pptday1KOM

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 104

JAN DAVE S.

ANSAL, LPT
MGA LAYUNIN:
 1. Kilalanin kung ano-ano ang mga ibat-bang
kahulugan ng wika.
 2. Elaboreyt ang ibat-ibang kahulugan ng wika ayon
sa mga siyentipiko.
 3. Bilang mag-aaral ano-ano ba ang halaga ng wika
sa inyo.
 4. Magtanghal sa pamamagitan ng diyalogo,
maikling drama at dula na may paksang: “Ang Wika
ay napakahalaga sa lahat ng aspeto sa buhay”
BILANG MAG-AARAL, ANO
NGA BA SA IYO ANG WIKA?
WIKA ANG PINAKAMAHALAGANG SANGKAP AT
UGNAYAN SA PAKIKIPAGKAPWA-TAO. MALAKI
ANG TUNGKULIN NG WIKA SA PAKIKIPAG-
UNAWAAN AT PAKIKISALAMUHA SA TAO SA
KANIYANG TAHANAN, PAARALAN, PAMAYANAN,
AT LIPUNAN.
Kahit na sa anumang anyo, pasulat o
pasalita , hiram o orihinal , banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang
sangkap sa paghahatid ng diwa ,
kaisipan , at damdamin natin. Maging
ang kultura ng isang panahon , pook , o
bansa ay muling naipahahayag sa
pamamagitan ng wika ( Lachica, 1998 ).
DEPINISYON NG WIKA
 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa
iisang kultura.

 Halimbawa : Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng


mga tunog.

 Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog . Mga tunog


ito na mula sa paligid , kalikasan , at mula mismo sa tunog na
likha ng pagbigkas ng tao.
 2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang
arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa
mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang
ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y
makipag-ugnayan.

 Halimbawa : Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na


larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming
kahulugan .
Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na
estraktura.

Halimbawa : Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy


sa ponema ( pinakamaliit na yunit ng tunog na
nagtataglay ng kahulugan ).
Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na
lugar, para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.

Halimbawa: Pinakamabisang instrumento ang wika


upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa
bagamat maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan
ng mga senyas , pagguhit o mga
 Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang
ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na
komunidad.

 Halimbawa : Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang


mga tao . Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi
dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang
kaibahan ng kanilang ibinubulalas na salita sa mga
Pilipino.
Charles Darwin – naniniwala siyang ang wika ay
isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-
bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin ito tunay na
APPLIKASYON
Sa sangkapat na papel, sumulat ng
maikling sanaysay ukol sa kahulugan
ng wika at paano ito kapaki-
pakinabang sa iyo bilang mag-aaral?
 Maikling Pagsusulit. Tukuyin ang mga sumusunod na salita kung ito ba ay Katangian ng Wika o Wika.

