Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 125

FILIPINO D

Mga Salitang
Magkakatugma A
QUARTER 3 WEEK 8 Y
Balik-aral:

Panuto: Salungguhitan ang salitang


naglalarawan ng lugar o pangyayari
sa bawat pangungusap.
1. Malalakas ang mga bagyong
dumating sa Pilipinas noong
nakaraang taon.
2. Nakatatakot ang panaginip ko
kagabi.
3. Madilim sa loob ng sinehan.
4. Ang bahay nina Sarah at Jane ay
malapit sa tabing-dagat.
5. Ang Fort Santiago sa Intramuros,
Maynila ay isang makasaysayang lugar.
Layunin:

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay ng mga salitang
magkakatugma.
Gawain 1
Basahin at unawain natinang tula
tungkol sa batang si Sonya.
Si Sonya
Lubhang kakaiba si Sonya
Parang diksyunaryo ang isip
niya
Nasasabi ang mga kahulugan
Tamang salita gamit ng aking
kaibigan
Sa isip mabilis na
hinuhugot
Kailanman di siya
nakakabagot
Palaging dala dala ay
saklay
Paika-ikang lumakad dahil
siya’y pilay
Paika-ikang lumakad dahil siya’y
pilay
Batang masayahin lagi siyang
nagdarasal
Kapupulutan siya ng
magagandang aral
Laging nakatawa tuwina’y
masaya
Ang palakaibigang bata na si
Sonya
1.Sino ang batang tinutukoy sa tula?
2.Anu- anong mga katangian ang taglay
ni Sonya?
3.Naging sagabal ba ang kaniyang
kapansanan sa kaniyang buhay? Bakit?
4.Kung ikaw ang nasa kalagayan ni
Sonya, paano mo maipapakita na hindi
hadlang ang kapansanan para
lumigaya?
Balikan ang tula. Ano ang napapansin
ninyo sa mga salitang may
salungguhit?
Salitang Magkatugma ang tawag sa
mga salitang magkapareho ang tunog
sa hulihan ng mga salita. Sa Ingles ay
“Rhyming Words.”Upang makabuo ng
salitang magkatugma,
kailangang mag-isip ng dalawang
salitang magkatulad o
magkapareho ang tunog sa hulihan.
Ang paggamit ng mga salitang
magkatugma ay nakapagbibigay ng
ganda at dulas sa pagbigkas ng
tulang may tugma.
Magbibigay ang guro ng iba
panghalimbawa ng mga salitang
magkatugma
Gawain 2

Para sa ating unang gawain ay


susubukan ninyong makapagbigay ng
mga salitang magkatugma o parehas
ang tunog sa hulihan ng salita.
Gawain 3

Basahin ang tula.


Salungguhitan ang mga salitang
magkakatugma.
Ang aming mag-anak

Ang aming mag-anak


Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat nina ama at
ina
Mayroon ba kayong ganitong
pamilya?
Kahit sa paggawa’y pagod ang
katawan,
Tulong ni Ama ay laging
nakaabang.
Suliranin ni ate ay nalulunasan
Sa tulong ni Inang laging
nakalaan.
Paglinang sa Kabihasnan

Salungguhitan ang mga salitang


magkatugma sa
pangungusap.
1. Ang batang magalang ay
ikinatutuwa ng magulang.

2. Ang bola ay kulay pula.


3. Nakakaaliw ang batang magiliw.
4. Ang batang magulo ay hindi
matututo.
5. Walang kagalit ang batang mabait.
Paglalapat:
Ang mga salitang magkapareho o
magkasintunog ang hulihan ay
tinatawag na salitang magkatugma.
Magbibigay ang guro ng iba
panghalimbawa ng mga salitang
magkatugma.
Paglalahat:

Batay sa aking napag-aralan ang


magkatugma ay dalawang salita na
kung saan ay parehas lamang ng una at
hulihang katinig o patinig ngunit
magkaiba ito ng kahulugan.
Pagtataya:

Tukuyin ang mga salitang


magkakatugma. Lagyan ng tsek( √) ang
kahon kung magkatugma at ekis (X)
kung hindi.
Karagdagang Gawain:

