Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAGLALARAWAN

Naglalayong bumuo ng hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari sa tagapakinig o bumabasa sa pamamagitan ng pili at angkop na mga salita

Ang mabisang Paglalarawan


1.
2. 3. 4. 5.

Maingat na pagpili ng paksa Pagpili ng sariling pananaw Pagbuo ng isang pangunahing larawan Wastong pagpili ng sangkap Maingat na pagsasaayos ng sangkap

URI NG PAGLALARAWAN
A.Pangkaraniwan/obhektibo - Paglalarawan na di kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunulat - Ayon lamang sa nakikita ng mata - Pangkabatiran ang layunin - Tiyak na impormasyon at katotohanan ang ginagamit na katangian

Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malalago ang mga halaman, naghuhuni han ang mga ibon sa sanga ng punung- kahoy at nalalanghap sa hangin ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang kanilang malaking bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa rin ipinagbago.Naroon din ang haw-la ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang puno ng halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.

Si Leoncio ay laging malinis-pati ang kanyang damit,bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay maiikli naman-na tila pinagkalakhan.

B. Masining - ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama -ginagamitang ng tayutay na naglalayong pukawin ang guniguni ng bumabasa. -layunin ng manunulat na makaantig ng kalooban ng tagapakinig o bumabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o naranasan nitong damdamin sa inilalarawan

Nakapanlulumo ang dagundong ng nagaalimpuyong tubig na sa mga panahong gayon, mula sa kahinhinan ng katag-arawan ay nagiging mistulang dambuhalang padabog na lumulundag mula sa itaas ng tagastas at walang hunos-diling kumakaladkad, sa lahat ng bagay na maraanan nito sa ibaba, bagay na nakapagdudulot ng pangambang gumagahis sa katiningan ng loob ng sinumang may balak tumawid.

Si Rosing ay larawan ng tunay na kagandahan. Ang kanyang mga matang nakikipagtimpalakan sa lamlam ng dapithapon,ang kanyang mala-rosas na pisnging kinukulayan ng panahon lalo nat matindi ang sikat ng araw,ang kanyang daliring parang nililok ng kalikasan, ang lahat ng iyoy sama-samang mga katangiang nagpatanghal sa kanya.

Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan


a.Imahen/

Imijri /Paglalarawang-diwa -pampukaw sa pandama kaya dapat gamitin ang nararamdaman b. Paghahambing o Metafor -malaki ang naitutulong sa paglilinaw -higit ang impak ng nararamdaman kung sa konkretong larawan naipahayag ang nailarawan

c.Pag-aangkop ng salita - Pinipili ang paggamit ng salita d. Pagtatambis -paggamit ng mga tayuta,idyoma -nagpapakulay at nagpapaganda sa pagsasalita

Alamin ang kahulugan ng sumusunod na mga idyoma at gamitin sa pagbuo ng isang talata

Pinagngalit ang ngipin Pinupog ng halik Punong-puno ng pananalig Parang sisiw na sinambulat Nagkadampi nang buong init Katawang inulila ng ganap na lakas Magkaibang daigdig Nakadikit sa balintataw Dahong nalagas sa tangkay ng panahon Tudla ng haring araw

PAGSASANAY:
1.Kahambing

ng isang bagong bumubukad na kamupupot,sa halik ng gamog at ngiti ng araw ay lalong naghahalimuyak ang iniwang bango,si Ireneng taga-Libis ay nagiging hantungan ng pagkalugod at paghanga ng kanyang mga kanayon.
Mula sa:Ang Dalaginding

ni Inigo Ed.Regalado

2.Napatingin siya rito. Matagal na para bang noon lamang siya nito napagmasdan. May edad na rin ang kanyang ina. Makukuwarenta. Marami ring gatla sa noo. Luyloy na ang mga kalamnan sa bisig. May saglit nang puti ang buhok. Halatanghalata sa anyo ang hirap ng pagsasabalikat ng gawaing bahay para sa pitong katao, anim silang magkakapatid, nang walang katulong.
mula sa: Paano,Bukas? ni: Carmelita J. Salonga

3. Bukanliwayway noon. Hayun at malasin natin ang dalawang lalaking sa ayos at anyot mapaghuhulong sila ang mga magbubukid na siyang nagmamay-ari ng ating hinahangaang mayamang palayang likha ng kalikasan. Ang isa ay siyang umuugit ng araro at ang pangalawa ay siya namang nagtataboy ng isang bilugang kalabaw.Sa malayo,kung ating tatanawin ang anyo ng dalawang kawal sa paggawa na walang iniwan sa magandang larawang iginuhit ng isang bukanliwayway.
mula sa: Ang Ulirang Magkapatid ni: Policarpio G. Dangalio

4. Nabaling ang kanyang paningin sa nahihimbing niyang mahal s abuhay.Namasdan niyang mabuti sa liwanag ng ilawan ang ayos ng mga yaon. Sa katauhan ng kanyang panganay ay nakakintal ang ugat ng katotohanan kung bakit dapat na mabuhay. Ang pasusuhin ay tila pinilas na larawan ng kanyang ina. Hindi nakaila kay Mang Milyo ang maganda pa ring hubog ng katawan ng kanyang asawa.
mula sa: Biyaya ng Tag-ulan

ni: Anacleto L .Dizon

5.Nakapanlulumo ang dagundong ng nagaalimpuyong tubig sa mga panahong gayon mula sa kahinhinan ng katagarawan ay nagiging mistulang dambuhalang padabog na lumulundag mula sa itaas ng lagaslas at walang hunus-diling kumakaladkad sa lahat ng bagay na nararaanan nito sa ibaba bagay na nakagpdulot ng pangambang gumagahis sa katiningan ng loob at sino mang may balak tumawid.

You might also like