 1. Ang Wika ay sinasalitang tunog.


 2. Ang Wika ay pagpapahayag mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
 3. Natutunan kaagad ang wika.
 4. Ang Wika ay sistematikong balangkas.
 5. Ang Wika ay Likas.
 6. Ang Wika ay orihinal
 7. Ang Wika ay isang natural na gawain.
 8. Ang Wika ay may kaugnay sa kultura.
 9. Ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan.
 10. Ang Wika ay pag-aralan bago matutuhan.
MGA LAYUNIN
 Kilalanin kung ano-ano ang mga ibat-bang batayan sa
wikang pambansa.
 Elaboreyt ang ibat-ibang saligang batas na nakapaloob
sa wikang pambansa.
 Bilang mag-aaral ano-ano ba ang halaga ng wikang
pambansa sa iyo.
 Magtanghal sa pamamagitan ng timeline ang wikang
pambansa.
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng
iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Ang
kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan
kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng
isang wikang mauunawaan at masasalita ng
karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang
magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng
bansang Pilipinas at tatawaging Wikang
Pambansa.
Hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabasehan ng
Wikang Pambansa.
- mainitang tinalakay at pinagtalunan sa Kumbensyong
Konstitusyunal noong 1934.
- delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral
na wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa.
- sinalungat ito ng mga maka-Ingles.
- Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
 nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang
Batas ng 1935 na nagsasabing:
 “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t
hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila
ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
 - pagsusog ni Pangulong Manuel L. Quezon
Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian
ng Wikang Pambansa (SWP). Pangunahing
tungkulin nito ang
“mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para
sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na
wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na
tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.”
- isang batas na isinulat ni Norberto
Romualdez
MAY MGA INATASAN ANG SURIAN NA MAGSAGAWA
NG PAG-AARAL AT ANG MGA ITO AY BINUBUO NG
MGA MIYEMBRONG MULA SA IBA’T IBANG PANGKAT
NG MGA PILIPINO AT KUMAKATAWAN SA MGA
PANGUNAHING WIKA SA BANSA TULAD NINA:
 Jaime C. de Veyra – Namumuno (Samar-Leyte)
 • Cecilio Lopez - Kalihim (Tagalog)
 • Santiago A. Fonacier (Ilokano)
 • Filemon Sotto (Cebuano)
 • Camisiro F. Perfecto (Bikol)
 • Felix S. Salas Rodriquez (Hiligaynon)
 • Hadji Butu (Muslim)
 Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang
Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa dahil ang
naturang wika ay tumutugma sa mga pamantayang kanilang
binuo tulad ng mga sumusunod:
 “ang wikang pipiliin ay dapat…
 ➢ Wika ng sentro ng pamahalaan;
 ➢ Wika ng sentro ng edukasyon;
 ➢ Wika ng sentro ng kalakalan; at
 ➢ Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na
panitikan.”
Batay sa rekomendasyon ng Surian, noong
Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng
Pangulong Quezon na Wikang Tagalog ang
magiging batayan ng Wikang Pambansa sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Magkakabisa ang proklamasyong ito pagkaraan
ng dalawang taon.
Noon ngang 1940, dalawang taon matapos mapagtibay
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 ay
nakapaglathala ang Surian ng Wikang Pambansa ng
dalawang mahahalagang dokumento: isang
Diksiyonaryong Tagalog-English at ang Balarila ng
Wikang Pambansa. Sa taong ito rin nagsimulang ituro
ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paaralang pampubliko at pribado.
Sa panahon ng mga Hapones ay umunlad ang wikang
Pambansa dahil ipinagbabawal ng mga ito ang
paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng pagkakataon,
maging sa mga babasahin.

 Ito rin ang ginagamit na midyum sa pagtuturo sa mga


paaralan. Sa bisa ng Ordinansa Militar Blg. 13 ay
ginawang opisyal na mga wika sa bansa ay Tagalog at
Niponggo kaya’t itinuro rin ang Niponggo sa mga
paaralan.
Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating
Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga
wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa
bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
 Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa.
Mula Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang dating
Kalihim ng Edukasyon.

 Nagkaroon ng maiinit na pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal


noong 1972 kaugnay ng usaping ito. Sa huli, ito ang mga naging
probisyong pangwika mula sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksiyon 3, Blg. 2:
 “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na
wikang pambansang kikilalaning Filipino”.
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng
Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing:

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong
Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa
pamahalaan sa pamamagitan ng Atas
Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay

“nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan,


opisina, ahensiya, at instrumentality ng pamahalaan
na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”
Napakalayo na nga nang nalakbay ang ating wikang
Pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino.

Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa


maisabatas at magamit ng lahat ng mga Pilipino sa
nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap
upang lalo pa tayong magkaintindihan at mapalawig
ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at
pagtatagumpay.
APPLIKASYON
Sa sangkapat na papel, sumulat ng maikling sanaysay ukol sa bakit
ba pahahalagahan ang wikang Pambansa?

