Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

FILIPINO 5 - QUARTER 3 - WEEK 6

Nasasabi ang
simuno at panag-uri sa
pangungusap.
F5WG -IIIi - j - 8
PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-Aral
Panuto: Sabihin kung opinyon o
katotohanan ang mga sumusunod na
pangungusap.
___ 1. Tila mali ang mangutang ng
pera upang ipaghanda sa panauhin.
___ 2. Ang taon ay binubuo ng 12
buwan.
___ 3. Marahil, kung maging matalino
tayo sa paggasta ng pera,hindi tayo
siguro maghihirap.
___ 4. Ang unang araw ng taon
ay ika-1 ng Enero.

___ 5. Dapat tayong magsaya sa


tuwing sasapit ang Bagong Taon.
Paglalahad

Panoorin ang maikling video


https://www.youtube.com/shorts/r7
TiH65zhms
Mga bata
Palaruan
Naglalaro

Masaya
Ano ang pangungusap?
Ang Pangungusap ay lipon ng mga
salita na nagpapahayag ng buong
diwa at kaisipan.
Ito ay nagsisimula sa malaking letra
at nagtatapos sa wastong bantas.
2 Bahagi ng Pangungusap

simuno Panag-uri
Ang simuno ito ang pinag-uusapan o
paksa ng pangungusap. Nakikita sa
simuno ang panandang panghalip na
si/sina at ang /mga.
Ang panag-uri ito ang nagsasabi tungk
sa simuno. Ito ay tumutukoy at
naglalarawan sa simuno
Ang mga bata ay masayang
naglalaro sa palaruan.
Si Lola ay nagdarasal ng
taimtim sa simbahan .
Pagsasanay (Pangkatang Gawain)
Pangkat 1 - “Bata, Bata...
Pag isipan mo”
Bumuo ng 3 pangungusap tungkol
sa larawan at Tukuyin ang simuno at
panag-uri
Pangkat 2 “Ihanay mo”
Punan ang Graphic Organizer
Gamit ang metacard, basahin ang
nakasulat at ihanay sa kolum ng
Simuno at Panag-uri sa bawat
pangungusap
Pangkat 3 “Bigay mo, Arte ko”
Mekaniks: Isa sa miyembro ng
pangkat iarte ang nakasulat na salita
sa papel at ang kasapi sa pangkat ang
magbibigay ng pangungusap at
tutukuyin nila ang simuno at panag-
uri.
Paglalahat
Ano ang pinang-aralan natin
ngayon?
Ano ang simuno?
Ano Panag-uri ?
PAGLALAPAT
Pagsulat ng Kuwento
Panuto: Pumili ng isang paksa na
nasa ibaba Gawan ito ng maikling
kuwento. Bilugan ang simuno at
ikahon ang panag-uri.
1. Sa Parke
2. Pangangalaga sa Sarili
3. Mga Gawain sa Bahay ni Nanay
4. Mga Gawain ko bago pumasok
sa paaralan
Rubric sa Pagsulat ng Pangungusap
5 3 2
Batayan
Naipahayag nang di-
Naipahayag nang
Naipahayag nang mahusay gaanong kahusayan ang
buong husay ang
Nilalaman ang paksa. Nagamit ang ang paksa. Mali ang
paksa. Nagamit ang
simuno at panag-uri.. pagkagamit ngsimuno at
simuno at panag-uri.
panag-uri.
Nakasulat ng anim na
Nakasulat ng limang Nakasulat ng apat na
pangungusap o higit
pangungusap tungkol sa pangungusap tungkol sa
Kasanayan sa paksa pa tungkol sa paksa na
paksa na may simuno at paksa na may simuno at
may simuno at panag-
panag-uri. panag-uri.
uri.
Natapos ang gawain Natapos ang gawain nang
nang buong husay sa buong husay ngunit
Takdang Oras Hindi natapos ang gawain
loob ng itinakdang lumagpas sa itinakdang
oras oras
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung ang may
salungguhit ay simuno o panag-uri.
Isulat ang salitang simuno kung ito ay
tumutukoy sa simuno ang
pangungusap at panag-uri kung ito ay
panag-uri.
_____1. Napansin ng guro ang
mabubuting asal na ipinamalas ng
mga mag-aaral.
____2. Ang mga magulang ng mga
mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa
gaganaping pagtatanghal.
_____ 3. Sina Ariel, Warren, at
Joshua ay naghanda ng masarap na
meryenda para sa mga panauhin.
_____ 4. Nagbigay ng malaking
donasyon para sa bahay ampunan ang
samahan ni Ginang Santiago.

_____5. Si Ginoong Malvar ang


nahalal bilang pangulo ng samahan.
Gawaing Pantahanan
Gumupit ng balita sa isang
pahayagan. Salungguhitan ang simuno
at ikahon panag-uri ng bawat
pangungusap, idikit ito sa bondpaper
at ilagay sa Filipino portfolio.
MARAMING SALAMAT
….
hanggang sa muli.
ROSALINDA T. REONTARE
Teacher III/Grade V Teacher

You might also like