Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

“Salita ng Karunungan”

Kawikaan 27:5
Hindi hamak na mainam ang harapang
paninita, kaysa naman sa pag-ibig,
ngunit ito’y lihim pala.
Mga Gabay na tanong:

 1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot, itlog nang ang mga ito ay inilahok sa
kumukulong tubig.
 2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksyion.”
Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng isang tao?
 3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng malinawag
na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.
 4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
 5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbulo ng butil ng kape sa kuwento?
Mga Piling Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay
Gramatika at Retorika

 Sa pagsasalaysay, gumagamit ng mga pang-


ugnay na nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga
impormasyon o pangyayari.
 Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag
ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari.
Bigyang pansin ang mga salitang may
salungguhit
 Unang lumaban sa Sulayman sahalimaw na
umalipin sa mga kaawa-awang taga
Maguindanao. Sa dakong huli si Indaraptra
ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. Sa
madaling sabi, nailigtas nina Indaraptra at
Sulayman ang mga tag-Maguindanao.
Suriin ang maikling pagsasalaysay

 Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng


isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o
nag-uugnay-ugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya.
 Tinatawag na Cohesive devices ang ganitong salita.
 Sa gramatikong Filipino tinatawag na pang-ugnay
 May mga angkop na pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay
Alam mo ba na…

 Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-


ugnay o panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit
nito:

 a. Pagdaragdag at pag-iisa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pag-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
Alam mo ba na…
 Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o
panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

 b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa,
sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-
ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
Pagsasanay 1: Piliin sa loob ng panaklong ang
angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap.

 1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang


kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
 3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
 4. (Gayon din, Dahil sa)ang ginawa sa isa pa. Ginawang Walumpung trigo mula sa
isandaang trigo.
 5. (Dahil sa, Upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

You might also like