RUBRIKS

Kabuuang konsepto – 10

Orihinalidad na kaalaman – 5

Kaangkupang mensahe ng teksto – 5

 Kabuuan 20 pts.
PERFORMANCE TASK
Sa isang buong papel, iguhit ang
TIMELINE ukol sa Wikang Pambansa na
nakapaloob ang mga taon, detalye o
pangyayari at mga tao salikod ng
pagsulong sa ating Wika. (40puntos).
20mins..
LONG QUIZ
 Kumuha ng sangkapat na papel at sagutin ang mga katanungan.
 FILL IN THE BLANKS and IDENTIFICATION 25 items.
 1. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging
________?
 2. Iminungkahi ng grupo ni ________na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas.
 3. Ama ng Wikang Pambansa at ng balarila ng Pilipinas _________
 4. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 ay isinulong ni __________
 5. Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng Pangulong Quezon na Wikang Tagalog ang magiging
batayan ng Wikang Pambansa sa bisa ng ____________
 6-10. Magbigay ng limang taong inatasan ang Surian na magsagawa ng pag-aaral at ang mga ito ay
binubuo ng mga miyembrong mula sa iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at kumakatawan sa mga
pangunahing wika sa bansa.
 11. Sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa
bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng _______________
 12. Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sino ang nagsulong
nito?
 13. Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni
dating Pangulong _____________ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
 14-17. Magbigay ng apat na batayan ukol sa pagpili ng Wika.
 18. Sa panahon ng mga ____________ay umunlad ang wikang Pambansa dahil
ipinagbabawal ng mga ito ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng pagkakataon,
maging sa mga babasahin.
 19-20. Noong 1940, dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg 134 ay nakapaglathala ang Surian ng Wikang Pambansa ng
dalawang mahahalagang dokumento: _______ at ________ .
 21. Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay
ng ngalang ________bilang parangal sa Haring Felipe II
 22. Unang pananakop ng mga kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni
_________noong 1565.
 23. Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak- na- Bato noong 1897, itinadhanang ang
_________ang opisyal na wika.
 24-25. Ibigay ang buong pangalan ng inyong guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino.
ANSWERS

 1. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging _ WIKANG PAMBANSA_______?

 2. Iminungkahi ng grupo ni _LOPE K. SANTOS_na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.

 3. Ama ng Wikang Pambansa at ng balarila ng Pilipinas _LOPE K. SANTOS________

 4. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 ay isinulong ni _ PANGULONG MANUEL L. QUEZON _________

 5. Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng Pangulong Quezon na Wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa sa bisa
ng __ KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134. __________
 6-10. Magbigay ng limang taong inatasan ang Surian na magsagawa ng pag-aaral at ang mga ito ay binubuo ng mga miyembrong mula sa
iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at kumakatawan sa mga pangunahing wika sa bansa.
 JAIME C. DE VEYRA – NAMUMUNO (SAMAR-LEYTE)

 • CECILIO LOPEZ - KALIHIM (TAGALOG)

 • SANTIAGO A. FONACIER (ILOKANO)

 • FILEMON SOTTO (CEBUANO)

 • CAMISIRO F. PERFECTO (BIKOL)

 • FELIX S. SALAS RODRIQUEZ (HILIGAYNON)

 • HADJI BUTU (MUSLIM)

 11. Sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag din ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa
ng _ BATAS KOMONWELT BILANG 570
 12. Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sino ang nagsulong nito? _ Norberto Romualdez __
 13. Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni
dating Pangulong _CORAZON AQUINO_ang implementasyon sa paggamit ng Wikang
Filipino.
 14-17. Magbigay ng apat na batayan ukol sa pagpili ng Wika.
 Wika ng sentro ng pamahalaan;
 Wika ng sentro ng edukasyon;
 Wika ng sentro ng kalakalan; at
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.”

 18. Sa panahon ng mga _HAPONES_ay umunlad ang wikang Pambansa dahil


ipinagbabawal ng mga ito ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng pagkakataon, maging
sa mga babasahin.
 19-20. Noong 1940, dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg 134 ay nakapaglathala ang Surian ng Wikang Pambansa ng dalawang mahahalagang
dokumento: _ DIKSIYONARYONG TAGALOG-ENGLISH AT ANG
BALARILA NG WIKANG PAMBANSA.
 21. Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay
ng ngalang _FELIPINAS_bilang parangal sa Haring Felipe II
 22. Unang pananakop ng mga kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni
_MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI_noong 1565.
 23. Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak- na- Bato noong 1897, itinadhanang ang
__TAGALOG__ang opisyal na wika.
 24-25. Ibigay ang buong pangalan ng inyong guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino. JAN DAVE S. ANSAL
KASAYSAYAN NG WIKA SA IBA’T IBANG PANAHON
MGA LAYUNIN:
 Kilalanin kung ano-ano ang mga kaganapan sa kasaysayan ng wika sa ibat-ibang panahon.
 Elaboreyt ang mga pangyayari sa kasaysayan ng ating Wika.
 Pahalagahan ang kasaysayan at mga batas na umiiral sa ating bansa.
 Gumawa ng sanaysay patungkol sa kahalagahan ng kasaysayan ng Wikang Pambansa.
KASAYSAYAN NG WIKA SA IBA’T IBANG
PANAHON

