Tuntunin I

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Tuntunin I

Patnubay ng Dakilang Lumikha

Magtiwala sa Dakilang Lumikha na siyang namamatnugot sa kapalaran ng mga tao at bansa.

Pinakamahalaga sa buhay ng mga bansa at sambayanan ang pananalig sa Dakilang Lumikha na gumawa at nagtanggol sa sandaigdigan. Ang Bibliyang Kristyano, Koran ng Mohamedanismo at iba pang banal na aklat. Ang Kadakilaan ng Diyos sinulat ni Marcelo H. Del Pilar noong 1888. Bago pa dumating ang mga Espanyol, naniniwala na ang mga katutubong Pilipino na may isang Diyos:

Bathala ng mga Tagalog

Laon o Abba ng Mga Bisaya

Akasi ng Mga Sambal

Cugurong ng Mga Bikolano

Kabunian ng mga Ilokano at Igorot

Sadyang relihiyoso ang mga Pilipino, noon pay sinamba na nila ang isang bathalang may kapangyarihang higit sa karaniwang tao. Mababakas ang katutubong katangiang ito na namana natin sa mga ninunong buhat sa India at Sumatra. Nagdala ito sa ating bansa ng :
Mga Seremonyas Kaisipang Bramaniko (Brahmanic)

Alamat ng Manobong si Ango ng Lambak ng Agusan sa Mindanao at ng kanyang pamilya na naging bato. May paniniwala ang mga tiga-Silangang Leyte na sinumang makipag-usap sa hayop ay tatamaan ng kidlat at magiging bato. Pagkatapos ng ika-14 na siglo, pumasok ang Mohamedanismo sa Mindanao. Ang sunud-sunod na pananakop sa ating bansa ay nagdala ng kaisipan at paniniwalang panrelihiyon.

Ipinakita ng mga Pilipino ang kaisahan ng kanilang paniniwala sa isang Dakilang Lumikha tulad ng sa pagpapahayag ng Kalayaang Pilipino sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 at Preambulo ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 29, 1899. may isang Maykapal na nagparusa sa mga kasalanan
ng mga tao at sa bansa.

Maging sa Preambulo ng ating kasalukuyang Saligang Batas ay humihingi rin tayo ng tulong sa Dakilang Lumikha.

Ayon sa isinulat ni Rizal na Kababaihan ng Malolos :


Napapaloob sa pagiging banal ang Pagsunod sa unang pagkakataon, sa mga Idinidikta ng katwiran, anuman ang Mangyari.

Ang nais ko ay gawa, hindi salita. sabi ni Kristo

Hindi lahat ng nagsasabing Panginoon, ay makakapasok sa Kaharian ng Langit; Kundi sinumang gumaya ayon sa kalooban ng ating Amang nasa langit.

Ayon naman sa sulat ni Marcelo H. Del Pilar na Kababaihan ng Bulacan

Hindi isang katangian ang laging pagdarasal, pagkatok sa dibdib at iba pang nakagawiang kilos sa pagsamba; higit na tinatanggap ng Dakilang Lumikha ang paglinang ng katalinuhang kanyang ipinagkaloob dahil sa walang hanggang pag-ibig na iniukol niya sa mga nilalang na Kanyang nilikha, upang magsilbing liwanag sa landas ng buhay.

Buhat sa Mga Tungkulin ng mga Anak ng Sambayanan, ipinag-utos ni Bonifacio ang mga sumusunod:

Mahalin ang Diyos ng buong puso.

Laging isaisip na ang tunay na Pag-ibig sa Diyos ay pag-ibig Sa bayan at ito rin ay tunay na pag-ibig sa kapwa.

Sa Kartilya ng Katipunan na isinulat ni Emilio Jacinto, binigyang-diin sa ikatlong alituntunin na ang kabanalan ay nasa pagkakawanggawa, pagmamahal sa kapwa at sa pag-aangkop ng salita, kilos at gawa sa tamang katwiran. Idinagdag pa ni Jacinto sa kanyang Liwanag at Dilin ang ganito: Ang Diyos ang Ama ng Sangkatauhan at anumang naisin ng ama na gawin ng anak ay di dapat maging bunga lamang ng paggalang, takot, pag-ibig sa knya, kundi dahil sa sariling pagtupad sa kanyang mga kautusang makatwiran.

Mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao.


Kung hindi umiral ang Diyos, Kakailanganing tuklasin Siya ng tao. -Voltaire

Sumakatuwid, mahalaga ang pagpaparayang panrelihiyon tungo sa kapayapaan ng mga tao at bansa.

Sa ating Saligang-Batas, bilang pagkilala sa pagpapahintulot ng paniniwalang panrelihiiyon, kailangan manumpa ang Pangulo ng Pilipinas bago gampanan ang kanyang tungkulinm matapos na siyay mahalal.  Itinakda ng Saligang-Batas na ang mga simbahan, gusali at iba pang mga kayariang ginagamit lamang para sa layuning Saan man siya naroroon, sa kabundukan panrelihiyon ay hindi sisingilin ng niyang o ilalim ng lupa, kailanman at saanman, tungkulinbuwis. bantayan ang interes ng Panginoon. Ito ang sanligan  ng ating naman sa Bushido: Ayon pananampalataya, di nagbabago at may walang

hanggang katotohanan.

Sa pagpapahayg ng pananampalatay ni Mabini na nakapaloob sa kanyang Tunay na Sampungmo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit Utos: Una- Ibigin
sa lahat ng bagay: Ang Diyos na siyang bukal ng lahat ng katotohanan, ng lahat ng katarungan, at ng lahat ng lakas; at ang karangalan na siyang magbubunsod sa iyo na maging matapat, makatwiran at masipag.