Ikahon ang dalawang salitang


magkatugma.
1. gulay araw buhay
2. itlog bilog baso
3. pulubi gabi aso
4. mama gatas malakas
5. lapag tapang sipag
FILIPINO D
Mga Salitang
Magkakatugma A
QUARTER 3 WEEK 8 Y
Balik-aral:

Piliin ang kahon na mayroong


kasintunog ng larawan sa
kahon.
Layunin:

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay ng mga salitang
magkakatugma.
Gawain 1
Ano ang kahulugan ng tugma? Ayon
sa diksiyonaryong Filipino, ito ay
pagkakatulad ng mga tunog sa huling
pantig sa dalawa o higit pang
taludtod.
Ang magkatugma ay dalawang salita
na parehas lamang ng una at hulihang
katinig o patinig ngunit magkaiba ito
ng kahulugan.
Sa pang araw-araw natin na
komunikasyon, hindi natin napapansin
na gumagamit na pala tayo ng mga
salitang magkatugma.
Madalas itong gamitin sa mga panitikan
at mga awitin dahil madali itong
masaulo at magandang pakinggan sa
tainga.
Sa awiting “Bahay
Kubo”, tukuyin ang
mga salitang
magkakatugma. Isulat
ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Bahay Kubo Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
sitaw, bataw, patani. Kundol, patola,
upo’t kalabasa
At saka mayro’n pang labanos,
mustasa sibuyas, kamatis, bawang at
luya sa paligid-ligid ay puro linga.
Gawain 2
Basahin at unawain ang tula.
Ang Alaga kong Aso
ni: Denmark Soco
Aking alagang aso. Nilagyan ko ng
laso, Upang hindi maglaho, Kapag
nakihalubilo.
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang hayop na alaga ng may-


akda?
2. Ano ang inilagay niya sa kanyang
alaga?

3. Bakit niya nilagyan ng laso ang


kaniyang alaga?
4. Ano-ano ang mga salitang
magkakatugma sa tula?

5.Magbigay ng dalawang halimbawa ng


salitang magkakatugma.
Gawain 3

Suriin ang mga sumusunod na


larawan.
Paglinang ng kabihasnan

Piliin sa panaklong ang salitang


katugma ng salitang may salungguhit.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Lumuha si Nora ng mawala ang
kaniyang pitaka. (lumuwa, bumuka)
2. Nasunog ang sinaing ni Liza. (kinain,
hinaing)
3. Maraming agiw ang lumang bahay ni
Lancer. (saliw, kaliwa)
4. Masayang nagdiwang ng
kaarawan si Luisa. (larawan,
orasan)

5. Madalas akong nakikinig ng


balita sa radyo. (lindol, bagyo)
Paglalapat

Ang mga salitang magkapareho o


magkasintunog ang hulihan ay tinatawag
na salitang magkatugma.
Magbibigay ang guro ng iba
panghalimbawa ng mga salitang
magkatugma.
Paglalahat:
Batay sa aking napag-aralan ang
magkatugma ay dalawang salita na
kung saan ay parehas lamang ng una at
hulihang katinig o patinig ngunit
magkaiba ito ng kahulugan.
Pagtataya:

Itugma ang mga salitang


magkasingtunog.
Karagdagang Gawain:

Pagtambalin ang mga salitang


magkasintunog sa Hanay A at Hanay
B
FILIPINO
Paglalarawan ng mga Bagay, D
Tao, A
Pangyayari, at Lugar
QUARTER 3 WEEK 8 Y
Balik-aral:

Tukuyin ang mga sumusunod na


larawan kung ito ay bagay, tao,
hayop, lugar, o pangyayari.
Layunin:

