng banghay

4. Kasukdulan – pinakamataas na uri ng kapanabikan.

5. Kakalasan – ang kinalabasan ng pakikipaglaban ng pangunahing


tauhan.

6. Wakas – maaaring trahedya kung nagbunga ng kamatayan ang


pakikipaglaban samantalang melodrama naman kung sa umpisa ay
malungkot ngunit nagwawakas na kasiya-siya.
KAYARIANG PANGWIKA
Mga Kaganapan ng Kilos sa
Pangungusap
Kaganapan ng Pandiwa

Kaganapan ng pandiwa ang tawag sa


kaugnayan ng pandiwa sa panaguri ng
pangungusap.
Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang tagaganap/aktor - bahagi ng panaguri na
gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Gumagamit
ng panandang “ng, si, o ni”
 Sumasagot sa tanong na “sino”

Halimbawa:
a. Kinausap ng guro ang kanyang mga mag-aaral.
b. Pinagsabihan ng pinuno ang mga kasapi sa samahan na
huwag nang makisali pa sa gulo ng iba.
c. Kinain ni Mario ang dala niyang baon.
Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
2. Kaganapang tagatanggap – bahagi ng panaguri na
nagsasaad kung sino ang makikinabang sa kilos ng
pandiwa. Gumagamit ng panandang “para sa o para
kay”.
 Sumasagot sa tanong na “kanino o para kanino?”
Halimbawa:
a. Nagluto ng masarap na ulam si Nanay para sa akin.
b. Bumili si Marie ng bulaklak para sa kanyang matalik
na kaibigan.
Halimbawa:
c. Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan
para sa mga biktima ng sunog.
d. Nangalap ng impormasyon ang mga mag-aaral
para sa kanilang pananaliksik.
Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
3. Kaganapang ganapan – bahagi ng panaguri na nagsasaad
ng lugar na ginaganapan ng kilos na ipinapahayag ng
pandiwa. Gumagamit ng panandang “sa”.
 Sumasagot sa tanong na “saan?”
Halimbawa:
a. Ang magkasintahan ay nanood ng ng sine sa mall.
b. Sa tabi ng dagat idinaos ng dalaga ang kanyang kaarawan.
Halimbawa:
c. Sa Davao nilagdaan ng pangulo ang kanyang
mga kautusan.
d. Nanonood ng pagtatanghal sa plasa ang mga
kabataan.
KASANAYANG PANRETORIKA
Kasabihan at Salawikain

Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng


kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan,
at mga bunga ng kanilang pagmamasid-masid, sa
pamamagitan ng mga salawikaing may tugma at
mga kasabihan.
Kasabihan
ANO ANG KASABIHAN?

Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng


payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang
mga salitang ginagamit ay payak at madaling
maintindihan.
Kasabihan
Halimbawa:

 Ang hindi marunong lumingon sa


pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
 Huwag kang magtiwala sa dimo kakilala.
Kasabihan

Halimbawa:

 “Kung may tiyaga, may nilaga.


 “Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin”
 Kung hindi uukol, hindi bubukol.
Salawikain
ANO ANG SALAWIKAIN?

Ang salawikain ay tumutukoy sa mga kasabihan na may


layuning magbigay aral. Ito ay base sa mga totoong
karanasan o pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay naglalaman
ng praktikal na payo o kaalaman na maaari nating magamit.
Madalas, ito ay maikli lamang, at payak ang mensahe. Ang
salawikain ay tinatawag bilang proverbs sa Ingles.
Salawikain
Halimbawa:
 Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
 Kapag may isinuksok , may madudukot.
 Ang mabigat ay gumagaan, kapag
nagtutulungan.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Maraming
Salamat!

You might also like