Ikalawa- Sambahin mo ang Diyos sa pamamaraang minamarapat ng iyong budhi: sapagkat sa pamamagitan ng iyong budhi ay uusigin ang masasama mong gawain at pupurihin ang Magagaling at dooy mangungusap ang Diyos.

Ikatlo- Linangin mo ang magagandang katangiang kaloob sa iyo ng Diyos, gumawa ka at mag-aral sa abot ng iyong makakayanang hindi lilihis sa daan ng katwiran a katarungan nang matamo mo ang lahat ng makakabuti sa iyo, at sa pagtalima ritos pupurihin ka at sa pagsusuri sa iyo ay Magtatanghal ang pagluwalhati sa Diyos.

Kinilala rin ng ating Saligang-Batas ang kalayaan ng propesyong panrelihyon at pagsamba. Pagkatapos ng tagumpay ni Hitler sa Pransya, sinabi niya ito: Buong kapakumbabaan akong nagpapasalamat sa Diyos para sa Kanyang mga biyaya. kahit ang pinakabaliw na diktador na naghahangad sakupin ang sangkatauhan ng

Tuntunin II

Pag-ibig at Tungkulin sa Bansa

Ibigin mo ang iyong bansa sapagkat ito ang tahanan ng iyong bayan, ang batayan ng iyong pagmamahal at pinagmulan ng iyong kaligayahan at kagalingan. Ang pagtatanggol sa kanya ay siya mong pangunahang tungkulin. Maging laan ka sa lahat ng sandali sa pagpapakasakit at pagpapakamatay sa kanyang kapakanan, kung kinakailangan.

Naipapakita ang pag-ibig sa bansa hindi sa salita kundi sa gawa. Isa itong matatag na paninindigang paglingkuran at ipagtanggol ang bansa sa lahat ng pagkakataon at nang walang pasubali. Makikita ang pagmamahal sa bayan kundi sa pagtatanggol ng kalayaan natin.

Lapu-Lapu -Lumaban kay Magellan -Noong Abril 27, 1521

Iba pang mga bayani ng ating bansa:


Magat Salamat

Agustin de Legazpi

Martin Panga ng Tondo Raha Soliman Lakandula

Francisco Maniago

Diego at Gabriela Silang

Apolinario Dela Cruz

Padre Gomez, Burgos at Zamora - Pinaghandugan niya ng El filibusterismo

Andres Bonifacio

Emilio Jacinto

Jose Rizal

Sinabi ni Rizal sa kanyang liham na: nais kong ipakita sa mga nagkait sa atin ng pagmamahal sa bayan na tayoy marunong ding maghain ng buhay alang-alang sa tungkulin a simulain. Mabisa ring naipahayag ni Rizal ang mataos niyang pag-ibig sa bayan sa Awit ni Maria Clara na isinalin ni Guillermo E. Tolentino. Sa bisperas ng kanyang kamatayan, inihayag niyang lahat ang mga damdamin na kinimkim niya sa kanyang dibdib sa gawa niyang tula na Huling Paalam. Sina Marcelo H. Del pilar, Hen. Gregorio Del Pilar at Jose Rizal ang mga halimbawa na

Marcelo H. Del Pilar

Gregorio del Pilar

Manananggol at mamamahayag

Ang paglilingkod sa bayan ay isang tungkuling di matatakasan, at sa pagtupad nito, lahat ng mamamayan ay nararapat na maglingkod, militar man o sibiko. (Sek.2 Artikulo 11, Saligang-Batas, 1935) Gaya nga ng sabi ni Rizal: Madaling mabali ang nag-iisang tingting subalit hindi ang walis na binubuo ng pinag-buklod na mga tingting.
Graciano Lopez-Jaena -Patnugot ng La Solidaridad at El Latigo Nacional. -May mithiin na mamatay para sa sariling bayan.

Napilitang tumakas ng bansa si Graciano Lopez-Jaena dahil sa pag-usig ng mga prayle. Dumanas siya ng di-matingkalang hirap hanggang sa mamatay ng gutom sa Espanya.

Ipagpatuloy ninyo ang ating gawain at hanapin ang kaligayahan at kalayaan ng ating bansang minamahal

Graciano Lopez-Jaena

Isang manipesto ni Hen. Aguinaldo noong 197, na pagsikapan nating matamo ang luwalhati ng kalayaan at karangalan ng ating bayan.

Ayon naman kay Andres Bonifacio Tunay ngang maaari kayong masawi sa ating pakikipaglabang ito subalit ang kamatayang itoy magiging daklang pamana sa inyong bansa, lahi at mga susunod na henerasyon. Huwag ninyo kalimutan ang ating pakikipaglabang ito sa kabila ng panganib sa ating buhay at ari-arian ay nakatauon sa pagtatamo ng kalayaan ng bansang minamahal, kalayaang siyang magbibigay sa atin ng karangalan, kaluwalhatian at kadakilaang ngayon ay niyuyurakan at inaalipusta.

Wika ng kapampangan: nung mate cu rin quing danup Mayap pa quing pamipamuk


Salin: Kung mamamatay din lamang akom mabuti nang mamatay akong ipinaglalaban ang isang dakilang mithiin. Hindi lamang sa kaguluhan ng digmaan kundi pati sa panahon ng kapayapaan maipamamalas ntin ang walang pag-iimbot na pag-ibig sa bayan, sa pamamagitan ng pagpapakasakit ng sariling kaginhawahan at kahit ng pinakamahal nating mga ari-arian alang-ala sa kagalingan nito.

You might also like