MIDTERM-WEEK-1-2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PAGSASALAYSAY

PAGSASALAYSAY Nagiging mabisa ang


pagsasalaysay kung ginagamitan
ng malinaw na salita upang
maipahayag nang mainam ang
nilalaman ng isip at damdamin at
Ito ay isang diskurso ng
paggamit ng makahulugan at
binubuo ng mga talatang
malikhaing pananalita. Layunin ng
nagpapahayag ng mga kawing-
pagsasalaysay na mapagalaw ang
kawing na pangyayari. Ibinibilang
isip ng bumabasa at nakikinig.
itong pinakamatandang uri ng
pagpapahayag. Nagsimula ito sa
alamat, epiko at kuwentong
bayan.
Ano ang mga
maaaring isalaysay?
1. SARILING KARANASAN
- Bawat tao ay may karanasang ikukuwento.

2. NAPAKINGGANG AT NARINIG
- Mula sa bibig ng isang tao o ng iba pang tao, sinusulat natin at
isinasalaysay ang kuwento ng iba.

3. NABASA
- Anumang nabasa ay maaari ring isalaysay. Maaaring bahagi
lamang ng nabasa ang gawan ng kwento.

4. LIKHANG ISIP
- Lahat ng bunga ng imahinasyon ng tao ay maaari ding gawan ng
kwento.
KATANGIAN NG ISANG
EPEKTIBO AT
MAHUSAY NA
PAGSASALAYSAY
1.Maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahong pamagat.

2.Mahalaga ang paksa o diwa

Maaaring gasgas ang paksa subalit binigyan ng bagong


hugis, at istilo sa pagkukuwento upang ito'y maging makabuluhan.

3. Hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Sa pagsasalaysay ay dapat mauuna ang A bago ang B


hanggang Z. Iwasan ang kung saan-saan napupunta ang kuwento.
Alisin ang mga pangyayaring 'di na dapat pang isama.
4. Kaakit-akit ang simula
Sa simula pa lamang ay dapat may "appeal" o "it" na ang
dating. Dapat magayuma sa simula pa lamang ang nakikinig o
mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa ng
kuwento.

5. Kasiya-siya ang wakas


Ang wakas ay kailangang may maiiwang
kakintalan sa isip. Maaaring ito ay aral, mensahe o impresyon na
maiiwan sa kakintalan at kamalayan. Ang wakas ay dapat na iniisip
at pinananabikan kaya hahanap-hanapin ang kuwento.
1.Maikling kwento
- Pinakapalasak sa lahat ng
pagsasalaysay

MGA 2.Tulang pasalaysay o epiko


- Tulang nagsasalaysa
URI NG pangyayari. Naglalarawan ng
kabayanihan at pakikipagsapalaran.
PAGSASA- 3. Dulang pandulaan
LAYSAY
- nagpapakita ng galaw at kilos ng
pangyayari sa tanghalan
4. Nobela
- Binubuo ng mga kabanata at
hitik na hitik sa mga
pangyayari.
5.Anekdota
- Isang pangyayari na tunay na naganap sa buhay ng tao.
6. Alamat
- Ang kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
7. Talambuhay
- Ang kuwento ng buhay ng isang tao.
8. Kasaysayan
- Historikal na kuwento ng isang mahalagang
pangyayari.
9.Tala ng Paglalakbay
- Kronolohikal na pagsasalaysay ng isang paglalakbay
10. Jornal
- Salaysay ng karaniwang nagaganap sa buhay, mga naoobserbahan
sa paligid, naobserbahan sa kapwa at iba pa.
MAIKLING
KATHA/KUWENTO
MAIKLING KATHA/KUWENTO

Ang maikling katha o maikling


kuwento, gaya ng karaniwang tawag dito ay
sangay ng salaysay na may isang kakintalan.
KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO
1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay,
2. Isang pangunahing tauhan na may mahalagang
suliranin, at iba pang ilang tauhan.
3. Isang mahalagang tagpo
4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa
kasukdulang madaling sinusundan ng wakas
5. lisang kakintalan
MGA URI NG MAIKLING KATHA
1. Pangkatauhan – pinakamahalagang nangingibabaw sa
katha ang katauhan.
2. Makabanghay – ang mahalaga'y ang pagkakabuo ng mga
pangyayari.
3. Pangkapaligiran – ang paligid o isang namumukod na
damdamin ang namamayani.
4. Pangkatutubong kulay – ang pamumuhay at kalakaran sa
isang pook ang binibigyang-diin.
5. Pangkaisipan – ang paksa, diwa o isipan ng isang katha
ang pinakamahalaga.
MGA SANGKAP NG
MAIKLING
KATHA/KUWENTO
1. PAKSA
Dapat higit nating nauunawaan ang buhay
matapos itong matunghayan ang paksa sa isang
kuwento.

2. BANGHAY
Ito ang nagtataglay ng pagkakabuhol-buhol ng
mga pangyayari na kinakailangang lutasin ng mga
tauhan.
3. MGA TAUHAN
ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa
kwento. Kailangan ang bawat tauhan ay nagmamalas ng
buong katauhan ng tauhan na gustong ilarawan ng may
akda. Kailangang sila’y larawan ng mgatunay na tao sa
tunay na buhay.

4. TAGPUAN
Ito ang lugar at panahong pinangyayarihan ng
kuwento, sa pamamagitan ng tagpuan ay nagiging
makatotohanan ang kuwento.
5. SIMBOLO
Ito'y isang salita, parirala, yugto o pangyayari na
tumutukoy sa isang bagay subalit nagpapahiwatig ng
isang kaisipan.

6. DAYALOGO O USAPAN
Sa isang kwento, kailangan ng dayalog o usapan
sa isang kwento upang magkaroon ito ng buhay.
7. TUNGGALIAN
Ito ang labanan sa kwento. Maging ito ay tao laban sa sarili, tao
laban sa kapwa tao o kaya ay tao laban sa kalikasan.

8. MGA IMAHEN
Ang mga kwento ay gumagamit ng mga pahiwatig sa
pamamagitan ng mga imahen na lalong nagbibigay ng kahiwagaan ng
kwento. Sa pamamagitan ng imahen ay napapaigting ang interes sa
kwento.
Halimbawa ng imahen ay bundok para sa kadakilaan, kuwintas
para sa alaala ng isang ina, o kaya naman ang buwan na nagtatakda ng
kapalaran.

You might also like