Magbabasa tayo ng talata at inyong


tutukuyin ang mga salitang
naglalarawan.
Gawain 1
Ang Dambana ng Kagitingan
ni Sarahlly M. Baluyot
Ang Dambana ng Kagitingan ay isa sa
mga makasaysayang lugar sa
Pilipinas. Ito ay makikita sa bayan ng
Pilar sa lalawigan ng Bataan.
. Ito ay makikita sa bayan ng Pilar sa lalawigan
ng Bataan. Makikita sa tuktok ng Bundok
Samat ang malaking krus nito.
Maaring umakyat sa loob ng krus upang
makita ang magandang tanawin ng Bataan,
maging ang malawak na karagatang
pumapalibot dito.
Sa bandang ibaba naman ay
atatagpuan ang isang museo. Dito
makikita ang kagitingan ng ating mga
kababayan. Tuwing ika – 9 ng Abril ay
idinaraos dito ang Araw ng Kagitingan.
Ito ay ginagawa bilang
pag-alaala na rin sa ating matatapang
na mga sundalo.
Maganda ang tanawin sa dambana.
Sariwa ang hangin sa paligid nito at
luntian ang mga halaman na nakatanim
dito.
Maraming tao ang namamasyal sa
dambana. Madalas ay ginagawa itong
destinasyon ng mga paaralan na
nagsasagawa ng lakbay-aral.
Ano ang pamagat nang iyong binasang
talata?
Saan makikita ang Dambana ng
Kagitingan?
Paano mo mailalarawan ang krus sa tuktok
ng bundok?
Ano ang pamagat nang iyong binasang
talata?
Saan makikita ang Dambana ng
Kagitingan?
Paano mo mailalarawan ang krus sa tuktok
ng bundok?
Bakit binibigyan ng pagkilala at pag-
alaala tuwing ika – 9 ng Abril ang mga
sundalong nagbuwis ng buhay?
Nais mo bang makapunta sa Dambana ng
Kagitingan? Bakit?

Basahing muli ang mga salitang


nakasalungguhit sa mga talata. Ano ang
tawag sa mga salitang ito?
Pang-uri ang tawag sa mga salitang
naglalarawan sa bagay, tao, pangyayari, at
lugar.Ito ay tumutukoy sa kulay, hugis, laki,
bilang, o dami, at katangian ng pangalan at
panghalip.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga salitang
naglalarawan o pang-uri.
Gawain 2

Pagkabitin ang bawat larawan sa


tamang hugis ng naglalarawan sa
mga ito.
Gawain 3

Pagtambalin ang mga larawan sa


tamang salitang naglalarawan sa
mga ito.
Paglinang sa Kabihasnan

Pillin sa loob ng panaklong ang


angkop na salitang tumutukoy sa
larawan.
Paglalahat:

Ang paglalarawan ay isang


kasanayan na dapat matutuhan ng
isang bata. May mga salitang
ginagamit na maaaring
maglarawan sa katangian, damdamin,
anyo, kulay, lasa, amoy, tunog,
kayarian, at hugis ng mga pangalan at
panghalip.
Pagtataya:

Bilugan ang salitang


naglalarawan sa bawat
pangungusap.
1. Ang orasan sa aming bahay ay hugis
parisukat.
2. Mapupula ang mga rosas sa aming
bakuran.
3. Masarap ang bagoong na produkto ng
Bataan.
4. Ang kapistahan ni Santo Domingo ay
masayang ipinagdiriwang
ng mga taga Abucay.
5. Magaganda ang mga pasyalan sa
lalawigan ng Bataan.
Karagdagagang Gawain:

Panuto: Salungguhitan ang salitang


naglalarawan ng lugar o pangyayari
sa bawat pangungusap.
1. Malalakas ang mga bagyong dumating
sa Pilipinas noong nakaraang taon.
2. Nakatatakot ang panaginip ko kagabi.
3. Madilim sa loob ng sinehan.
4. Ang bahay nina Sarah at Jane ay
malapit sa tabing-dagat.

5. Ang Fort Santiago sa Intramuros,


Maynila ay isang makasaysayang
lugar.
FILIPINO
Paglalarawan ng mga Bagay, D
Tao, A
Pangyayari, at Lugar
QUARTER 3 WEEK 8 Y
Balik-aral:
Layunin

