Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Magandang

Araw!
Si Aladin, Apolo
ang Kawangis
(Saknong Bilang 126-135)
Ang Nakaraan
Nagpatuloy sa pananangis si Florante at ang puso ay dinudurog ng
matinding panibugho. Samantalang palapit na sa kanya ang
dalawang leon na handa nang sumakmal ngunit natigilan nang
makita ang kahabag- habag na kalagayan ni Florante. Sa harap
nang nalalapit na kamatayan, nagpaalam na si Florante sa Albania
na nais niyang paglingkuran mula pa sa kanyang pagkabata.
Nagpaalam rin siya kay Laura na inaakala niyang nagtaksil sa
kanya. Ayon sa kanya, hindi dapat tangisan ang kanyang
kamatayan kundi ang kasawian sa pag-ibig.
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-
sindak gerero'y hindi na mapigil ang
habag, tinunton ang boses at siyang
hinanap patalim ang siyang
nagbukas ng landas.
Dawag na masinsi'y naglagi-lagitik sa
dagok ng lubhang matalas na kalis
Moro'y di tumugot hanggang di nasapit
ang binubukalan ng maraming tangis.
Anyong pantay-mata ang lagay ng
araw niyong pagkatungo sa
kalulunuran, siyang pagkataos sa
kinalalagyan nitong nagagapos na
kahambal-hambal.
Nang malapit siya't abutin ng
sulyap ang sa pagkatali'y lingid ng
hirap nawalan ng diwa't luha'y
lumagaslas katawan at puso'y
nagapos ng habag
Malaong natigil na di nakakibo
hininga'y hinabol na ibig lumayo,
matutulog disin sa habag ang
dugo kundangan nagbangis leong
nangagtayo.
Naakay ng gutom at gawing manila
nag-uli sa ganid at nawalang-awa
handa na ang ngipi't kukong
bagong hasa at pagsasabayan ang
gapos ng iwa.
Tanang balahibo'y pinapangalisag
nanindig ang buntot na nakagugulat,
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab
Puryang nagngangalit ang siyang
katulad
Nagtaas ang kamay at nangakaakma sa
katawang gapos ang kukong pangsira,
nang darakmain na'y siyang pagsagasa
niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.
Inusig ng taga ang dalawang leon si
Apolo" mandin sa Sep'yente Piton,
walang bigong kilos na di nababaon
ang lubhang bayaning tabak na
pamutol.
Kung ipamilantik ang kanang
pamatay at saka isalag ang pang-
adyang kamay, maliliksing leon ay
nangalilinlang kaya di nalao'y
nangagumong bangkay.
Maraming Salamat!
naglagi-lagitik - naglangit-langitngit

binumukulan - pinagmumulan, pinanggagalingan

malaon - matagal

manila - manakmal

pinapangalisag - pinapanindigan ng balahibo

nginasab-ngasab - nilablablablab

You might also like