 Unang pananakop ng mga kastila sa ating kapuluan ay ang


pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang
kauna-unahang kastilang gobernador-heneral sa Pilipinas.

 Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni


Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa
Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon.
Naging Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga
tao rito.
 Ayon sa mga Espanyol;
 di sibilisado o pagano ang mga katutubo noon.
 Itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo
 mabisa ang paggamit ng katutubong wika
 ang mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang
madaling matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang
wikang Espanyol.
 ang mga prayle ay nagsulat ng mga diskyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng
katutubong wika.
 Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa
ang wikang ginagamit ng mga bagong mananakop sa maga
kautusan at proklamasyong Ingles at Espanyol

 Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang


opisyal. Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang
Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni
Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
 Ginamit ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga
opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probinsyal ng
Biak- na- Bato noong 1897, itinadhanang ang Tagalog ang
opisyal na wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni
Franklin Roosebelt ang Batas Tyding McDuffie na
nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-aaral ng Pamahalaang
Komonwelt.
ILANG BATAS KAUTUSAN, PROKLAMASYONG PINAIRAL SA
PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA: TAGALOG/PILIPINO/ FILIPINO

 Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 (1937)- ipinahayag na ang tagalog ang siyang magiging
batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas
 Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang pagpapalimbag ng “A tagalog
English Vocabulary” at``Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng
wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtatadhana na
ang lahat ng edisyon, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino
 Kautusang Tagapagpaganap Blg 87 (1969) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-utos sa
lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Filipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksyon.
• Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y kalihim
ng kagawaran ng Edukasyon na Si Jose E. Romero na nag aatas na tawagin ang wikang pambansa na
Pilipino.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos
na simulan sa taong-aralan 1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa
Wikang Filipino
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na
itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin na Ortograpiyang Pilipino
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy
sa wikang pambansang Pilipino. Nilagdaan ni Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 (1987)- Panuntunan ng implementasyon ng patakaran
sa Edukasyong Bilinggwal 1987.
• Batas ng Komonwelt Blg. 570- ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa
(Tagalog) simula Hulyo 4, 1946
 Proklamasyon Blg, 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang
pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni
Franciso Balagtas.)
 Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Agosto 13-19 kapanganakan ni Manuel L Quezon.)
 Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang pambansa ng
Pilipinas.
 Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang Filipino.
APPLIKASYON
 Sa sangkapat na papel, sumulat ng maikling sanaysay ukol sa bakit ba pahahalagahan ang
kasaysayan ng ating wika at mga taong nasa likod nito na siyang dahilan kung bakit may
sairling wika na tayo ngayon?
 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 10
 Orihinalidad na kaalaman – 5
 Kaangkupang mensahe ng teksto – 5
 Kabuuan 20 pts.
WIKANG OPISYAL AT WIKANG
PAMPAGTUTURO
MGA LAYUNIN
 Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-
aaral ang sumusunod:
 1. Kilalanin ang mga pagkakaiba ng Wikang Opisyal at Wikang
Pampagtuturo.
 2. Naipapaliwanag ang mga kahulugan ng Wikang Opisyal at
wikang pampagtuturo.
 3. Naisasagawa ang pagsulat ng talata patungkol sa wikang
opisyal.
WIKANG OPISYAL AT WIKANG PAMPAGTUTURO

 Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binibigyan ng


natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga
opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal na
wika ang Pilipinas—ang Filipino at Ingles.

 Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas


ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
 Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang
Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng
mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang
wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng
bansa, halimbawa, sa mga talumpati ng pangulo, mga
deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga
paaralan, mga paglilitis sa korte, at iba pa. Mahalaga ang
paggamit ng Filipino sa mga talumpati ng pangulo at sa mga
talakay at diskurso upang maunawaan ng mga mamamayan
ang mahahalagang usapin ng bansa.
Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang
Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon
sa bansa. Kapag may dalawang taong mag-uusap na
may magkaiba o magkahiwalay na kultura at
sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang isa ay
Kapampangan at ang isa naman ay Bikolano,
gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.
 Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksiyon 7 mababasa ang sumusunod:
 “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panheriyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa
mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon.
 Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.”
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga
opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
Sa pagpasok ng K to 12 Kurikulum, ang Mother
Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at
pribado man. Tinawag itong “Mother Tongue-Based
Multi-Lingual Education” (MTB-MLE).
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay nagtadhana ang
 DepEd ng labindalawang lokal o pangrehiyon na wika at diyalekto para
magamit sa MTB-MLE subalit sa taong 2015 ay nadagdagan pa ito ng pito
kaya’t sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit
tulad ng sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao,
Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at
Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang
paraan: (1) Bilang hiwalay na Asignatura at (2) Bilang wikang Panturo.
APPLIKASYON
 Isulat sa isa’t kalahating papel, gumawa ng sanaysay ukol sa bakit kailangan ang wikang
opisyal sa ating bansa at kung paano ito nakakaapekto sa mamamayang Pilipino. Hindi bababa
sa isang daang salita. (30 na puntos)

 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 10
 Orihinalidad na kaalaman – 10
 Kaangkupang mensahe ng teksto – 10
 Kabuuan 30 pts.
MGA KATANGIAN NG WIKA AT
KAHULUGAN NG
HOMOGENOUS AT
HETEROGENOUS NA WIKA
MGA LAYUNIN:
 Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga
mag-aaral ang sumusunod:
 1. Kilalanin ang mga katangian ng wika, kahulugan ng
homogenous at heterogenous na wika.
 2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng homogenous at
heterogenous na wika.
 3. Naisasagawa ang pagsulat ng Venn Diagram ukol sa
homogenous at heterogenous na wika.
 4. Naipagtanghal ang mga katangian ng wika.
MGA KATANGIAN NG WIKA
 1. Ang wika ay sinasalitang tunog.
 Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita (speech
apparatus) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang
tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang
nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na
nagisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig
tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas
at malambot na ngala-ngala.
 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito
sa loob ng mahabang panahon (Rubin, 1992). Ang wika ay set ng
mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may
pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat
napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan
ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na
nagbiibigay ditto ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang
pangkat o grupo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang
magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika subalit
magkakaiba ng kahulugan.
 3. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong
bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong
kumilala ng tunog (ponolohiya). Itinuturing naakabuluhan
ang isang tunog kung may kakanyahan itong
makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng
pagsasama-sama ng tunog upang makabuo ng maliit nay
unit ng salita (morpolohiya). Ang pagsasama-sama ng
salita upang makabuo ng payak na pahayag o pangungusap
ang tinatawag na sintaks o palaugnayan.
4. Ang wika ay dinamiko. upang mapanatiling masigla at
buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa
pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng
pananalita mg mga tao maging ang angking kahulugan ng
salita sa paglipas ng panahon.
5. Likas ang wika ibig sabihin, lahat ay may kakayahang
matutong gumamit ng wika anuman ang lahi, kultura, o
katayuan sa buhay.
6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng
sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing
tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at
karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at
kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa.
7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang
patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong
masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon
ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad.
KAHULUGAN NG
HOMOGENOUS AT
HETEROGENOUS NA WIKA
 Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na
"homo" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang
ibig sabihin ay uri o yari. Ang homogenous na wika ay ang
pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang
kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum
ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong
makapagpahayag ng damdamin at kaisipan.
HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA

 1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-


iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila
ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.
 2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang
ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang
uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga
salik.
 3. Ayun sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao
upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan.
Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t
ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
 4.Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti:
Ito ay ang permanente at pansamantala
 Barayting Permanente
 a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang
lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.
 b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na
kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.
 Barayting Pansamantala
 a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina
o larangang pinaggagamitan ng wika.
 b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng
kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap
 c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit
sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.
MGA HALIMBAWA NG HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA

 1. Dayalektong heograpikal ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas,


Tagalog Laguna, Tagalog Quezon. Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar
dito.
 2. Dayalektong Temporal - Halimbawa: Ang Probinsyano na pelikula mayroon na noon ngunit may
bagong pelikulang sumisikat ngayon ang mga manunulat nito ay magkaiba at ang barayti ng wika nito ay
magkaiba sapagkat ito ay isinulat sa magkaibang panahon.
 3. Dayalektong Sosyal - Halimbawa
Uri: Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya ng utol,ermats,dedma, epal
Edad: Ang tawag ng matatanda sa salamin sa mata ay antipara samantalang ang tawag sa mga kabataan ngayon
shades.
Kasarian: Hanggang ngayong patuloy pa rin paggamit ng salitang jowa (karelasyon) jubis (Mataba), gander
(maganda) at iba pang salita sa Gayspeak.
 IDYOLEK - Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng
wika. Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas,
tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.
HOMOGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA

 1. Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad.


 2. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan.
 Arbitraryo - Halimbawa: Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga
salita ang mga gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang kahulugan,
kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang Tagalog na
"kamay" ay "ima" sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at "gamat" naman sa
Kapampangan.
 Dinamiko - Halimbawa : Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling
kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay
may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng
kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga kaibigan."
 Bahagi ng kultura - Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga
uri ng kamelyo. Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino
ang paggamit ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para
sa salitang kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.
 May sariling kakanyahan - Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa
layon ng pandiwa-pandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksapandiwa-layon ng pandiwa."
APPLIKASYON
 Sa isang buong papel, mahahati sa pitong grupo gumawa ng Venn Diagram ukol sa
Homogeneous at Heterogenous na wika. 30 pts.

 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 10
 Orihinalidad na kaalaman – 10
 Kaangkupang mensahe ng teksto – 10
 Kabuuan 30 pts.
PERFORMANCE TASK:
 Mahahati ang klase sa anim na grupo, bumuo ng isang maikling drama ukol
sa mga katangian ng wika. Bigyan ito ng buhay, halaga at ang mas paggamit
nito sa ngayon na henerasyon. 2-3mins na pagtanghal, at kinakailangan lahat
ng miyembro ay makapagtanghal. (40 pts.)

 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 15
 Orihinalidad na kaalaman – 15
 Skills demonstrated – 10
 Kabuuan 40 pts.
KAHULUGAN NG
KOMUNIKASYON
MGA LAYUNIN:
 Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga
mag-aaral ang sumusunod:
 1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng komunikasyon at
mga simulain ng komunikasyon.
 2. Naiilaboreyt ang mga modelo ng komunikasyon.
 3. Naisasagawa ang mga antas ng pormalidad sa
komunikasyon at mga uri ng komunikasyon ayon sa
Konteksto.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
 Ang komunikasyon ay pagpapahayag , paghahatid , o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan . Isa itong pakikipag-
ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan . Ito rin ang proseso
ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang
mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.

 Napabibilis at napababagal ang daloy ng komunikasyon depende sa


paghahatid at pagtanggap ng mensahe. May iba’t ibang sangkap at
proseso ang komunikasyon sang-ayon sa nilalayon nito. Nakasalalay sa
bawat sangkap at proseso ng komunikasyon ang pagtatagumpay at
pagkabigo ng paghahatid ng mensahe.
 Ayon sa pag-aaral ng tagapangulo ng De La Salle University na si
Josepina Mangahis, et al. ang komunikasyon ay proseso ng
pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa
at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok gamit ang mga
makrong kasanayan – pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at
panonood. ( Ayon kay Sikhay, et.al. at sa kanilang aklat noong 2003 )