Aalamin natin ngayon ang mga iba


pang salitang naglalarawan.
Gawain 1
Basahin natin ang tula.
Sa Bukid
Ibig kong magbakasyon sa
malayong bukid.
Doon ay payapa’t luntian
ang paligid.
Maraming halaman, klima
ay malamig.
Kakilala ng lahat tao’y
mababait
Kakilala ng lahat tao’y mababait
Hangin ay malinis tunay na dalisay
Ang dagat ay asul, ang langit ay
bughaw
Bukid ay malawak, sagana sa palay
Tanawi’y marikit at kaakit-akit.
Ano ang lugar na inilalarawan sa tula?
Ano-anong bagay ang inilalarawan sa
bukid?
Ibigay ang salitang naglalarawan sa
mga sumusunod:
1. bukid 5. tanawin
2. paligid 6. hangin
3. halaman 7. dagat
4. tao 8. langit
Aling salita ang ginamit sa
paglalarawan sa tao, hayop, bagay at
pook?
Pang-uri ang tawag sa mga salitang
naglalarawan.
Laging isipin na ang bawat salita ay may
tiyak na gamit. May mga salitang
naglalarawan na angkop lamang gamitin
sa tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
Gawain 2

Sabihin kung ang mga sumusunod


na salita ay
naglalarawan ng tao, hayop, bagay o
pook.
1. malalim 6. maliit
2. pahaba 7. matigas
3. maamo 8. mayaman
4. marumi 9. madilim
5. Dukha 10. maawain
Gawain 3

Magbigay ng dalawang salita na


angkop na
maglalarawan sa mga sumusunod
na salita.
1. kalabaw - ____________, __________
2. aklat - _____________, ___________
3. nanay - _____________, ____________
4. payong - _____________, __________
5. tatay - ______________, __________
6. paaralan - ____________, _________
7. kabayo - _________, ______________
8. bundok - __________, _____________
9. guro - ____________, ______________
10. gatas - ____________, ____________
Paglinang ng kabihasnan

Sumulat ng angkop na salitang


naglalarawan sa bawat larawan.
Paglalapat

Tingnan ang larawan, sumulat ng


limang pangungusap na
naglalarawan dito.
Paglalahat
Pang-uri ang tawag sa mga salitang
naglalarawan.
Laging isipin na ang bawat salita ay may
tiyak na gamit. May mga salitang
naglalarawan na angkop lamang gamitin
sa tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.
1. Ako ang pambansang bulaklak,
Mabango kapag humalimuyak.
Puti ang aking kulay, Madalas ay gamit sa
alay.
a. gumamela
b. sampaguita
c. rosas
d. ilang-ilang
2. Ako ang pambansang prutas,Berde ang
kulay kapag pinitas,Dilaw naman kapag
nahinog,Masarap isawsaw sa bagoong.
a. saging
b. atis
c. mangga
d. pinya
3. Ako ang pambansang hayop,
Makapal na balat hindi matatalop,
Bagay na bagay ang itim na kulay,
Sa pagsasaka ng tanim na palay.
a. kalabaw
b. aso
c. pusa
d. kabayo
4. Ako ang pambansang isda, Sa palengke
ay itinitinda. Kaliskis ko ay puti at
makintab, Masarap iihaw sa apoy na nag-
aalab.
a. dilis
b. galunggong
c. tilapia
d. bangus
5. Ako ang pambansang bayani, Sa Pilipinas,
kilala ng marami. Pagsulat aking gamit sa
pakikipaglaban,
Upang ipagtanggol ang ating bayan.
a. Andres Bonifacio
b. Jose Rizal
c. Emilio Aguinaldo
d. Antonio Luna
Pagtataya:

Tukuyin ang pambansang sagisag na


inilalarawan sa bawat tugma. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.
Karagdagang Gawain:

Bilugan ang salitang


naglalarawan ng lugar o
pangyayari sa bawat
pangungusap.
1. Nakababahala ang muling pagtaas ng
kaso ng Covid-19 sa ating bansa.
2. Nakatatakot ang napanood kong
palabas sa telebisyon kagabi.
3. Ang kauna-unahang EDSA People
Power Revolution noong ika- 25 ng
Pebrero,1986 ay makasaysayan.
4. Nakabibighani ang mga tanawin sa
lalawigan ng Rizal.
5. Masungit ang panahon dahil sa
paparating na bagyo.
FILIPINO D
SUMMATIVE TEST
(Please see attached) A
QUARTER 3 WEEK 8 Y
FILIPINO D
Non-Working Holiday A
QUARTER 3 WEEK 8 Y

You might also like