 Komunikasyon o pakikipagtalastasan ang pundasyon ng personal na


relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa ( E. L. Pena, et al. at sa
kanilang aklat na Kanlungan ). Isang proseso ito ng paglikha at
pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ng isang tao sa pormal o
impormal na paraan.
 Mga Simulain ng Komunikasyon
 ➢ Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili
 ➢ Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao
 ➢ Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyong pangnilalaman at relasyonal
 ➢ Ang komunikasyon ay komplikado
 ➢ Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
 ➢ Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan o Ang komunikasyon ay
isang proseso
 Mga Modelo ng Komunikasyon
 1. Komunikasyon bilang aksyon – ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay
naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver).
 2. Komunikasyon bilang interaksyon – nagkakaroon ng pagpapalitan ng
impormasyon sa dalawang tao.
 3. Komunikasyon bilang transaksyon – pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan
sa pagitan ng isa o higit pang tao.


URI NG KOMUNIKASYON AYON SA KONTEKSTO
➢ Komunikasyong intrapersonal. Ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o
nagaganap sa sariling isip
➢ ideya lamang na makikita sa ekspresyon na nagsasalita
➢ Komunikasyong interpersonal. Ginagamit ang mensahe upang makabuo ng
kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang situwasyon.
➢ Komunikasyong pampubliko. Ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay
nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na maaaring sagot-tanong
na pidbak.
➢ Komunikasyong pangmasa. Ang paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa
isang namamagitan na sistema sa pagitan ng tagapagpa dala patungo sa malaking bilang
ng mga di nakikitang tagatanggap. Halimbawa ang telebisyon.
➢ Komunikasyong computer mediated. Ang komunikasyong pantao at
impormasyong ibinabahagi ng communication networks.
 Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon
 1. Oratorical o frozen style – ginagamit sa pagsasalita sa harap ng
publiko na may malaking bilang ng manonood.
 2. Deliberative style – ang estilong ginagamit sa tiyak na bilang ng
manoood na kadalasang ginagawa sa loob ng klasrum o mga forum
 3. Consultative style – tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan
ng pormal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang
gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong.
 4. Casual style – karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya o
magkaibigan.
 5. Intimate style – nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan,
kapamilya o karelasyon.
APPLIKASYON:
 Sagutin ang mga sumusunod: 30 pts.
 1. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang komunikasyon sa loob ng klase?Ipaliwanag

 2. Magbigay ng isang konkretong sitwasyon kung saan nagagamit ang modelo ng


komunikasyon?

 3. Magbigay ng isang halimbawa ng Deliberative at Consultative style at ipaliwanag ang


mga ito.

 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 15
 Orihinalidad na kaalaman – 15
 Kabuuan 30 pts.
PAGSASALIKSIK 25PTS
 Ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod:
 1. idyolek
 2. dayalek
 3.sosyolek
 4. etnolek
 5. ekolek
 6.pidgin
 7.creole.
MGA BARAYTI NG WIKA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng mga barayti ng
wika.
2. Naiilaboreyt ang mga ibat-ibang barayti ng wika.
3. Naisasagawa ang pagsulat at maibigay ang mga
halimbawa nito.
 BARAYTI NG WIKA
 Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang
barayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig
sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang
negatibo. Maaari itong tingnan bilang isang positibo, isang penomenong
pangwika o magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002),
pagkakaisa at pagkakaiba.

 Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan


niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang
lipunang ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya,
“Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng
espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan o komunidad.”
Ayon pa kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971),
nahahati sa dalawang dimensyon ang baryabilidad o
pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (diyalekto) at sosyo-
ekonomiko (sosyolek). Ang una ay nagpapaliwanag ng
pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-kalat na
lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay
nadedevelop ang barayting pangwika. Samantala, sa ikalawa,
nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang
estado ng tao sa lipunan.
APPLIKASYON AT TAKDANG ARALIN: PANANALIKSIK
 Sa isang buong papel, isulat at suriing mabuti, magbigay ng limang
halimbawa na mga salita o pangungusap sa mga barayting
sumusunod: homogenous, heterogenous, idyolek, dayalek,
sosyolek, etnolek, ekolek, pidgin at creole. (40pts.)

 RUBRIKS
 Kabuuang konsepto – 15
 Ayos at kahulugan – 15
 Skills demonstrated – 10
 Kabuuan 40 pts.

You might also like